Nang hindi ko na matiis na tingnan lang silang dalawa mula sa malayo na parang magkasintahan ay nakapagdesiayon na akong lapitan sila.
Pilit kong nilaparan ang aking ngiti nang lapitan ko sila sa kanilang mesa habang abala itong nakikipag-usap sa mga kasama.
Ilang hakbang pa lang bago ko marating ang pwesto nila ay tumingin si Petrus sa akin.
Nagkasalubong ang aming mga mata at base sa kaniyang itsura ay halatang hindi niya inaasahan ang pagdalo ko.
Nasaktan ako sa aking nakita hindi ko inaasahan na makita ko siyang gulat na gulat dahil nandito ako.
At napagtanto kong hindi nga niya ako inimbita dahil sa babaeng ito.
At kahit na hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa aking sarili ay pilit kong pinapakalma ang aking nararamdaman.
Kahit sobrang sakit na ay pinigilan ko ang sariling komprontahin siya.
Ngumiti ako at 'di nagpahalatang naaapektuhan sa presensiya nila.
"Petrus nandito ka pala akala ko hindi ka darating?" tanong ko rito at pinilit na ngumiti sa harap nilang lahat.
Nagpanggap din ako na hindi napansin ang katabi niya.
"Oh Salme nandito ka rin pala? Magkasama kayo ni Petrus?" nagtataka kong tanong kunwari.
Tumango siya sa akin ngunit halatang naiilang ito sa aking presensiya at kahit na nakikisama siya sa akin ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa kaniyang itsura.
Lahat ng parte ng kaniyang katawan ay nagsasabing hindi ito masaya.
Bagsak ang kaniyang mga balikat at naiiyak ang kaniyang mga mata.
Maging ang kaniyang mga labi ay 'di napigilang sumimangot.
Ang tamis ng kaniyang ngiti habang nakikipagkwentuhan kanina ay bigla na lang nawala na parang isang bula.
Nagpapahiwatig lang siya na ako ang naging dahilan kung bakit ito nawalan ng gana.
"Pasensiya ka na Petrus. Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo na inimbitahan ako ni Julle, nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya pagbibigyan. Kahit ito man lang ay makapagbayad ako ng utang na loob sa kanya," paliwanag ko kahit na hindi niya ako tinanong.
Gusto ko lang ipaalam sa kaniya na si Julle ang nag-imbeta sa akin kahit na hindi naman totoo.
Natulala si Petrus sa aking sinabi halatang hindi pa rin ito makabawi sa pagkagulat.
Nang tingnan ko ang kamay ni Salme sa kaniyang kabilang braso ay hindi pa rin ito bumibitaw sa kaniya.
Para akong tinusok ng libo-libong karayom sa puso dahil sa sakit.
Bago pa ako bumigay sa tunay kong nararamdaman ay nagpaalam na ako kaagad na pupuntahan ko si Julle.
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Petrus at iniwanan na silang lahat.
Kasabay ng aking pagtalikod ay siya namang pagtulo ulit ng aking mga luha.
Lumapit ako kay Julle kasama si Ergie habang pinipisil ng kaibigan ang palad ko.
Halatang gulat din ang binata dahil iniwan ko si Petrus sa ibang table kasama ang babaeng iyon.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng aking kaibigan at wala sa sarili akong napailing.
"Nakita mo ba 'yon?" nasasaktan kong tanong sa kaibigan matapos ng ilang sandaling pananahimik. "Hindi ko akalaing kaya 'yong gawin ni Petrus sa akin?" reklamo ko and my tears are starting to accumulate at the corner of my eye.
"Gulat na gulat sila nang makita ako Ergie. Ang hirap mang aminin pero ang sakit-sakit," dagdag kong reklamo.
Inangat ko ang aking paningin sa malawak na kalangitan na may maraming kumikinang na bituin. And try to stop the tears from falling.
Kahit papaano ay nakatulong sa akin ang mga bituin upang makahanap ng rason upang ngumiti.
"Yeah, I see... isa lang ang ibig sabihin no'n. Pinili niyang makasama ang babae na 'yon kaysa sa iyo," sagot ng kaibigan ko at galit na rin sa dalawang kumag.
"Ang sakit talaga Ergie hindi ako makapaniwala," naiiyak kong ani.
"Kumalma ka muna, Dawn at pag-usapan niyo 'yan mamaya. Masbuti pa rin kung pakikinggan mo siya sa paliwanag niya," mungkahi niya sa akin.
"Ayaw kong makipag-usap sa kaniya, Ergie. Hindi ko na yata kayang tapusin pa ang party dahil gusto ko nang umuwi."
Hinatid ako ni Ergie sa labas kasama si Julle at kahit papaano ay hindi nila ako hinayaang ma-out place sa loob.
Napaka-awkward ng mga sandali dahil ang boyfriend ko ay may kasamang ibang date.
At ang mas masakit ay umuwi akong hindi ko man lang siya nakausap.
Inaasahan kong susundan niya ako at pipigilan upang kausapin ako ngunit hindi iyon ang nangyari.
Hinayaan niya lang akong umalis ng walang sinasabi at kahit konting paliwanag.
Pagdating ko sa bahay ay nagtataka akong tiningnan ni Nanay Milva dahil masyadong maaga ang aking uwi.
Bagsak ang aking mga balikat at medyo namamaga na rin ang aking mga mata sa kakaiyak.
"Dawn, okay ka lang?" Tumango ako kay Nanay Milva bilang tugon at nagpaalam na sa kaniya na aakyat na ako ng kwarto.
Nang marating ko ang kwarto ay sinarado ko kaagad ang pinto.
Tumakbo ako patungo sa kama at pabagsak na dumapa kasabay nang pagtulo ng aking mga luha.
Umiyak ako nang umiyak ngunit labis ang pagpipigil na huwag makagawa ng anomang ingay.
Ayaw kong may makarinig sa aking umiiyak at ayaw ko ring tanungin nila ako kung ano ang dahilan?
Sobrang sakit at labis na pighati ang aking nararamdaman ngayon.
Dahil sa kaniyang ginawa ay hindi ko na alam kung paano ngumiti.
Hindi ko maipaliwang ang kirot na pinadama niya sa akin at ang tangi kong nararamdaman ngayon ay ang labis na inis sa aking sarili.
Pakiramdam ko ay nasira lahat ang mga pangarap namin sa isa't isa.
Sa isang iglap lang ay nawasak na ang lahat ng mga pangako niya sa akin.
Mahigpit kong kinuyom ang aking mga kamay habang mahigpit ang hawak ko sa puting sapin ng aking kama. At doon binuhos ang lahat ng galit ko kay Petrus.
"Dawn, gising ka pa?" malakas na tanong ni Nanay Milva mula sa labas at hindi tumitigil sa pagkatok ng pinto.
Hindi ako kumibo para isipin nilang nakatulog na ako.
Ayaw kong harapin si Nanay dahil sigurado akong nagtataka siya kung bakit namamaga ang mga mata ko?
"Pasensiya na Petrus mukhang tulog na si Dawn. Bukas mo na lang siya kausapin."
Rinig kong sabi ni Nanay Milva sa labas ng kwarto.
"Nay, pwede ko bang tingnan siya sa loob? Pangako po wala akong masamang gagawin."
"Nako, namang bata ka wala akong iniisip na ganiyan. Isa pa ay may tiwala naman ako sa iyo. Oo, siya sige at kukunin ko muna ang duplicate key."
Nang marinig ko ang paggalaw ng door knob ay tumalukbong ako ng kumot.
Pinapakiramdaman ko lang ang ingay sa sahig sanhi nang ginawang pag-apak ni Petrus.
Narinig ko ring nagpaalam si Nanay Milva na bababa na muna siya.
"Pwede bang mag-usap muna tayo?" malungkot nitong sabi. Halata sa kaniyang boses na may pangamba ito.
"Magpapaliwanag ako pero please mag-usap muna tayo," pangungulit niyang sabi kahit hindi ako kumikibo.
Naramdaman kung tumaob ang gilid ng aking kama dahil sa ginawa niyang pag-upo.
Ngunit hindi pa rin ako nagpatinag dahil desidido na ako sa aking pasya na huwag muna siyang kausapin.
Ngunit laking gulat ko na lang nang bigla niyang tinanggal ang kumot sa aking katawan at nakitang namumugto ang aking mga mata.
"Umiiyak ka ba?" nag-aalala niyang tanong. Pero hindi ako sumqgot sa kaniya. "Wala lang naman 'yon, Dawn," natataranta niyang paliwanag sa akin.
Tinalikuran ko siya at hindi pa rin siya kinikibo.
Ilang beses niya akong kinumbinsi at nilalambing ngunit ayaw ko ng magpadala sa kaniya.
Pagkatapos ng lahat ng aking nakita ay pinili kong 'wag na siyang paniwalaan pa.
Niyakap niya ako mula sa aking likod at pinagpantay ang aming mga mukha.
Pinatong niya ang kaniyang mukha sa aking balikat at paminsan-minsan niya iyong dinadampian ng magaang halik.
"Pwede ba, Petrus 'wag mo na akong ipasok sa bulsa mo dahil hindi ako isang tanga. Malinaw na malinaw sa akin ang lahat. Pinili mo siya kaysa sa akin kaya sige hahayaan kita pero sana naman hayaan mo rin ako kung ano ang pasya ko," galit kong sabi at napupuno na ako sa inis sa kaniya.
"Hindi mo naiintindihan, Dawn. May dahilan ako kung bakit ko ito nagawa? Please, Dawn pakinggan mo muna ako," pagmamakaawa niya sa akin..
Ang kaniyang boses at nakakaawa nga itong pakinggan pero ayaw ko na siyang pagbigyan pa.
Masyado na siyang maraming ginawang bagay para kay Salme at hindi niya iniisip na nasasaktan ako.
"Abot langit ang panghihinayang ko sa 'yo, Petrus. Pinahiya mo lang ako roon sa party. Alam mong kilala na ako ng mga taong 'yon tapos magdadala ka na lang ibang babae na hindi mo naman girlfriend." Umiyak ako at sinumbatan siya.
"Dawn, let me explain," natataranta niyang sabi dahil hindi ko na siya kaya pang pakinggan.
"I've seen everything and you don't have to explain," pagmamatigas kong saad sa kaniya.
Para sa akin ay sapat na ang lahat ng mga nakita kong ebedinsiya.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil sa panghihinayang sa kaniya.
Napipiyok na rin ang aking boses sa tuwing nagsasalita ako.
Sinadya ko ring lakasan ang aking paghahagulhol at hindi na pinapansin kong may makarinig man na iba.
Tinulak ko siya nang niyakap niya ako nang mahigpit at kinuha ang cellphone ko.
Pinakita ko sa kaniya ang cellphone at pilit na pinapaintindi kong ano ang punto ko.
"Huwag mong sabihing napapraning lang ako dahil wala kang text na kahit na ano sa akin. Ito tingnan mo para makita mong hindi mo ako naalala kanina at ibang babae ang naisip mo. Baka nakakalimutan mong best friend ko si Ergie. Kahit na hindi mo ako imbitahan alam mong pupunta ako. At makikita kitang kasama mo ang ibang babae. Ano sa tingin mo ang reaksyon at nararamdaman ko, hindi ba ako magugulat? "sarkastiko kong tanong rito.
"I'm sorry," madamdamin niyang sagot at puno ito ng pagsisisi.
"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang mga nangyari ngayon? Makakalimutan ko ba ang sakit na ginawa mo dahil sa putang sorry na yan?" sigaw ko sa kaniya at nagsisimula na namang magmura.
"Pinuntahan niya ako sa bahay at nagpupumilit siya na siya ang maging date ko ngayon. Hindi na ako nakatanggi dahil masyado siyang mapilit.
"Kaya hinayaan mo ako roon na magmukhang tanga? Mas pinili mo siya kasya sa akin? Ngayon sumagot ka?" sigaw ko sa kaniya kahit hirap na hirap nangg ibigkas ang mga salita.
"Humiling siya sa akin at nangako akong hindi ko siya iiwan sa party," malungkot niyang sabi at nararamdamang kong tinatanggap niya ang kaniyang pagkakamali.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, sana hindi ka na lang pumunta rito. Kung gusto mo puntahan mo ang babae mo ngayon. Doon ka magpakulong sa mga bisig niya at baka mas makontento ka pa sa kaniya, mukha namang expert!" galit kong sabi at binagsak ang cellphone ko sa sahig.
"Dawn, sorry hindi na 'to mauulit, pangako hindi na talaga 'to mauulit."
Niyakap niya ako nang sobrang higpit at hindi man lang ako hinayaang makawala kahit pinaghahampas ko na siya.
Masyado siyang malakas at nanghihina na rin ako dahil sa kakaiyak.
Hanggang sa napaupo na lang ako sa aking kinatatayuan at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak.
Wala na akong pakialam kahit makita niya pa akong pangit ang aking itsura.
Naghalo-halu na rin ang aking mga luha at sipon pero hindi ko na iyon inisip.
Paulit-ulit niya akong hinahalikan sa noo at ulo at nagsusumamong pakinggan ko siya sa kaniyang paliwanag.
Ilang beses niya rin akong inaalo at ginawa ang lahat para mapatahan ako.
Pinaramdam niya sa akin ang kaniyang pagsisisi at nangakong hindi na niya iyon uulitin.
Inamin niya rin sa akin ang lahat ang kaniyang pagkakamali.
Bago siya umuwi sa kanila ay pinatulog niya muna ako nang mahimbing sa kaniyang mga balikat.
Kinabukasan ay nagising na lang akong mabigat ang pakiramdam.