CHAPTER 53 3RD PERSON POV ISASARA na sana ni Allison ang MacBook nang bigla siyang nakatanggap ng invitation letter mula sa Pilipinas. Binuksan ni Allison ang e-mail at binasa iyon pagkuwan ay sarkastikong natawa siya. “Gusto nila ako maging gown designer para sa sixty-fifth birthday ng mommy niya?” anito sa sarili. Nabaling ang tingin ni Allison sa lamesa nang nilatag ni Chris ang mainit na kape. “Mukhang masaya ka diyan sa harap ng laptop mo ah?” ngiting wika nito kay Allison. “I am wondering Chris. What if uwi na ako ng Pinas ngayon?” Tanaw niyang nanlaki ang mga mata ng kaniyang asawa. “What? Are you serious?” Inangat ni Allison ang kaniyang MacBook at pinakita ang e-mail ni Laurel dito. Napakunot-noo ito habang binabasa ang mensahe. “Are you ready to face them?” Nanliit ang

