2 days after ng nangyari sa Condo ni Knight ay wala namang nagbago sa amin, walang ilangan sa isa't-isa. Hindi ako galit sa kanya, siguro nadala lang din siya. Mas naging sweet pa siya sa akin na minsan ay wala na siyang pakialam kahit na maraming tao sa paligid namin. Nasa kwarto ako ngayon at handa na akong umalis ng bahay, hinihintay ko na lang na magtext si Knight kase sabi nya sa akin ay susunduin nya ako. Narinig kong nag beep ang phone ko senyales na may nagtext at si Knight na nga iyon. Lumabas kana, I'm here. Ni lock ko na ang lahat na pwedeng i lock at lumabas na ng bahay ko, nasa labas na nga siya. Hinanap ng mga mata ko ang kotse na palagi nyang dala kapag sinusundo nya ako pero hindi ko ito makita, ang nasa harapan ko ay isang motorbike. Black and red, a ducati. Lumapit si