Chapter 14

1671 Words
"Salme, lasing ka na." Pigil ni Petrus sa kamay ni Salme nang akma na naman itong tumungga ng alak. "Tama na 'yan," saway niya ulit dito at base sa reaksyon niya ay napansin ko ang labis na pag-aalala niya sa dalaga. Parang ang awkward sa pakiramdam na makita ko silang gano'n ang sitwasyon. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa selos. Parang sila pa ang magsyota ngayon at ako lang ang sampid. Halos hindi na nga ako malingon ni Petrus dahil sa kay Salme. Pakiramdam ko tuloy ay nagmumukha lang akong tanga dahil alam naman nilang nandito lang ako sa paligid pero wala silang pakialam sa nararamdaman ko. Hinila siya ni Petrus. "Halika na ihahatid na kita sa inyo. Masyado ka ng lasing kaya tama na 'yan!" Malakas na sabi ni Petrus habang nakikipag-agawan sa basong hawak ni Salme. "Tama na sabi 'yan," ulit nitong wika at matigas na rin ang kaniyang boses dahil tila walang pakialam sa kaniya si Salme. Hindi ito nakikinig at para na itong bata. Hindi naman bagay sa kaniya. Kahit naa ilang beses na niya itong pinigilan simula pa kanina ay hindi ito nakikinig at ayaw talagang magpaawat. "Hayaan mo siya, Petrus!" nakasimangot kong ani pero tiningnan lang ako ni Petrus. "Gusto ko pang uminom, please hayaan mo na lang ako kahit ngayon lang Petrus, maawa ka naman sa 'kin," naiiyak nitong sabi. Lasing na lasing na ito at ang boses nito ay hindi na masyadong maintindihan. Nakakaawa man itong tingnan pero pumapangibabaw pa rin sa akin ang inis dahil kanina pa ito hindi nakikinig. Kaya walang ibang inatupag si Petrus kundi ang bantayan siya. Halos hindi na nga ako nito magawang balingan nang isang sulyap dahil masyado na siyang naging papansin. Totoong pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata ni Petrus. Ang mga kaibigan niyang kapwa player ay parang naiilang na rin sa sitwasyon at paminsan-minsang sumusulyap sa akin. At sa pagkakataong ito hindi ko alam kung ngingiti ba ako o sisimangot. Tiningnan ako ni Petrus at nakita ko siyang bumuntong hininga. Maingay man ang tugtog sa paligid pero narinig ko ang malalim niyang hininga at napansin ko ang paggalaw ng kaniyang mga balikat. Tinitigan niyang mabuti si Salme na natutulog sa mesa na nakalapat ang noo nito sa mesa. Sa kakaiyak nito ay nakatulog na rin siya sa wakas. Ilang saglit lang ay nilapitan ako ni Petrus at saka nagpaalam na ihahatid si Salme sa bahay nila. Hindi kaagad ako nakapag-react sa aking narinig. Parang kulog ang kaniyang boses sa aking pandinig. "Dawn, okay lang bang ihatid ko muna si Salme?" nag-aalala niyang tanong sa akin pero hindi ako sigurado kung sa akin ba siya nag-aalala o sa kaibigan niya. Tiningnan ko ang mga kaibigan niya at maging ang mga nobya ng mga ito. Gusto kong tumanggi pero nahihiya ako. Baka isipin nilang masyado akong makasarili dahil nakikita ko naman ang sitwasyon. "Iiwan mo ako rito?" hindi ko na napigilan na tanungin si Petrus. Siya ang aking nobyo pero parang sa gabing ito ay hindi ko maramdaman. Pakiramdam ko ay kaya akong ipagpalit ni Petrus kay Salme. "Babalikan kita, pangako," madamdamin niyang saad. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Pero—," magrereklamo pa sana ako sa kaniya pero pinutol na niya ang sasabihin ko. "Hindi ko siya pwedeng hayaang umuwing mag-isa. Promise babalik din ako kaagad. Hintayin mo ako rito," pinal niyang sabi. Bago niya ako tinalikuran at iniwan sa table namin ay niyakap niya akong muli. Sa tingin ko ay nakokonsinsiya sa akin at parang gusto kong umiyak. Napansin ko rin na naguguluhan siya pero mas pinili niyang unahin si Salme dahil lasing na lasing na ito. Para akong binuhusan ng malamig tubig nang makitang binuhat niya si Salme na parang baagong kasal. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko lalo pa at nasa akin ang tingin nilang lahat ng mga kaibigan niya. Hilaw akong ngumiti at nagkunwaring ayos lang. Kahit na ang totoo ay para na akong maiiyak at gusto ko nang tumakbo sa tinatayuan ko. Mabuti na lang at medyo madilim ang ilaw kaya hindi nila nakikita ang naiiyak kong mga mata. Habang hinihintay ko si Petrus ay isa-isa ring nagpapaalam ang mga kasamahan namin. Hanggang ang lahat ay tuluyan na ngang umuwi at tanging si Julle na lang ang natira na kasama ko. Ilang beses na niya akong niyayang umuwi pero tumanggi ako. Nangako si Petrus na babalikan niya ako at dala-dala niya rin ang kotse ko. Kaya alam ni Petrus na wala akong masasakyan kaya naniniwala ako nababalik siya. Alam niya rin na medyo revealing ang outfit ko kaya hindi niya ako hahayaang mag-commute. At tiyak rin akong magagalit siya kapag nalaman niyang nagpahatid ako kay Julle. "Dawn, gabi na masyado, baka na traffic 'yon at isa pa malayo pa mula rito ang bahay ni Salme," puno ang pag-aalala sa boses ni Julle. Kanina niya pa ako niyayang umuwi pero ilang beses ko na rin siyang tinanggihan. "Okay lang, Julle baka malapit na' yon. Pwede ka ng maunang umuwi. Baka parating na rin 'yon sigurado ako," nakangiti kong tugon ngunit kabaliktaran sa tunay kong nararamdaman. Umiling siya. "Sasamahan kita, kung gusto mo sa labas na natin siya hintayin. Paubos na rin kasi ang mga tao," sinsero nitong sabi at desidido na siyang hindi ako iiwan. "Mabuti pa nga." He stood up first, before me. Gusto kong ngumiti ng pilit kahit ang lungkot ng pakiramdam ko. Masaya ako dahil sinamahan ako ni Julle kahit alam niyang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Maswerte siguro ang magiging girlfriend niya dahil ang bait nito. Sabay kaming lumabas sa Horizontal Bar at hinintay si Petrus sa gilid ng entrance. Mabuti na lang talaga dahil ayaw akong iniwanan ni Julle hangga't wala pa si Petrus. Niyaya niya akong doon na umupo sa loob ng kotse niya pero hindi ako pumayag. Ayaw kong dumating si Petrus at makita niyang magkasama kami ni Julle sa loob ng kotse nito. Baka kasi mag-isip pa siya ng masama sa amin. At dahil sa tagal naming nakatayo ay naramdaman kong naiihi ako. Nagpaalam akong papasok muna ako sa loob para magbanyo. Gusto niya sanang sumama pero nagpumilit akong huwag na. Natatakot akong baka mag-iwas ang landas namin si Petrus. At bago niya pa ako kulitin ulit ay umalis na ako at tinalikuran na siya kaagad. Nang makalabas ako sa bar ay wala si Julle sa kinatatayuan namin kanina. Lumapit pa rin ako roon dahil nakita kong naka-park pa ang kotse niya. Nilingon ko ang paligid ngunit hindi ko makita si Julle. "Nasaan na kaya 'yon?" nagtataka kong anas kaya tinungo ko ang kotse niya dahil nagbabasakali akong natulog ito sa kotse. Ngunit hindi pa man ako nakalapit ay bigla akong hinarangan ng lalaking lasing. Nang titigan ko ang itsura ng lalaki ay kasing edad lang din namin ni Julle. Lasing na ito at nagpagiwang-giwang na ito sa paglalakad patungo sa akin. Umatras ako sa takot dahil napapansin kong iba ang kaniyang mga titig sa akin. Para itong gumagamit ng ipinagbabawal na droga o 'di kaya ay baliw lang talaga ito at napagkakamalam ko lang na addict. Unang tingin ko pa lang rito ay talagang nakakatakot na, nagmumukha itong baliw dahil sa sobrang kalasingan. Ngunit bago pa man ako makalayo ay nahawakan na niya ang braso ko. "Let me go!" Malakas kong sigaw at nagsimula ng matakot. Nagpupumiglas ako at sumigaw para bitawan niya ako ngunit walang pakialam ang lasing na ito at mas lalo pang hinigpitan ang hawak niya sa aking braso. Naramdaman ko rin ang pagtaob ng kaniyang mga kuko sa aking balat na alam kong may maiiwan itong konting galos. "Pare, girlfriend ko 'yan. May problema ba?" matigas na wika ni Julle sa binata. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa pagsulpot niya. Dahil kung hindi ay baka ano na ang gawin sa akin ng lalaking 'to. Lumapit sa aking tabi si Julle at pinulupot ang kanyang kamay sa aking bewang. Mabilis na bumitaw ang lalaki sa akin at tumalikod ng walang paalam. Lasing man ito ay napapansin kong kinabahan ito kay Julle. Nang tingnan ko ang mukha ni Julle ay umigting ang mga panga nito at ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom. Parang handa itong pumatay ng tao ano mang oras. Napabuntong hininga ako dahil konti na lang talaga ay mahahatak na ako ng lalaking 'yon sa kung saan niya gusto. "Thank you for saving me," sinsero kong ani at niyakap siya nang mahigpit. Ang kaninang mga luha at tuluyan ko na ngang binitawan. "Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin at sinuri ang katawan ko kung maayroon ba akong galos. Tinanguan ko siya bago nagsalita pero hindi ko na napigilan ang mapahagolhol sa iyak. "Saan ka ba nagpupunta?" umiiyak kong tanong na parang bata na iniwan ng ina. Parang lalabas na ang puso ko dahil sa takot kanina. Sa pagkakataon ding ito ay hindi na ako nakaramdam ng hiya sa kaniya. Hinampas ko rin nang mahina ang dibdib niya dahil sa inis. "Sorry, may tinawagan lang ako at naghahanap ako ng malakas na signal," paliwanag niya habang patuloy ako sa pag-iyak sa balikat niya. "Tahan na," dagdag nitong sabi at pati ito ay natataranta na rin dahil sa inasta ko. Humigpit lalo ang yakap ko. "Salamat dumating ka, kung hindi ka dumating baka na paano na ako rito," patuloy kong sabi at hindi pa rin matigil sa pag-iyak. "Mabuti pa ihatid na kita," pinal nitong sabi. Siya ang unang pumutol sa yakap at hinubad ang kanyang jacket. Pinatong niya sa likod ko nang mapansin niyang giniginaw na ako. Hindi katulad kanina sa loob ay mainit ang buong lugar. Ngayong nandito kami sa labas ay malamig na ang simoy ng hangin. Ang mga puno na sinadyang ilinya sa paligid ay sumasayaw na rin ang mga sanga dahil sa malakas na hangi. At ang mga dahon rin ay unti-unti ng nalalagas. Kaya hindi na ako kumontra pa sa naging desisyon niya. Puno siya ng pag-aalala nang hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at giniya patungo sa kotse niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD