Hindi mabura ang ngiti sa mga labi ko habang pinakikinggan si Mishari Hizon na sinasabayan ang kanta sa stereo. Ang sarap kasi sa tenga ng boses niya. Pakiramdam ko ay para sa akin ang bawat lyrics ng kinakanta niya. O baka para sa akin talaga dahil sinusulyapan pa niya ako ng tingin at nginingitian. Sobrang dalang ko na nga lang siyang marinig na kumanta ngayon. Pero wala namang nagbago sa boses niya dahil gano'n pa din; malamig at maganda. "You're all I ever need..." pagsabay niya sa chorus ng All I Ever Need na kanta ni Austin Mahone. Sinipat ko ng tingin ang kamay ko nang hawakan niya ito. Ngumuso na lang ako para pigilan ang kilig nang dalhin niya ang kamay ko palapit sa mga labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko. Nawawalan talaga ako ng lakas kapag ganito siya. Iyong mga ga