CHAPTER 52 3RD PERSON POV ILANG beses na tinawagan ni Laurel ang MI Holdings ngunit palaging out of coverage. Mabilis niyang binaba ang kaniyang cellphone at inis na napatayo. “It’s been three days at hindi ko pa rin ma-contact?!” Huminga siya nang malalim at muling umupo. Binuksan niya ang kaniyang laptop upang mag-email ng proposal letter para sa planong merge company. “Is MI Holdings do exist?” Out of curiosity ay nagtungo siya sa google upang i-type ang MI Holdings Co Ltd. Nang pindutin ang enter button ay bumungad sa kaniya ang litrato na tantya niyang company building iyon. Nag-scroll down pa siya at binasa ang description. “MI Holdings Co Ltd is a holding company from United States that is mainly in the businesses of real estate development, banking and financial services, t