Chapter 12

1242 Words
Nang makarating kami kung saan ang grupo niya ay tinitigan ko siya ng mabuti. Ngayon ko lang ito nakitang nagalit ng husto at napakaseryoso ang kaniyang mukha. Para bang napakalalim ng kaniyang iniisip. "Petrus, bakit mo ginawa 'yon?" nag-alala kong tanong sa kanya at may halo ring pagtataka. Kinuha ko ang face towel niya at binigay sa kaniya. Inabot niya naman ito sa akin at mabilis na pinahid ang mga pawis niya sa mukha. Kahit anong isipin ko ay wala akong makitang dahilan para makipag-away na lang siya ng gano'n-gano'n na lang. Alam kong mainitin ang ulo niya, masungit at suplado pero hindi ko pa siya nakitang nakipag-away kahit kailan. Hindi niya rin ugaling makipagbasag ulo. Hindi ko rin lubos na inakala kung bakit siya bigla-bigla na lang naubusan ng pasensiya? Lahat naman ng mga kasama niya ay nakikita kong nag-aalala rin. Lumapit sila amin at tinapik ang balikat ni Petrus. Ngunit hindi tumugon sa kanila ang suplado kong nobyo. "Captain, okay ka lang?" Halos sabay-sabay na tanong ng mga kasama niya. Pabagsak siyang umupo sa upuan at kasama niya ako ngayon kung saan ako lang ang nag-iisang babae na hindi nabibilang sa mga player. Tumabi ako sa kaniya at inabutan siya ng tubig pero yumuko lang siya habang magkahiwalay ang mga binti niya. Ang kaniyang mga siko ay nakapatukod sa kaniyang mga hita. At ang mga kamay nito ay nakakuyom habang nakadampi sa kaniyang labi. Hindi rin nakatakas sa akin ang umiigting niyang panga dahil sa galit at inis na nararamdaman sa binatang si Trolem. Sa pagkakataong ito nararamdaman kong parang hindi magandang ideya na kausapin siya ngayon. Hahayaan ko na munang humupa ang galit niya. Kaya hindi na lang ako kumibo at balak na hintayin na lang itong lumamig ang kaniyang ulo. At saka na lang kulitin kapag nakapag-isip na ito ng tama. Naisip ko na kapag kukulitin ko siya at tatanungin ngayon din para alamin ang nangyari ay baka mas lalo lang siyang mainis. Ilang saglit ay napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang kanyang malalaking mga kamay. Wala akong ideya kung bakit at ano ang dahilan niya? Kung bakit siya biglang nagkakaganito? Nagpakawala lang siya ng matunog na hininga at ilang sandali pang ay pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili. Hinawakan ko siya sa balikat at inabot ang tuwalya sa kaniyang kamay ng hindi umiimik. Pinasok ko iyon sa kaniyang bag at kumuha pq ng extra towel. Malungkot siyang tumingin sa akin at hinawakan niya rin ako sa aking kamay. "I'm sorry," sinsero niyang sabi habang pisil niya ang palad ko. "Nasaktan ba kita?" nag-aalala niyang tanong at tinutukoy ang kamay kong hinigpitan niya nang hawak kanina. Nang tingnan ko siya sa kaniyang mga mata ay napuno ito ng pagsisisi. Ang nararamdaman niyang lungkot ay nagpapahirap din sa aking kalooban. Kaya ipinatong ko ang isa kong kamay sa kamay niyang nakahawak din sa kabila kong kamay at sinabihan siyang ayos lang ako. Pagkatapos ng laro ay kaniya-kaniya na kami nang uwian sa bahay. Sinundo ako ng driver namin at pinasabay ko na rin si Petrus para maidaan namin siya sa kanila. May usapan kami na magsi-celebrate sa Horizotal Bar kasama rin ang mga girlfriend ng mga barkada niya. Pagdating ko sa bahay ay nagpaalam agad ako kay Nanay Milva na aalis ako. Nagpadala rin ako ng menasahe sa mga magulang ko para magpaalam. Sinabihan ko rin sila na kasama ko si Petrus at gaya ng inaasahan ko ay wala ni isa sa kanila ang tumututol. Hinintay ko munang matapos sa pagluluto ni Nanay Milva para makakain na kaming lahat. Kasama namin sa hapagkainan ang lahat ng mga kasambahay at pati na rin ang driver. Masaya kaming kumakain at panay ang panunukso nila sa akin. Binibiro rin nila ako na dapat ay bigyan ko na ng anak ang mga magulang ko dahil matanda na sila pero syempre tinawanan ko lang sila. "Ate, darating naman ako sa panahong iyan pero sa ngayon po ay gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral," nakangiti kong sagot at patuloy na sumusubo ng pagkain. Dinama ko ang sinubo kong beef steak dahil nakuha nito ang gusto kong panlasa. Mahilig kasi ako sa pagkain na niluluto ng matagal para lumambot ang karne at may nilagay na maraming toyo. Gusto ko ang maaalat na pagkain kahit na ilang beses na akong napagsabihan dahil ayaw ni Daddy. Napangiti ako sa sarap nang tinikman. "Nay, ang sarap po," masaya kong binalingan si Nanay dahil sa niluto niyang paborito kong beefsteak at hinaluan niya iyon ng ampalaya. "Ngayon lang 'yan dahil wala ang Daddy mo," paalala niya sa akin. Kinuha rin ni Nanay ang pitcher sa mesa at pinagsalinan ako ng tubig sa baso. At ilang beses na pinapaalahanan na huwag akong lumayo kay Petrus. "Opo, Nay" sagot ko sa mga paalala niya. "Nanay Milva ako na po!" nakasimangot kong sabi dahil lagi niya na lang akong pinagsisilbihan kahit kaya ko na ang sarili ko. Umirap siya sa akin. "Bakit hindi na ba kita pwedeng alagan. Hindi dahil matanda ka na ay hindi na kita pwedeng asikasuhin. Kumain ka pa!" masungit nitong sabi sa akin. Kaya inubos ko lahat nang nilagay niya sa aking pinggan. "Manang, iba na kasi ang gusto niyang mag-alaga sa kaniya. Alam niyo na po may Petrus na 'yan," natatawang wika ni Carol at sinabayan naman nang tawa ng iba pa. "Oy! Tumigil na nga kayo riyan at kumain na lang. Huwag niyo nga 'tong kinukulit ang alaga ko," saway ni Nanay Milva sa mga kasama. Matapos kumain ay niyakap ko si Nanay Milva. Nagpaalam na rin akong aaykat na sa kwarto. Nagpahinga ako saglit at tiningnan ang cellphone ko kung meron ba itong mensahe. Nakita kong may isang text message na dumating. Kaya dali-dali ko iyong binuksan nang makita ko sa screen, na galing ito kay Petrus. Nakasulat roon na susunduin niya ako sa bahay. Matapos ang sandaling pahinga ay dumiretso na ako sa banyo. Napapangiti pa ako at excited nang hintayin si Petrus. Matapos ang thirty minutes na ligo ay dumiretso na ako sa loob ng closet. Naghanap ako ng damit na pwede kong isuot sa okasyon. Napili ko ang sleeveless na kulay black dress na umabot ang taas lagpas sa aking tuhod. Medyo revealing ang bandang dibdib kaya medyo nag-alangan ako. Sinukat ko ang damit sa harap ng malaking salamin nang biglang naisip ko si Petrus. Naisip kong baka hindi niya magustuhan ang suot ko. Habang naghihintay kay Petrus ay inayusan ko muna ang aking sarili. Kinuha ko ang aking make-up sa drawer at ang lahat ng mga kakailanganin. Lahat ng mga gamit na binili ni Mommy para sa mukha ko ay mga organic kaya kampanti akong gamitin. Naglagay ako ng primer, cream, concealer at kung ano-ano pang pwedeng ilagay sa aking mukha. Ginuhitan ko rin ang aking mga kilay at tinigilan lang ng makontento na sa gusto kong kilay goals. Hindi na rin ako naglagay ng contour sa mukha dahil natural ng maliit ang mukha ko. Pinili ko rin ang earth color na mga kulay para sa aking blush on at pati na rin sa aking eyeshadow. Pakiramdam ko kasi mas bagay sa akin ang mga gano'n kulay. Mas matured akong tingnan kompara sa kulay pink na blush on. Kahit kasi 20 years old na ako ay bata pa rin akong tingnan sa itsura ko. Tinali ko rin ang buhok ko sa likod at ang damit ay pinaresan ko rin ng stiletto. "Perfect!" mahina kong usal habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD