Wala sa plano namin ni Ari na magkaro'n kami ng kanya-kanya naming party bago kami ikasal. Hindi naman napag-usapan ang tungkol sa pagkakaro'n ko ng bridal shower at hindi din naman niya nabanggit na gusto niyang magkaro'n siya ng stag party. Pero dahil hindi matanggap ng mga pinsan namin at kaibigan namin ang katotohanang wala talaga kaming balak para sa mga party na 'yon, hindi namin alam na bumuo pala sila ng sarili nilang plano. At heto ako ngayon sa loob ng isang function hall ng isang private pool resort kung saan nagaganap ang bridal shower na inihanda para sa akin nitong mga kaibigan at pinsan ko. Isama mo pa si Ate Pauleen na siyang nagdala sa akin dito. Nandito din si Ate Catherine at si Ate Jourdan na kakauwi lang noong isang araw. Pero maayos naman itong lugar at halatang pi

