Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon ni Knight, basta kaninang tanghali ay nasa bahay na siya at sinabing may pupuntahan daw kaming dalawa. Hindi naman ako makahindi sa kanya kaya nag-ayos nalang ako, gusto ko pa naman sanang bisitahin sila ni Aya at Aki ngayon. Kamusta na kaya ang magkapatid? Mag-iisang linggo narin ang nakalipas ng huli ko silang nadalaw at baka ubos na ang mga pinamili ko para sa kanilang dalawa. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. "Hey! Ang lalim na naman ng iniisip mo." Sumulyap siya sa akin at itinuon ulit ang mga mata niya sa daan, nakasakay kami ngayon sa bago niyang sasakyan at siya parin ang nagda-drive. "Naisip ko lang sila Aya at Aki." Sabi ko, I saw him smiled. "Gusto ko silang makilala, punta tayo sa kanila minsan? Wag lang ngayon, araw natin to eh.