Nakababa na ako sa hagdan at ayos na ayos na rin ang aking itsura.
Para na akong modelo sa aking porma. Kaya lang ay hindi ako biniyayaan ng height.
Nang makita ako ng mga kasambahay ay pinuri nila ako nang husto.
Manghang-mangha sila sa aking itsura walang halos masabi.
Twenty minutes ko nang hinihintay si Petrus ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Hindi ko rin siya tinawagan dahil baka isipin niyang atat na atat na akong makita siya kahit iyon naman ang totoo.
Ang speaking of the angel, nang muntik na akong maubusan ng pasensiya para hintayin siya.
Kaagad naman itong dumating sa bahay namin.
Pinagbuksan ng kasambahay si Petrus ng pintoan at hinayaan nila itong lumapit sa akin.
Kilala na siya ng lahat sa bahay kaya labas- pasok na siya sa loob kung kailan niya gusto.
"Ano 'yang suot mo?" kunot noo niya akong tanong sa akin.
Base sa itsura niya ay alam kong hindi niya nagustuhan ang suot ko.
Humalik ako sa pisngi niya at saka siya tinugon.
"Maganda naman, ha!" Tiningnan ko ang aking sarili bago nagpatuloy sa aking sasabihin. "Pinuri nga ako nila ate kanina," ani ko rito sabay ikot para ipakita sa kaniya ang kabuohan ko.
"Wala ka na bang ibang damit na mas sexy pa r'yan?" he said sarcastically.
"Bakit hindi ba sa akin bagay?" malungkot kong tanong.
Akala ko pa naman ay magugustuhan niya ang suot ko pero hindi pala.
Medyo nasaktan ako sa inasta niya dahil pakiramdam ko wala lang sa kaniya ang ginawa kong paghahanda.
Kaya sumimangot na lang ako sa harap niya dahil sa pagkadismaya.
"Okay," pinal kong sabi.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hinawakan sa aking kamay.
Tinitigan niya ako sa aking mukha at humihingi ito ng paumanhin sa akin gamit ang kaniyang mga titig.
"Lahat naman bagay sa iyo. Kahit magsuot ka ng basahan ay bagay pa rin iyon sa 'yo. Pero ayaw ko lang na mabastos ka ro'n. Magpalit ka muna dahil alam mo namang Bar ang pupuntahan natin 'di ba?" Tumango ako sa paliwanag niya sa akin.
Matagal bago ako gumalaw sa aking tinatayuan at napansin niyang nakasimangot ako.
Hinila niya ang kamay ko papalapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit.
Naramdaman niyang nasaktan ako sa sinabi niya kahit pa sabihing umiiwas lang siya sa pwedeng mangyaring gulo.
"Sige, ngayon lang 'to, pero sa huwag kang lalayo sa akin," suko niyang ani.
Kaya napangiti ako sa tuwa at gumanti nang yakap sa kaniya.
"Yes, boss," masaya kong sagot sabay saludo sa kaniya.
Napangiti na lang ito sa aking ginawa at bago pa kami nagtungo sa kotse ko ay hinalikan niya muna ako sa ulo.
Magkahawak kaming lumabas ng bahay at tinungo ang parking space ng kotse.
Binigay ko rin kaagad sa kaniya ang susi dahil sinabihan ko siyang iyon na lang ang sasakyan namin.
Ayaw kong mag-commute na naman kami na ganito ang itsura ko.
Para tuloy akong na-trauma dahil sa nangyari noong nag-commute lang kami ng jeep.
"Petrus, bagay sa 'yo," tukoy sa suot niyang damit.
Black pants na mayroong brand at jacket ng mga varsity players.
Napag-usapan nila na silang lahat ay magsusuot ng uniform sa basketball kahit iyong jacket lang.
At syempre pinaresan niya rin ito ng mga matitibay at magaganda niyang sapatos.
Si Petrus ay masipag sa trabaho kung hindi lang siya graduating student ay hindi ito hihinto sa part-time job niya.
Ang pera ring kinikita niya ay hindi rin pinapakialaman ng Mama niya dahil may trabaho naman ito.
Hindi sila mayaman ngunit hindi rin sila mahirap.
Swerte nga sila kay Petrus dahil marunong itong magtipid at madiskarte sa buhay.
Lagi nga siyang pinagmamalaki ng kaniyang ina sa tuwing dumadalaw ako sa kanila.
At sa tuwing nauubusan ng budget ang Mama niya ay si Petrus ang sumasalo sa mga gastusin nila sa bahay.
Gusto mang bayaran ni Tita dahil nahihiya ito sa anak lalo na at alam niyang may girlfriend na ito.
Ngunit palaging tumatanggi si Petrus kahit pa nagpupumilit ang Mama niya para may pang date kami.
Nasa bukana pa lang kami ng Horizontal Bar ay sumalubong na kaagad sa ilong ko ang iba't ibang klase ng amoy.
May amoy ng alak, sigarilyo at naghalu-halong pabango.
At ang tindi nang ingay ng paligid na nakakabingi.
Kahit minsan ay hindi ko pa nasubukang pumasok sa ganitong klaseng lugar.
Kung hindi lang ako niyaya ni Petrus siguro ay hindi ako makakapunta sa lugar na 'to.
Sa tuwing may mga pangyayari sa buhay naming magbabarkada ay dinidiwang lang namin sa aming kaniya-kaniyang mga bahay.
Nahihilo na rin ako sa iba't ibang kulay ng ilaw na umiikot sa paligid.
Hindi pa nga ako nakakainom ay nasusuka na ako dahil doon.
Magkahawak kamay kaming pumasok ni Petrus sa loob at talagang hinigpitan niya para hindi ako mabitawan.
Na pagkakaalam ko na hindi na first time ni Petrus sa mismong bar.
Ito pala talaga ang tambayan nila noon pa sa tuwing may sine-celebrate sila.
Kaya hindi na ito nahirapan pang hanapin ang mga kasama niya dahil doon pa rin sila sa paborito nilang pwesto.
Isa rin sa ka-team mates niya ang anak ng may-ari ng mismong bar.
"Petrus!" Tawag ng mga kasamahan nila sa amin nang makita kami.
Tinaas lang ni Petrus ang kanang kamay at gano'n din ang ginawa ko.
Ngunit laking gulat ko nang makita kong nandito rin pala si Salme.
Sa pagkakaalam ko ay girlfriend lang ng mga team players ang imbitado ngayon.
And as far as I know, I remember when their circle of friends said to me that she didn’t have a boyfriend in the team.
I also found out, that it's been a long time since she liked Petrus, but my boyfriend didn’t court her.
Biglang sumakit ang ulo ko dahil ako itong girlfriend at ano pa ang dahilan niya para sumabay?
Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko ngayon.
At inaamin ko sa aking sarili na natatakot akong ma-realize ni Petrus na may gusto na siya kay Salme lalo na dahil matalino ito na kagaya niya.
May panlaban rin ito sa ganda at higit sa lahat ay mas matangkad ito sa akin.
At inaamin ko ring height is my biggest insecurities.
Pinaupo kami ng mga kasama niya at sinabihang hindi pa nakarating ang iba.
"Finally, dumating rin ang palaging late," kantiyaw ng isa sa mga kaibigan niya. "Captain, kapag practice galit ka kapag may nahuhuli kami. Pero kapag may celebrations ikaw ang huling dumarating. Mabuti na lang talaga may love life na," tumatawa nitong turan at maging ang iba nilang kasamahan ay nakisabay na rin maliban kay Salme.
Nang magsimula na silang uminom ang mga boys ay ganoon rin ang ginawa naming mga girls.
Dahil sa dami namin ngayon ay hindi kami nagkasya sa isang table lang.
Kaya kumuha kami ng isa pa, katabi lang din ng table nila.
Lahat kami ay may boyfriend doon, maliban na lang kay Salme.
Kilala na rin siya ng mga girls dahil palagi raw itong kasama sa lahat ng selebrasyon.
Nabangit din nila sa akin na ito ang palaging naghahatid kay Petrus kapag masyado na itong maraming naiinom.
Nakaramdam ako ng inggit, selos at lahat ng klaseng masamang pakiramdam, dahil sa narinig ko.
Ang lahat ng mga sinabi nila ay mas lalong nagpapalala sa aking insecurities.
Mabuti pa si Petrus at Salme ang close nila sa isa't isa. Parang alam na talaga nila ang mga ugali nila.
Ang sakit lang pakinggan na mas kilala niya pa si Petrus kaysa sa akin.
At higit na ikinaiinis ko ngayon ay kanina pa kami sa kabilang table pero hindi pa rin umaalis si Salme sa harap ni Petrus.
Napagkasunduan kasi naming lahat na nasa kabilang table ay lahat ng mga babae.
Nagrereklamo na kasi ang ibang mga boys dahil wala raw silang mga partners.
Pero ito namang si Salme ay parang walang pakiramdam.
Kung sabagay ako nga na girlfriend ni Petrus ay hindi man lang nirespito ang karapatan ko.
"Pwede ba akong magtanong sa 'yo?" nahihiya kong tanong kay Carla.
At bago ako nagpatuloy ay hinintay ko muna ang kaniyang kompirmasyon.
Siya rin ang naisip kong tanungin dahil siya lang ang pinakamalapit sa aking upuan at siya rin ang isa sa pinaka-friendly sa lahat.
"Oo naman, basta huwag lang tungkol sa Math," nagbibiro niyang sagot, kaya umiling ako at tumawa.
Tumulak muna ako ng isang shot sa aking lalamunan bago ako nagsimulang magtanong.
"Baki hindi pumunta si Salme rito?" nagtataka kong tanong.
"Gan'yan talaga 'yan, hayaan mo na as long as hindi siya nakikipag-flirt sa mga boyfriend natin," nakangiti niyang sagot.
"Hindi ba?!" mahina kong anas na tanging ako lang ang nakakarinig.
Sagot niya pa lang ay alam ko ng sanay na ito sa babae.
Kaya wala na akong magawa kundi ang tumango na lang.
Nagkwentuhan lang kaming lahat sa VIP room at nagpatuloy lang sa pag-inom.
Wala pang kahit ni isa sa amin ang naglakas loob na pumunta sa gitna ng dance floor.
Habang nagkukwentuhan kami ng mga bago kong kaibigan. Palihim kong sinusulyapan si Petrus.
Nakaramdam ako ng inggit dahil ang lapit lang nila ni Salme.
Para bang walang mga delikadesa ang mga ito kahit nandito lang naman ako sa paligid. Humihinga pa!
At dahil ayaw ko nang gulo, pinalampas ko na lang ang ginagawang paghawak ni Salme sa kamay ng boyfriend ko.
"May problema ba si Salme?" mausisang tanong at tiningnan kaming ni lahat ni Carylle ngunit kibit balikat lang ang tangi naming tugon.
"Ewan."
"Ganito kasi iyan, guys! Ngayon ko lang kasi nakitang naglasing 'yan. Kung sa bagay hindi na niya kailangang ihatid si Petrus kasi nandiyan ka naman," patuloy nitong wika at hindi ko alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin.
Para bang wala itong kaalam-alam na may gusto si Salme sa boyfriend ko.