Malulungkot na ngiti ang laging iginagawad sa akin ni Ate Louella sa tuwing mapapatingin ako sa kaniya. Siguro ay nalulungkot ito dahil last day na ng OJT namin dito ngayon. At ilang oras na lang, tapos na talaga ang isang buwan namin dito. Nagawan na nga kami ng certificate ni Ma'am Nadia, eh. Nasilip ko iyon sa table niya kanina noong ipinatawag niya kami para kausapin dahil nga last day na namin ngayon. "Grabe, 'no? Ang bilis ng araw. Last day na natin kaagad dito," mungkahi ni Jeric. Ini-stapler nito ang mga papeles na nasa table namin. At hindi ko alam kung natutuwa siya o nalulungkot. O maari din parehong gano'n ang nararamdaman niya ngayon. Ako man ay nakakaramdam ng bahagyang lungkot. Sa loob ng isang buwan ay nasanay na ako sa daily routine ko. Marami naman akong natutunan dit