Nakaupo lang ako ngayon sa couch dito sa condo nya habang naghihintay sa mga kaibigan nya, sila ang nagbibihis kay Knight. Dito narin namin siya dinala sa condo nya. "Tapos na, sigurado ka bang dito kalang?" Pagtatanong ni Kent sa akin, I smiled and nod at him. Ngumiti rin sila sa akin. "Kapag nalaman ni Ellaii na ngumingiti kana at sa amin pa baka patayin kami noon." Napatawa si Drew ganoon narin ang iba, "Alam mo bang matagal ka na nyang gustong makita na ngumiti? Sabi pa nya siya raw ang unang magpapangiti sayo, at kapag nangyari raw yon siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo." Sabi ni Anthony, siya ang dahilan kung bakit ako ngumingiti ngayon. Ang mga ngiti ko sa kanila ni Aki at Aya ay iba sa ngiti ko ngayon. "Kung alam lang nya na napangiti kana nya kanina siguro magpapap