Petrus was staring at Trolem. His fist was also clenched and the veins in his hand were exposed due to the strong clenching.
Ngunit lakas loob ding sinalubong ni Trolem ang matutulis na tingin ni Petrus, parang wala rin itong kinakatakutan.
Kung nakakamatay lang siguro ang masamang tingin ay pareho na siguro silang nakahandusay ngayon sa sahig.
"Go, Petrus, laban lang!" Sigaw ko para maputol ang kakaibang titigan nila.
Nginitian ko siya at itinaas ang tarpaulin na hawak ko para palakasin ang loob niya.
Napangiti naman si Petrus nang mabasa ang pangalan ng team nila na nakalagay sa tarpaulin.
Abrupt lang ang malakas!!!
My Gavallo is the best.
Para akong timang dahil nangunguna ako sa pagkanta para gayahin ako ng mga kasama.
"Go-love-you. Go-love-you. Go, go, go."
Habang paulit-ulit naming kinakanta ng mga kaibigan ko ang kantang pinaghandaan namin.
Pinagsasagi si Petrus ng mga kaibigan niya sa balikat at ang iba naman ay pinagtutulak-tulakan siya.
Hindi sila tumigil at inani nito ang lahat ng panunukso ng mga kaibigan pero tinawanan lang silang lahat ni Petrus.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at binuksan ang buo niyang kamay.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa kan'yang bewang.
Hinawakan niya rin ako sa ulo at medyo ginulo pa ang buhok ko.
"Bagay sa'yo," nakangiti niyang ani habang tinutukoy ang suot kong jersey.
Ngumiti ako. "Thank you," malambing kong sabi. "Medyo maluwag lang pero carry ko naman," dagdag kong wika pero tinawanan niya lang ako.
Ang taas niya talaga at lalo na ngayon because I'm only wearing a flat shoes and I was only up to his shoulder height.
"Ang liit ko ngayon sa 'yo," sabi ko dahil hanggang balikat niya lang ako ngayon.
Tumawa naman siya lalo sa sinabi ko.
"Matagal ka ng maliit, ngayon mo pa nalaman?" natatawa niyang balik tanong sa akin.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinampas ko siya ng mahina sa balikat.
Tumawa siya lalo at niyakap akong muli.
"Mahilig naman ako sa maliit kaya okay lang," sinsero niyang sabi at hindi mawala ang ngiti niya sa kaniyang labi.
Namula ang mukha ko at kinilig dahil sa sinabi niya.
Bumalik na naman ang pakiramdam na para akong dinuduyan sa ulap.
Habang magkayakap kami ni Petrus naiilang ako sa mga matang nakatitig sa amin.
Nakita kong pinagmamasdan ako ni Julle at gano'n rin ang ginawa ni Trolem.
Nakikita ko sa kanilang mga mata ang inggit at selos.
Hindi rin lingid sa kaalaman ko na may pagtingin ang binatang si Julle sa akin ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi kami pwede.
Bago naging kami ni Petrus ay ilang beses na akong binubuyo ng mga kasama niya dahil inakala nilang hindi magiging kami ni Petrus.
Si Trolem naman ay hindi ko maintindihan.
Kanina pa kumukulo ang dugo ko sa kaniya.
At sa pagkakaalam ko ay ngayon ko lang siya nakilala pero kung umasta siya para ba'ng matagal na kaming nagkita.
Hindi ko nga alam kung ano ang trip lalaking iyon?
"Petrus halika na!" Malakas na tawag ni Banjo na isa rin sa kasamahan ni Petrus. "Mamaya niyo na 'yan ituloy kapag nanalo na tayo," patuloy nitong sabi na hinaluan ng pagbibiro.
Tumigil ako sa pagyakap at tiningnan niya ako na puno ng pagtataka ng kusa akong oumayo sa kaniya.
"Sige na pumunta ka na ro'n," sabi ko.
Then he smiled and kissed me on my forehead before he turned his back on me.
Pero ilang hakbang pa lang ay tinawag ko siya ulit.
"Petrus, laban lang! Manalo man o matalo I'm still proud of you," sabi ko sa kaniya at muling pinapaalala na okay lang kung ano man ang kahihinatnan ng laro.
Ngumiti siya ng malapad. "Ipapanalo ko 'to para sa'yo," kinindatan niya ako at tuluyan nang bumalik sa grupo niya.
Pinagpatuloy nila ang third game at sa pagkakataong ito ay ako ang mas labis na kinakabahan para sa kanila.
Naging maayos naman at maganda ang pinapakitang laro ni Petrus ngunit hindi ko maiwasang kabahan.
Alam kong importante ito sa kaniya dahil huling taon na niyang maging team captain.
Ang dalawang team ay kapwa nagpupursige dahil walang gustong magpatalo.
Pakiramdam ko ay parang may pumasok na tambol sa dibdib ko.
Hindi ko na halos maramdaman ang hangin sa paligid dahil naka-focus lang ako sa lakas ng pintig ng puso ko.
At ang pintig na iyon ay dahil lang sa sobrang kaba.
Nag-aagawan ng bola ang dalawang team at pantay na ulit ang kanilang mga score.
May ilang minuto lang sila at tumigil na rin kami sa pagsisigaw dahil kami yata ang aatakihin sa puso.
Habang tinitingnan ko sa malayo si Petrus napapansin kong nag-uusap ang dalawa.
Halatang naiinis siya sa bantay niya at napansin ko ring ginagalit siya nito nang husto.
Wala man sa kanilang dalawa ang bola ngunit ang sobrang higpit ng kanilang mga dipensa.
Hawak ng mga kalaban nila Petrus ang bola at may sampong segundo na lang silang natitirang oras.
Pantay ang kanilang mga score kaya halatang kabado ang lahat pati na rin ang mga manunuod.
When the little man shot the ball in the ring, I was so nervous.
As far as I notice this guy is small but agile, he is also good at shooting.
Mabuti na lang talaga dahil tumalon ang bola palabas ng ring kahit papasok na sana ito sa loob ng ring.
Pati tuloy kaming manunuod lang ay parang hindi na makahinga.
Naagaw ni Julle ang bola at mabilis na tinakbo habang dini-drible ito sa sahig.
Sa kanilang lahat si Julle ang pinakamabilis tumakbo.
At bago pa maubos ang oras ay hinagis niya ito sa ring at maswerteng nahulog sa tamang oras.
Malakas na sigawan ang ginawa namin at ang iba ring mga manunuod.
Labis na saya ang aking naramdaman dahil sa wakas ay hindi nasayang ang pinaghirapan ng aking kasintahan.
Ngunit lahat kami ay nawindang sa sumunod na mga nangyari.
Habang nagyayakapan kami ni Ergie ay may nangyayari na pa lang hindi kanais-nais.
Lahat kami ay hindi namalayan ang mga pangyayari.
Huli na nang makita naming bumagsak na si Trolem sa sahig.
Hindi ito nanlaban at sa halip ay ngumisi lang ito kay Petrus.
Dugoan ang gilid ng kaniyang bibig at pinahid niya ito gamit ang kaniyang hinlalaki.
Nang kwelyuhan siya ulit ni Petrus ay nagpaubaya lang ito.
Nang akmang susuntukin na naman niya ito ay sumigaw na ako.
Nagmamadali akong lumapit para pigilan siya.
"Petrus!" Pigil ko sa kanya.
Tumakbo ako sa gawi nila at hinawakan ko si Petrus sa braso.
Hinila ko siya papalayo kay Trolem pero nagmamatigas pa rin siya.
"Petrus, please," nagmamakaawa kong sabi.
Galit na tiningnan ni Petrus si Trolem at parang walang naririnig sa aking sinabi.
"Bakit Gavallo, natatakot ka ba?" nakangiti nitong tanong at wala akong kaalam-alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan? "Wala akong 'di ginusto na hindi ko nakukuha," patuloy nitong saad at halatang gusto lang nitong galitin si Petrus.
"Trolem, tumigil ka na!" saway ko sa binata dahil nag-aalala ako na anomang oras ay susugurin na naman siya ni Petrus.
Inis na inis na si Petrus kay Trolem kaya nadamay ako.
Tinanggal ni Petrus ang kamay kong nakahawak sa braso niya at tumalikod na.
Pero ilang hakbang lang au bigla siyang tumigil sa apglalakad.
Binalingan niya ulit nang tingin si Trolem. Nginitian niya ito ng nakakaloko at saka nagbitaw ng mga salita.
"Tsk, kaya pala natalo kayo ngayon?" mayabang na saad ni Petrus.
Tuluyan na niyang tinalikuran si Trolem at nilapitan ako.
Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
Halos makaladkad na niya ako sa p dahil paghila niya sa akin at halatang gusto na itong makalayo sa binata.
Makikita mang kalmado lang ang kanyang mukha pero hindi maipagkakaila ang galit niya sa pamamagitan nang higpit ng kanyang hawak sa akin.
Magaling magtago ng emosyon si Petrus at isa ako sa higit na nakakaalam ng ugali niya.
Kalmado man ang kaniyang mukha pero iba ang nilalaman ng kaniyang puso.