Lumipas na ang ilang weeks at pasukan na, patungo na ako ngayon sa room namin. Ang ingay, lahat ng estudyante dito nagpapayabangan kung saan sila nagbakasyon. Tsk! Ang aarte at ang yayabang, hindi naman sariling pera ang ginamit nila! Nang makarating na ako sa room namin ay umupo lang ako sa bakanteng upuan sa bandang likuran, gusto ko dito lang ako nakaupo.
A week before mag start ang pasukan ay may schedule na kami, kaya alam na alam ko na ang mga rooms ko. Hindi nagtagal ay dumating na ang Prof namin, nakinig lang ako. Ano pa nga ba ang gagawin ng isang estudyante?
Nang lunch time na ay kumain lang ako ng isang sandwich, hindi naman ako gutom. Sanay na kasi ako na hindi kumakain ng kanin minsan kapag lunch, nag-uumpisa na naman akong magtipid kasi hindi ko alam baka may mga kailangan akong bilhing mga gamit na importante sa pag-aaral ko o projects. Nandito lang ako sa isang bench ng University, nakaupo habang kumakain ng sandwich ko. Ako lang mag-isa kasi wala akong kaibigan, mapait akong napangiti sa sarili ko. Lahat ng akala kong mga totoo kong kaibigan ko ay iniwan din ako, akala ko sila ang magiging sandalan ko kapag may problema ako but I was wrong.
Lahat sila hinusgahan agad ako, bakit ginusto ko ba ang nangyari nang araw na iyon? Walang may gusto ng nangyari! Pero wala na akong magagawa kasi tapos na yon eh, all I need to do now is to focus in my life without them. A part of me is thinking that, what if hindi yun nangyari? Masaya siguro ako ngayon kasama ang pamilya ko at hindi sana ako nahihirapan ngayon. Kamusta na kaya sila? Naiisip din ba nila ako? Naiisip din ba nila na may anak pa sila na naghihirap ngayon? Na mi miss din ba nila ako? Or worst, wala na silang naaalalang may anak silang nagngangalang Stephanie Nicole.
Lahat ng yan palagi kong tinatanong sa sarili ko, but I cannot find any answer kasi hindi naman ako sila eh. Pero kapag ako ang tatanungin nyo ng ganyan? I will be a liar if I will tell you na hindi ko sila na mi miss, na hindi minsan nasagi sa isip ko na kamustahin sila. Para sa kanila ay para akong isang nakakahawang sakit, malayo palang ako ay kusa na silang lumalayo sa akin. Gusto ko lang naman ay ang patawarin nila ako, hindi lang naman sila ang nawalan ah! Ako, nawalan din ako. At ngayon, walang wala na ako.
Noon, halos lumuhod ako sa harapan nila para mapatawad nila ako, pero ngayon? Nah! Kahit wag na nila akong patawarin, that's fine with me. Ginawa ko ng lahat pero matigas sila, kaya ngayon ako nalang mag-isa. Mas mabuti nato, wala rin naman akong mapapala kapag nagmukmuk ako at mag mukhang kaawa-awa. Kapag ginawa ko yun mas iisipin nila na hindi ko kaya kung wala sila, na wala akong silbi dito sa mundo, but they are wrong. If they think that I am like that, well they are freaking wrong! Hindi ko kailangan ng pera nila.
After ng lunch time ay pumunta na ako sa next class ko, as usual nakinig lang ako sa sinasabi ng Prof namin. 4pm tapos na klase ko, nilalakad ko lang pauwi. After ng ilang minuto ay nakarating na ako sa bahay ko, magpapahinga na muna ako. May duty pa ako mamayang 8pm sa Lave Caffee since wala na ako sa Green House.
Lunes na lunes maraming tao na sa Lave Caffee, ang iba ginagawa nilang pampalipas ng oras ang pag-iinom ng kape. Mag eeleven narin, kaya ilang minuto nalang at makakauwi na ako. I went to the toilet to pee, then after that bumalik na ako sa pwesto ko na malapit sa counter. Ang mga kasama ko ay may in-assist kaya ako lang ang walang ginagawa, hindi nakawala sa tingin ko ang mga customer na mga lalaki na nakatingin sa akin, hindi ko nalang pinansin. Palagi naman yan eh, sanay na ako.
Pero mas nakuha ang atensyon ko ng isang grupo na nakaupo malapit sa counter mismo, mga ilang tables lang ang pagitan non. Lahat sila nagtatawanan, sila lang ang pinaka maingay dito. Parang sila ang may ari ng Caffee ah! Tsk! Rich kids, pera lang naman ng magulang nila ang ginagastos nila. Napaismid ako.
"Waiter!" Tawag ng isa sa kanila, since ako lang ang libre ay lumapit ako sa table nila. 5 lang sila, at masasabi ko talaga na mga mayayaman nga sila. Makikita mo naman sa mga signature na damit nila, gadgets at sa kutis nila. Hindi lang naman sila sa gamit may ibubuga, may mga itsura din sila. Nasa tapat na ako ng table nila, I'm about to say something when I saw them smiling at me. Napakunot ang noo ko, sa lima silang nasa table ay nakayuko ang isa at nagte-text.
"What do you want miss? Sorry wala kami sa mood ngayon. Maybe next time." Mas kumunot ang noo ko, anong pinagsasabi nito? Ngumisi lang ang iba nilang kasama except sa isa na busy sa pagte-text. Tumikhim muna ako "What's your order, Sir?" Magalang na tanong ko, nalaglag ang panga nila. Srsly? What's their problem? Napakurap sila at biglang tumawa ng mahina. Letche! "Sorry miss, pero ang tawag ko kanina WAITER. Kung nagpapanggap kalang, umalis kana." Tumawa ulit sila ng mahina "Iba na talaga pag gwapo, maraming nagiging desperada mapansin lang natin." Umiiling pa nyang sabi, me?
Desperate to have their attention? Who the hell they are?
Ayaw ko sanang maging rude or what but since naiinis ako bahala na, "You called for a waiter then I came over to get your order, and for f***s sake I am not desperate to get your attention!" Naiinis kong sabi, pero mahina lang iyon at sapat na para kami lang ang makarinig. Napanganga sila sa sinabi ko. Tinaasan ko sila ng kilay ko, nasa apat lang attention ko since mukhang walang balak na magtaas ng tingin ang isa nilang kasama. "Y-your working here?" Nauutal nyang tanong, hindi ko sila kilala at wala akong balak na kilalanin ang mga mayayabang na ito.
Napasimangot ako "Isn't it obvious? Can I take your order now?" Walang gana kong tanong "What's happening? Didn't I told you that wala muna----" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil nagkasalubong na ang mga mata namin. Malamig ko lang siyang tiningnan, siya naman ay parang gulat na gulat. Siya ang lalaking panay ang text lang kanina "Yun naman ang ginagawa namin eh, waitress siya dito." Kanina pa kami nagtiti-tigan, wala akong balak na magbaba ng tingin. Siya na ang unang kumawala sa titigan namin, napatikhim siya. Napabuntong hininga ako ng nag umpisa na silang magsabi ng order nila.
Pagkatapos kong makuha ang order nila ay ibinigay ko na sa counter at tumayo na doon para maibigay ko na agad ang order nila. Habang nakatayo ako dito ay nakita kong titig na titig sa akin ang lalaking panay ang text kanina, hindi ko nalang pinansin. Wala pang 10 minutes ay nand'yan na ang ni order nilang kape at cake, kaya naglalakad na ako ngayon papunta sa table nila. Isa isa ko itong inilagay sa table nila, bigla yata akong nailang sa klasi ng tingin na ibinibigay ng lalaking nagte-text kanina. "Ahhm, miss sorry kanina huh. Hindi ka kasi mukhang waitress dito eh, akala namin ay isa ka sa mga babaeng nasa kabilang table." Pag-uumpisa ng isa sa kanila
"Alam mo, mukha kang angel. Pwede kang maging model." Nakangiting sabi ng isa pa, hindi parin ako nagsasalita. Maingat parin akong naglalagay na ni order nila, ng mailagay ko na sa tapat ng lalaking wagas maka titig sa akin ay tiningnan ko rin siya. Agad nya naman iniwas ang tingin nya sa akin. Pagkatapos ko itong nailagay sa tapat nya ay tumayo ako sa gilid "Is there anything that I can do for you, sir?" Napanganga sila except sa lalaking wagas makatingin. "Do you have a boyfriend?" Letche! Gusto kong ihampas ang tray na hawak hawak ko sa kanya, ngumiti pa siya sa akin. Umiling lang ako, mas lumapad ang ngiti nya. "So, can I ----" hindi na nya naituloy ng sumabat ang lalaking wagas makatitig. "You can go now." Tumango nalang ako.
"Putek! Hindi pa nga ako nagsisimula may nagmamay-ari na agad?" Narinig kong sabi ng isang lalaki sa table na huli kong pinagservan. Inilagay ko na ang tray sa counter, hindi ko sinasadyang napatingin sa table nila. Nakatingin parin siya sa akin, anong problema ng isang to sa akin? Tumalikod nalang ako at nag umpisa ng pumunta sa locker ko. Uuwi na ako kasi 12 midnight na, may pasok pa ako bukas ng 10 am.
Nang makarating ako sa bahay ko ay agad akong nahiga sa kama ko, biglang pumasok sa isip ko ang mga mata ng lalaki kanina. Napailing naman ako at ipinikit ko na ang mga mata ko.
____________________
"I love you, po!" Nakangiti nyang sabi, sobrang lambing nito at napakamasayahin na bata. Ginulo lang ng lalaki ang mahaba at maiitim nyang buhok "I love you too, princess." Niyakap nya ang lalaki at inilebel ang mukha nya sa mukha nito "So, you are my prince? Like sa mga fairy-tale?" Tuwang-tuwa nyang sabi, she even giggled. "I will be your prince forever, princess but fairy-tale is not true." She pouted, pero di kalaunan ay ngumiti nalang din siya sa lalaki. Sa isip nya, hindi man totoo ang fairy-tale at least may prince naman siya.
__________________
Kung may makita/mabasa man kayong wrong grammar, typographical error, o kung ano mang mali, sorry po talaga.
damonsoul Hi Teh, haha.
~Mexica