"Tita, what gender do you think your grandchild will be?" Masiglang tanong ni Trisha kay Mommy. Hawak-hawak nito ang mic sa isang kamay saka itinutok sa nanay ko para marinig naming lahat ang isasagot niya. Nandito kami sa may garden ng bahay nila Mishari kasama ang mga kaibigan at pamilya namin. After ng ultrasound ko last week, nag-plano na kami para sa gender reveal party kahit ayaw naman ni Mishari. Excited kasi siyang malaman kung ano ang gender ng anak niya pero dahil gusto kong ma-surprise kaming lahat, ipinilit ko ang gusto ko. At siyempre, wala naman siyang nagawa. Pare-pareho kaming walang idea kung babae ba o lalaki ang magiging anak namin. Sinabi ko kasi sa OB ko na magpapa-gender reveal kami kaya hindi niya sinabi. Iniwan din namin iyong result sa kanya at si Trisha ang kum

