Nakasunod lang ang mga mata ko sa likod ng lola ni Knight, padabog pa itong naglalakad patungo sa kusina. Hindi yata maganda ang pakiramdam ko sa lola niya, parang may hindi maganda sa aura niya. Napailing nalang ako, bakit ko ba 'yon nasabi? Siguro natural lang 'yon sa kanya kase kung ako man ang makakita ng pwesto namin ni Knight t'yak hindi mo rin magugustuhan lalong-lalo pa na hindi niya ako kilala. "Knight, gising na, honey. May tao rito, lola mo." Tinapik tapik ko ang mukha niya para magising ito, napayakap lang ito sa akin ng mahigpit. "Knight, bilis na baka pagalitan ka niya." Pilit kong kinakalas ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko, ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko nang ibaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Geez! Nanayo na naman ang mga balahibo