Habang papunta ako sa University ay hindi maipinta ang mukha ko at alam ko na kung ganito ako ay buong araw ko na itong dadalhin. Badtrip ako, bwesit na lalaking yon! Hindi man lang nag sorry? Buti nga sa kanya ang ginawa ko, napakayabang! Akala mo kung sino, letche! Hindi na ako pumasok kaninang umaga kasi kailangan ko pang kuskusin ang buong katawan ko na punong puno ng putik kaya ilang oras din ang itinagal ko sa banyo.
Lunch time palang kaya malamang wala pang katao-tao sa loob ng room namin, padabog akong umupo sa bakanteng upuan. Magbabasa nalang ako para kahit papano ay mawala ang inis sa buong sistema ko, ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Wala akong kaibigan sa kanila, knowing them they will not entertain me. Sino ba naman ako rito? Isang estudyanteng umaasa sa scholar ko para makapag-aral dito? Kahit wala akong maging kaibigan okay lang naman sa akin, sanay na ako.
"Nakakainis nga eh! Matagal akong naghintay para magperform sila pero wala naman siya!"
"Pero okay lang naman sa akin kasi kahit papano ay naka perform ang grupo nila, yun nga lang. Wala siya."
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, wala naman akong alam sa pinagsasabi nila eh. Hindi ko nalang pinansin ang kaingayan nila, wala akong mapapala dyan.
Dumating ang hapon at uwian na namin, wala na akong mga subjects mula 5:30pm pataas. Umuwi na ako para makapag pahinga kasi may trabaho pa ako mamayang gabe. Pagsapit ng alas sais ng gabe ay naglakad na ako papunta sa Lave Caffee, 7pm pa ang pasok ko kaya aabot ako sa Caffee ng mag 6:20pm. Overtime nalang ang 40 minutes, hindi ko naman kailangan mag-overtime masyado. Wala naman akong napagkakagastuhan masyado para patayin ko sa trabaho ang sarili ko, as usual pagkarating ko ay binati ako ng mga kasamahan ko. Ganon din naman ako sa kanila, pati sa mga katrabaho ko ay mailap ako. Oo kinakausap ko sila pero hindi naman nagtatagal, mas gusto ko kasi na tahimik lang ako.
Papikit-pikit na ang mga mata ko pero pinipilit ko paring idilat ito, isang oras nalang Steph makakauwi kana at makakatulog ng maayos tutal sabado na bukas at sa hapon pa ang pasok ko rito. Napalingon ako sa kumulbit sa braso ko, si Ken kasama ko rito sa Caffee. Napakamot siya sa batok nya, "Uhhm, Steph yung nasa table 13 gustong ikaw ang magserve. Puntahan mo nalang." Napatango nalang ako kay Ken, bitbit ang tray ko ay naglakad na ako papunta sa table 13. Nasa 7 sila, may dalawang babae sa gilid ng dalawang lalaki. Basi sa nakikita ko eh, girlfriend nila iyon. Ang lapit lapit kasi nila sa isa't-isa at nakaakbay pa ang dalawang lalaki sa kanila.
Tumikhim muna ako at ngumiti ng tipid sa kanila, paglingon nila sa akin ay lumapad ang ngiti nila sa akin. Ang dalawang babae naman ay nagtataka na nakatingin sa akin, teka! Parang nakita ko na sila ah "Hi, miss ganda! Natatandaan mo paba kami? Kami ang nandito last week, yung napagkamalan kang nagpanggap para makausap kami?" Napangiwi ako sa narinig ko, tiningnan ko sila at napagtanto kong sila nga iyon. Pero parang kulang sila ah? Nasan na yung?... Napailing nalang ako.
Narinig kong nag fake cough ang isang babae, napatingin ako sa gawi nya at nakataas ang kilay nya sa akin. Ganon din ang ginawa ng isang babae, kambal pala sila. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa eh. "Are you fine?" Tanong ng isang lalaki sa unang nagfake cough, I saw her glared at that guy. Napalunok ang lalaki, takot yata?
"What's your order, sir and ma'am?" Magalang ko na tanong sa kanila, nag-umpisa na silang mag-order. "Is that all?" Tumango silang lahat, tatalikod na sana ako ng may marinig akong baritonong boses sa likuran ko kaya napalingon ako sa gawi nya. Ganon nalang ang pagkabigla ko ng makilala ko ang lalaki. "Sorry, I'm late." Umupo lang siya sa bakanteng upuan, napahigpit ang pagkawak ko sa tray na hawak-hawak ko. "Akala namin hindi kana aabot kaya nag-order na kami, saan ka galing?" Tanong ng isang lalaki sa kanya, napangisi lang siya. "Sus! Nagtanong pa kayo, malamang sa malamang eh nambabae na naman yan. Kaya ikaw Kent kapag nalaman kong may babae ka bukod sa akin makikipagbreak talaga ako sayo!"
Napalunok ang tinawag na Kent, "Wala naman eh, ikaw lang ang babae ko." Nag pout pa siya, pa cute eh? Tss. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, hoy! At ikaw naman Drew, subukan mo lang at papatayin kayo namin ni kambal!" Nagtago naman ang tinawag na Drew sa likod ng isang kambal, "Ang brutal mo naman, Keyrha! Wala akong ibang babae bukod kay Kendra no! Takot ko lang sa babaeng to at mahal ko to!" Pagdedepensa nya sa sarili, I sighed. Maghihintay nalang ba ako hanggang kailan sila matatapos?
"Easy! Nandito tayo para mag chill, easy. Okay?" Napairap lang ang Keyrha siguro yon? "Uhhhm, may order pa po ba kayo?" Mukhang wala silang balak na tumigil eh, "We meet again, lady." Napatingin ako sa nagsalita, walang emosyon ang mukha ko ng tingnan ko siya. Wala akong imik habang nakikipagtagisan ng tingin sa kanya. Napakunot ang noo ng mga kasama nya, nagtataka siguro kung bakit ganito ang reaksyon namin sa isa't-isa.
"Ehem, ehem. Order na." Tumikhim nalang siya at nag-order na, nilista ko naman ang order nya at magalang na umalis. Tumayo na ako malapit sa counter at naghintay ng order nila, maya maya pa ay okay na ang order nila kaya maingat akong naglalakad papunta sa table 13 kung saan sila nakapwesto. Maingat kong inilapag isa-isa ang in-order nila kasama na ang bill.
"Thank you miss, Stephanie." Isang tipid lang na ngiti ang binigay ko at tumalikod na, malalaman talaga nila ang pangalan ko kasi may name plate kami sa bandang dibdib. Hindi na ako natangkang tumingin sa gawi nya kasi panigurado na ma bwebwesit na naman ako sa pagmumukha nya. Ang yabang yabang, letche!
Kalma lang Steph, kalma lang. Sabi ko sa sarili ko habang nasa loob ng banyo, ng makalma ko na ang sarili ko ay lumabas na ako sa banyo. Quarter to twelve na kaya wala na kaming customer, nag-aayos na ako ng gamit ko at pagpatak ng alas dose ay lumabas na ako.
Naglalakad na ako papunta ng apartment ko ng may marahas na humablot sa braso ko, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung gaano kabilis ang kabog ng dibdib ko, oh my gosh! Nang magtama ang mga mata namin ay galit na galit ito, medyo madilim na sa parteng ito kaya hindi ko makita ang buong mukha nya. Nagulat ako kaya ng kaladkarin nya ako ay hindi agad ako nakatutul pero ng nakabawi na ako ay agad kong hinablot ang kamay ko pero s**t lang! Ang lakas lakas nya. "Bitawan mo ako!" May halong kaba sa tinig ko pero hindi ko iyon ipinahalata, kinakaladkad nya parin ako hanggang sa nakarating kami sa parking lot at may ilaw na doon.
Nauuna siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nya, naka polo ito na blue. Disenti naman ang pananamit nya kaya hindi ko masabi na hoholdapin nya ako, baka r****t ito? Damn! Natatakot na ako, nagpalinga-linga ako pero kami nalang ang natitira rito. Anong gagawin ko? What to do now? Damn it!
"Sakay!" Pasigaw nyang sabi, nang makita ko na ang mukha nya ay umusbong na naman ang galit sa sistema ko. Binitawan nya ang kamay ko na halos kasing pula na ng mansanas, walang sabi sabi ay tumalikod ako sa kanya. Who the hell is he to boss me? Narinig ko siyang napamura.
Dali-dali akong naglakad, damn him! "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Galit na sigaw ko sa kanya, hinablot nya na naman kasi ako. Letche! Ang sakit sakit na ng kamay ko. "Wala kang karapatang talikuran ako kapag kinakausap kita!" Bwesit! Bwesit talaga ang lalaking ito! "At wala kang karapatang kaladkarin at sigaw sigawan ako!" Nagpupuyos ako sa galit, ano bang problema ng isang to? Ngumisi siya sa akin
"Yeah, wala nga. Pero binasag mo lang naman ang windshield ng sasakyan ko, you need to pay me!" Tss! Akala ko kung ano na, yun lang naman pala! "Mayaman ka naman dba? Kaya mo nang ipagawa ang sasakyan mo, sa tingin mo mababayaran ko iyon?" Bored na bored kong sagot sa kanya. "Kung nagsorry ka lang sana kanina, edi okay na sana tayo. Kaya lang isa't kalahati kang mayabang." Napaismid ako sa kanya, nakatitig lang siya sa mga mata ko. Siya pala kanina ang kasama ng pitong customer sa Caffee, yung may kambal. Siya lang naman ang na late kanina kaya yun nalang ang reaksyon namin sa isa't-isa ng magtama ang mga mata namin.
"I know that you can't pay me, because you don't have enough money. Pero may alam akong ibang paraan kung paano mo ako mababayaran without paying me your money." Ngumiti siya ng nakakaloko, bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Napaatras ako at napailing, no way in hell! Naglakad naman siya patungo sa akin at nakasandal na ako ngayon sa sasakyan nya, inilagay nya ang dalawang kamay nya sa magkabilang side ko. Damn! I'm trapped! Ngumiti na naman siya ng nakakaloko "You know what, I like girls who are brave. Pero alam kong kinakabahan kana ngayon, hindi naman kita pahihirapan masyado eh. I think you will enjoy my company." I saw him smirked, napalunok ako. Napatingin naman siya sa labi ko, mas inilapit nya pa ang mukha nya sa mukha ko. Hinaplos nya ang gilid ng mukha ko, iniwas ko ang ulo ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"You're beautiful, baby." Sabi nya habang nakatitig sa mata ko, "Bitawan mo ako! Hindi ako katulad ng ibang mga babae na isang landi mo lang ay papatol na agad sayo!" Hinapit nya ako sa bewang kaya napasinghap ako, first time na may gumanito sa akin na lalaki. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko, iba ang klase ng mga tingin nya sa akin. "Too fierce, babe. Hmm." Nasa gilid na ng mukha ko ang mukha nya, amoy na amoy ko ang pabango nya at ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko. Iniharang ko ang kamay ko sa dibdib nya, alam kong wala akong laban sa kanya dahil lalaki siya. Pero s**t lang, ayokong mapagsamantalahan ako! Buong lakas kong tinuhod ang p*********i nya,
"s**t! s**t! Damn it! Hawak hawak nya ito, ako naman ay nakawala na sa kanya. Dali dali kong kinuha ang bag ko na nahulog kanina, namumula ang buong mukha nya. Ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan parin ako hanggang ngayon. Tumalikod ako at tumakbo na papalayo sa lugar na iyon pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagsigaw nya "You'll f*****g pay for this!"