Chapter 18

1385 Words
Magkayakap kaming natulog ngunit wala siyang kaalam-alam na nagpapanggap lang akong tulog. Kasi kahit ano'ng gawin ko para pang makatulog ay hindi ko talaga malunod ang sarili sa himbing. Kaya nagkunwari na lang ako para hindi siya mag-alala at pilit na pinipikit ang aking mga mata. Sino ba naman kasi ang makakatulog sa ganitong sitwasyon? Ilang saglit lang ay gumalaw ang kama kung saan siya nakapwesto. Naramdaman kong tumayo siya dahil sa pagtaob ng kutson at nagtungo sa banyo. Nanatili pa rin akong nakahiga at hinintay lang siyang lumabas. Ngunit ilang minuto na ay hindi pa rin ito niluwa ng pinto. Bababa na sana ako para puntahan siya nang biglang makarinig ako ingay mula sa banyo. Ang ingay ng tubig na nahuhulog galing sa shower. Nagtaka ako kung bakit naligo siya ng madaling araw? Pero hinayaan ko na lang siya hanggang sa nakalimutan ko na ang sariling nakatulog na pala ako nang mahimbing. Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Petrus. Sa tabi ng kama ko ay may iniwan siya sa mini table ko kung saan nakalagay ang mga personal kong gamit gaya ng aking cellphone. Nalungkot ako dahil umalis ito ng hindi nagpapaalam sa akin. Hindi man lang niya ako ginising. Nakatulala lang ako habang nasa kisame ang aking paningin. Medyo masakit rin ang ulo ko dahil sa puyat kaya hindi ako tumayo kaagad. Inabot ko ang cellphone ko at tiningnan kung meron ba itong mensahe. Napangiti ako nang makitang nag-message sa akin si Petrus at sinabing hindi na niya ako ginising dahil ang himbing daw ng aking tulog. At hindi rin nito kinalimutang ibanggit sa mensahe na nahihiya siya sakaling may makakakita sa amin sa bahay na magkatabi kaming natulog. Wala naman daw mawawala sa kaniya kung pagtsitsismesan siya dahil lalaki siya pero inaalala niya lang daw ay ako. Nilapag ko ang cellphone na hawak ko sa kama at nag-inat ng katawan. Napangiti rin ako dahil ang sweet niya kaya naging masigla na ulit ang umaga ko. Nang mabasa ko ang mensahe niya ay mabilis akong tumayo sa kama at dumiretso na sa banyo. Napangiti ako ulit ng maalala na amoy ko ngayon ang amoy niya. Parang ayaw ko na tuloy maligo dahil ayaw kong mawala ang bango niya sa katawan ko, pero kailangan. Matapos maligo ay nagbihis ako ng manipis at malambot na black short at isang sleeveless top na kulay puti. Kinuha ko rin ang hair drier upang patuyuin ang aking buhok. Wala naman kaming pasok kaya hindi oo kailangang magmadali. May marami akong oras para tingnan ang sarili ko sa salamin. Matapos ang lahat ng ginawa kong pagpapaganda sa aking mukha ay bumaba na ako patungo sa kusina para kumain. Medyo nakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Masaya kong binati ang bawat taong nasasalubong ko sa bahay. Lahat sila ay magalang at pinupuri ko qng lahat ng aking nakikita. Kaya natawa ang isa sa mga kasambahay nang mapansin ko ang mga bulaklak na nakalagay sa flower vase. "Wow, ang ganda naman!" Kumunot ang noo niya. "Dawn, ano ba ang nakain mo? Ngayon lang kita narinig na pinuri mo ang mga bulaklak dito sa bahay. Mas maganda pa nga 'yung arrangement at kulay ng mga bulaklak noong una bago ko iyan pinalitan," natatawang saad ni Ate Carol. Nginitian ko lang ang tinugon niya at dumiretso na sa dining table. "Oh, Dawn kumain ka na at niluto ko ulit ang paborito mong beefsteak na may ampalaya. Magpakasawa ka habang hindi pa bumabalik ang Daddy at Mommy mo." Tumango ako at kumuha ng konting kanin at naglagay ng maraming ulam. Niyaya ko na rin ang iba para kumain na kami nang sabay-sabay ngunit sabi nila ay kanina pa silang tapos. Hindi na nila ako ginising dahil alam nilang puyat ako. Kaya kumain na ako ng mag-isa. Naparami ang kain ko ng agahan kaya naglakad-lakad muna ako sa harden para kahit papaano ay matunawan. Para kahit papaano ay matunawan naman ako sa mga nakain ko. When I felt so bored I decided to go to Ergie's house. She said that her parents were going to have a party to celebrate his big brother's team victory. Ergie also told me that all of his brother's teammates would be attending especially Petrus because he is the team captain. Nang makarating ako sa mansyon ng kaibigan ko ay wala pang masyadong tao sa loob. Konti lang ang nandoon at nabibilang lang ang mga tao sa aking daliri. Sinalubong ako ni Ergie at dumiretso na kami sa harden kung saan ay nasa harap lang ito ng kanilang malaking bahay. Nakaayos na ang lahat dahil kumuha si Tita ng pili at magaling na mga tauhan. Mayroon akong nakitang katamtamang laki ng stage sa harapan at may maraming ilaw na nagpaikot-ikot sa paligid. May kulay pula, blue at yellow at maraming standing table na binalutan ng puting kulay na soft mesh at blue na ribbon na kakulay ng basketball uniform nila. Alam din ng mga magulang nila na ang kapatid ni Ergie ang susunod na magiging team captain. Kaya excited ang mga ito. Nang mapansin kong malungkot ang kaibigan ko ay kinausap ko siya. Nag-usap kami at sinabing malungkot siya dahil hindi raw makakapunta ang kaniyang boyfriend dahil nahihiya ito. Halos wala na silang oras sa isa't isa dahil busy rin ang binata. "Ergie, okay ka lang?" Tumango siya sa akin at siya naman ang nagtanong sa akin. "Alam ba ni Petrus na nandito ka?" Umiling ako. "Hindi dahil hindi niya naman ako inimbitahan," malungkot kong sagot pero sigurado akong abala lang ito kaya nakalimutan niya akong sabihan. "Huh? Bakit? Lahat ng may girlfriend ay kasama sa party na 'to," nagtatakang tanong ni Ergie sa amin. "Baka tinext niya ako at hindi ko lang nabasa," pagdadahilan ko sa kaibigan. Kinalkal ko ang dalang purse ko ngunit hindi ko makita ang cellphone ko. Huli na ng mapagtanto ko na hindi ko pala dala ang cellphone ko dahil naiwan ko ito sa kwarto. "My gosh, hindi ko pala dala," nakasimangot kong sabi saka bumuntong hininga. "Okay lang magkikita rin naman kami rito," patuloy kong wika. Isa-isa nang nagdatingan ang mga bisita kasama ang mga girlfriend nila. Natanaw ko rin si Julle na papalapit sa akin at wala itong kasamang date. Napakagwapo niyang tingnan sa kaniyang suot na three piece suit at para nga itong nag-mature tingnan. Ngumiti ako sa kaniya at mas lalong nagliwanag ang kaniyang itsura nang makita niya ako. Nilapitan ko siya at binati ng magandang gabi. "Congratulations pala," masaya kong sabi. "Thank you." Hindi ko rin nakalimutang magpasalamat sa kaniya dahil sa nangyari kagabi. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. He save my life. Humingi rin ako ng paumanhin dahil sa inasta ni Petrus. Nang maapakan ko ang laylayan ng aking damit ay inayos ko muna upang makapaglakad nang maayos. At habang inaayos ko ang sarili kong damit ay hindi ko namalayang dumating na pala si Petrus. Hindi rin ako sinabihan ni Ergie dahil 'yon pala ay kasama niya ang babaeng kinaiinisan at pinagseselosan ko. Mula sa 'di kalayuang parte ng harden ay pinag-aralan kong mabuti ang mga kilos nila. Ang sakit sa pakiramdam na sa tuwing tinitigan ko silang dalawa ay parang sila pa ang magkasintahan. Parang may iba sa kanilana hindi ko maipaliwanag pero nararamdaman kong hindi lang sila basta magkaibigan. Tinapik ako sa balikat ni Ergie kaya napatigil ako sa aking pagdududa. Malungkot ko itong tiningnan saka ako nagtanong. "Sa tingin mo, magkaibigan lang ba sila?" seryoso kong tanong at pinilit na maging pormal ang aking boses sa harap ng kaibigan. Tinitigan niya lang ako at wala man lang akong nakuhang sagot sa kaibigan. Habang ako ay iba na ang nararamdaman ngayon sa loob ko. Dahil pakiramdam ko ay nagmumukha lang akong tanga. "Ang totoo ay parang gusto kong umiyak ngayon. Alam naman ni Petrus na darating ako pero bakit nagdala siya ng ibang escort sa party?" malungkot kong tanong sa kaibigan. Halos hindi ko na makita ang buo nitong mukha dahil natatabunan ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Maliban na lang kung hindi niya talaga ako tenext," dagdag kong sabi. "Kumalma ka, Dawn malay mo sinundo siya ng malandi na 'yan kaya sila nagkasabay rito?" pagpapakalma ni Ergie sa akin. "Sana nga!" mahina kong ani at ayaw ng palakihin pa ang usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD