Chapter 5

1867 Words
3rd Person POV BENTE minutos makalipas ang alas-siyete ng gabi. Pinindot ni Renzo ang doorbell sa labas ng bahay ni Sam. Ilang segundo lang ay biglang lumabas ang dalaga at nagtaka kung bakit nasa labas ito. "B-bakit nandito ka?" tanong nito sa kaniya. Tinitigan ni Renzo ang dalaga at napansin niya ang mugtong mga mata nito. Nalaman din niya na nasa ICU ang daddy ni Sam matapos ang operasyon at hanggang ngayon ay unstable pa rin ang kalagayan ni Mr. Gabriel kaya hindi mapigilan ng dalaga ang mag-alala at umiyak. "Wanna go outside?" anyaya ni Renzo sa dalaga. Hinawakan ni Sam ang gate at luminga ito sa paligid dahil baka mahuli siya ni Yaya Sally. Nang wala siyang masumpungan ay muli siyang humarap sa gate at mahinay na binuksan iyon bago siya lumabas. "Is it okay na aalis ka nang walang paalam?" tanong ni Renzo. "Or gusto mo ipagpaalam kita?" dagdag na tanong nito kay Sam. Biglang hinawakan ng dalaga ang braso ni Renzo upang pigilan ito. "No. Wag mo na iyon alalahanin, malaki na ako," kumpiyansa ni Sam sa sarili saka binitawan ang braso nito. Ayaw din niya malaman ni Yaya Sally na kasama niya si Renzo dahil tiyak na aasarin lang ito. "Okay po, as you wish," malumanay na sagot nito at nginitian lang ang dalaga. Habang naglalakad sila ay dumapo sa balat ni Sam ang malamig na hangin mula sa baybayin ng dagat. Huminto sila at binaling ng dalaga ang kaniyang paningin at tumingala sa langit. Napangiti si Sam nang makita ang maliwanag na bilog na buwan, kasama ang nagkikislapang mga bituin. "Saan pala tayo pupunta?" tanong niya habang pinagmamasdan ang langit. "Miss Samantha," bigkas ni Renzo sa kaniya. Lumipat ang tingin ni Sam kay Renzo. "You can call me Sam dahil masyadong pormal ang Miss Samantha," ngiting wika nito sa binata. Biglang humalakhak si Renzo sa sinabi nito sa kaniya. "Sabagay, mas madali bigkasin ang Sam," natatawang wika nito. Umikot ang mga matang tumingin sa itaas si Sam. Hindi malaman kung magagalit o matatawa sa binata. "Anong masama sa pangalan ko?" may himig-galit na tanong ni Sam sa kaniya. Tumikhim si Renzo at inayos ang kaniyang sarili. Natawa siya kanina nang maaalala niya ang kaparehong palayaw ni Sam. "I remember my dog's name...but don't get me wrong, Miss Samantha...I mean...Sam," pigil na tawa ng binata sa kaniya. Padabog na naglakad mag-isa si Sam sa kaisipang inaasar lang siya nito. "Wait for me, Sam!" napataas ng kamay na hinabol ni Renzo ang mabilis na paglakad ng dalaga. Kapuwa sila napahinto nang may nakaabang na malaking itim na aso, isang metro lang ang layo mula kay Sam. Napaatras ang dalaga at palihim na kinawayan si Renzo sa likod niya dahil sa takot. Halos manigas sa kinatatayuan si Sam nang makita ang pangangalit ng mga matatalim na ngipin habang tumutulo ang laway na kahit anong oras ay puwedi ka nang lapain nito. "Please don't move, Sam. Stay calm. I'll look better way," bigay payo ni Renzo na nasa likuran niya. Paano kakalma ang dalaga kung halos atakihin na ito sa puso dahil sa nakakatakot na hitsura ng aso? Napansin ni Renzo ang bisikletang nakaparada sa labas ng gate ng kapitbahay na katapat niya lang . Dahil nakay Sam ang atensyon ng aso ay pasekretong kinuha niya ang bike at inusisa iyon. Dahil sa kumpiyansa sa kaniyang sarili na maayos ang bisikletang nakita niya ay inupuan niya iyon at sinubukang magpedal. "Why taking so long Renzo?" naiiyak na sabi nito sa binata. Lumingon si Renzo habang hawak ang bisikleta. "Are you a good runner?" "Uhm-yeah." "At a count of three, takbo ka papunta sa'kin at sakay ka rito sa bisikleta ko," utos ni Renzo habang nakaporma siya sa kabilang daan. "One...two—" Napahinto ng bilang si Renzo nang mabilis na umupo si Sam sa harapan niya. "What are you waiting for? Magpedal ka na dali!" takot na wika nito sa binata. Galit na hinabol sila ng aso at malakas na tahol ang narinig nila mula sa likuran. Dahil sa adrenaline rush na naramdaman ni Renzo ay mabilis siyang nagpedal palayo. Napayakap at napayuko na lang ang dalaga nang marinig niya ang galit na tahol ng aso at hindi rin niya sinadyang ibaon ang mukha sa matigas na dibdib ni Renzo dala ng takot. Kahit pawisan ang binata ay dama pa rin ni Sam ang mabango at seksing amoy nito. Pagkatapos ng ilang minuto ay napatingala si Sam nang marinig ang marahang pagtawa ni Renzo. Dahil sa kuryusidad ay sinilip niya ang likuran nito at natanuan na wala na palang humahabol sa kanila. Ngumiti lang ang dalaga sa nakita. Huminto sila sa tapat ng Barbe-Q House. "Mukhang nagutom ako sa byahe natin," pabirong wika ni Renzo habang hinihimas pabilog ang tiyan. "Nagpaparinig ka ba?" tanong ni Sam sabay kapa ng bulsa niya. Napahawak bibig siya nang makalimutan niyang dalhin ang kaniyang wallet. "Don't worry, Sam. Ako naman ang nag-aya sa'yo kaya sagot ko na," ngiting wika nito sa kaniya. Naunang pumasok si Renzo sa Barbe-Q House at nagtungo sa cashier area. Ilang segundo lang ay biglang nawala sa paningin ni Renzo si Sam kaya hinanap niya ang dalaga at nagtaka kung nasaan na ito. Sa sobrang pag-alala ay kinausap niya ang ilan sa mga staff ng Barbe-Q House. "Ay! Miss Samantha! Ano ginagawa mo rito?" bulalas na wika ng isang baklang staff kaya napalingon si Renzo. Biglang tinapat ni Sam ang kaniyang hintuturo sa bibig upang tumahimik ang baklang kaibigan niya. "Shhh! Tahimik Beljie! Baka makita ako." Napahinto si Sam nang biglang sumingit si Renzo. "Diyan ka lang pala nagtatago sa ilalim ng lamesa, Sam," alalang wika ni Renzo. Sa sobrang kahihiyan ay biglang umaktong may hinahanap si Sam sa ilalim ng lamesa. "Nasan na kaya iyong nawawala kong singsing?" Mga ilang segundo lang ay kunwaring pinatunog niya ang kaniyang daliri saka sinabing, "Ah! Nasa bahay pala!" "H-hi...Renzo...pasensya ka na. Akala ko kasi naiwala ko ang singsing," tinapunan niya ng pekeng ngiti ang binata at saka lumabas sa mesa. Napatawa nang marahan si Renzo dahil alam niyang gumagawa lang ng kuwento si Sam. "Stay here 'coz I'll order," paalam niya kay Sam at muling bumalik sa cashier. Lutang nang umupo ang dalaga sa puwesto dahil hindi niya akalaing magagawa niya ang gano'ng bagay. Nahihiya lang naman siya dahil halos lahat ng staff ng Barbe-Q House ay kilala niya at baka isipin nila na boyfriend niya si Renzo. "Jowa mo?" kilig na tanong ni Beljie kayakap ang itim na food tray habang pinagmamasdan ang guwapong lalaki sa cashier. Tiningnan niya lang nang masama ang bakla niyang kaibigan. "Hindi ko siya boyfriend noh!" depensa ng dalaga kaya biglang lumapit ito kay Sam. "Hoy ghurl! Ang hot naman ng dala mong papa. Sigurado kang hindi kayo?" "Tigilan mo nga ako Beljie. He's just a friend. Aminado naman ako na guwapo siya at ang hot niya pero hindi talaga kami. Nakakahiya nga nangyari sa'kin kanina." Naningkit ang mga mata ni Beljie at parang gusto niyang asarin si Sam. "Gusto mo siya?" bigalng tanong nito sa kaniya. Natawa nang malakas si Sam. "I can't believe it Beljie! Bakit sa kaniya pa?" pakunwang sagot nito. Pumormal si Beljie. "Kilala kita, Sam. Sa tinagal na nating magkaibigan ay kilala na kita kung paano ka mainlove. Tatanungin kita ulit. Do you like him?" seryosong tanong nito sa dalaga. Hindi makasagot si Sam sa tanong nito sa kaniya kahit alam niya sa sarili na nagugustuhan na niya si Renzo. Tumaas ang mga kilay ni Beljie. "Ano to? Staring contest na lang tayo?" natatawang dagdag nito sa kaniya. Gustuhin man ni Sam ilihim ang tunay niyang nararamdaman ay hindi na niya ito mapigilan. Lalo na't pag si Beljie ang nag-hot seat sa kaniya. Napabuntong-hininga si Sam at sinabing, "Oo, gusto ko siya." Isang tikhim ang nagpahinto ng usapan ng magkaibigan. Magkasabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng tikhim at laking gulat nang makitang nakatayo si Renzo sa di-kalayuan na may dalang pagkain. Halos manglupaypay si Sam nang makita niya muli si Renzo. Dinig kaya nito ang huli niyang sinabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD