Chapter 6

1604 Words
3rd Person POV NANG gabi ding iyon ay napagpasyahan nina Sam at Renzo na magpunta sa tabing dagat malapit sa Barbe-Q House. Umupo ang dalawa sa buhangin upang pagmasdan ang buwan at mga bituin sa langit. “Ang sarap pala tumambay sa tabing dagat pag ganitong oras, noh?” ani Sam habang nakatingin sa langit. “Bakit? Hindi ka ba madalas tumatabay sa lugar na ito?” tanong ni Renzo. “Pinagbabawalan kasi akong lumabas lalo na pag gabi,” natatawang sagot ng dalaga. Napalakas ng tawa si Renzo nang marinig niya ang sagot nito. “Ang laki mo na para bantayan ka!”pang-aasar na himig ng binata kay Sam. Mga kalahating oras din sila nag-star gazing at masayang nagkuwentuhan. Pagkuwan ay tumayo si Renzo at nagtungo sa dagat. Sarado ang mga ilaw sa puwesto nila at tanging buwan lang ang nag sisilbing liwanag kaya napatayo ang dalaga nang hindi na niya masayod kung nasaan na ito. “Ano ginagawa mo Renzo? Bumalik ka na rito. Masyadong madilim, hindi na kita makita.” Dahil sa kuryusidad ni Sam ay pinuntahan niya si Renzo. Pag-apak ng paa niya sa dagat ay napansin niya ang mainit na temperature at aking gulat nang maramdaman niya ang pagwisik nito sa kaniya. Mabilis siyang napalingon upang harapin ang taong gumawa iyon. “Stop it! Renzo!” bulalas ni Sam. Marahang tumawa ang binata at patuloy lang itong tilamsikan ang dalaga. “Come on, Sam. First time mo rito. Why not enjoy the view?” masayang wika ni Renzo. Nanliit ang mga mata ni Sam at daling nilubog ang kaniyang dalawang kamay upang humakot ng tubig. Nang mapuno na ay mabilis na sinaboy niya iyon sa katawan ni Renzo. Ilang Segundo ay biglang nagbukas ang mga ilaw at do’n nakita ni Sam ang basang puting damit nito. Napadilat ng mga mata si Sam nang makita muli ang malaumbok na kalamnan ni Renzo sa bandang tiyan dahil bakat ito sa basang damit. Nilayo ni Sam ang kaniyang paningin dahil ayaw niyang pagnasaan ang lalaking kaharap niya. “Sam.” Nagsitindig ang mga balahibo niya nang bigkasin ni Renzo ang kaniyang pangalan. Upang hindi mahalata ng binata ang damdamin ni Sam ay pormal na humarap ito kay Renzo. “Yes?” normal na wika nito sa kaniya. “I have a question, Sam.” Mas lalong kumalabog ang dibdib ng dalaga nang makita ang seriyosong mukha ni Renzo. Parang gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga paa. Napataas ng mga kilay si Sam dahil sa sinabi ni Renzo. “I heard you earlier at Barbe-Q House. I just want to confirm…” Mas lalong naging seryoso nang sinundan niya pa ito nang, “…if you really like me?” Natigilan si Sam sa narinig niya. Hindi niya alam kung papaano niya sasagutin ang tanong nito. Sa lahat ng mga lalaking nagustuhan niya, kay Renzo lang siya natamaan nang todo. Napakamot ng ulo ang dalaga at nagpalinga-linga sa paligid upang iwasan si Renzo. Napayakap siya sa sarili nang hindi niya kinaya ang lamig kasabay ng biglang paglakas ng hangin. “Masyadong malalim na ang gabi at baka hinahanap na ako ni Yaya Sally. Can we just talk about that tomorrow?” Ngumit lang si Renzo na parang wala lang nangyari. “Right! Baka hinahanap ka na nila. I’ll take you home.” *** Pagdating ni Sam sa bahay ay bumungad kaagad sa kaniya si Yaya Sally. “Haynako kang bata ka! Halos mabaliw ako kahahanap sa’yo at iniwan mo pa talaga cellphone mo para hindi kita makontak,” pag-aalalang wika nito sa kaniya. “Pasensya ka na Yaya Sally lumabas lang ako saglit to unwind myself. May balita na ba kay daddy?” “Tumawag pala mommy mo kanina sa cellphone mo pero ako ang sumagot.” Nanlaki bigla ang mga mata ni Sam sa kaisipang baka sinabi ng katulong niya na nawawala siya o umalis ng walang paalam. “And what did you say to mom?” balisang himig na tanong ng dalaga. Napangisi ang katulong sa naging reaksyon ni Sam. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko sinabi sa mommy mo na umalis ka ng walang paalam. Sinabi ko lang na nasa CR ka no’ng oras na iyon.” Napabuga ng hangin si Sam nang maibisan ang kaba sa dibdib. Siguradong magdidingas sa galit ang mommy niya pagkamalaman na lumabas siya ng walang paalam. Hindi niya mawari kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kalag sa mga magulang niya kahit nasa tamang edad na siya. Lahat ay dapat idaan sa kanila, maski mga manliligaw niya ay pilit hinahadlangan. “How is dad?” Huminto saglit si Yaya Sally na parang hindi maguhit ang mukha nito. Hindi alam ni Sam kung maiiyak ba siya o aatakihin sa puso sa mga kinikilos ng katulong niya dahil marami ang sumasagi sa isip niya na baka malubha na ang kalagayan ng ama niya. “Yaya Sally naman,” pag-aalalang wika ng dalaga. Biglang napalitan ng pang-aasar na ngiti ang dating seriyosong mukha ni Yaya Sally. “May malay na ang daddy mo. Pero kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo.” Napahawak ng dibdib ang dalaga at naging panatag na ang loob niya matapos marinig ang magandang balita. Ang dalangin niya lang naman ay magkamalay at maging estable ang kalagayan nito. Ilang oras matapos siyang mag-ayos upang matulog ay yumaon siya patungong storage room, dalawang kuwarto ang layo. Binuksan niya ang ilaw at nakita niya ang lumang sewing machine na ginamit niya no’ng high school. No’ng elementary pa lang si Sam ay pangarap na niya na maging isang fashion designer. Mahilig din siyang mag-drawing ng iba’t ibang klaseng damit. Sinimulan niyang subukan tahiin ang mga gawang disenyo no’ng high school siya at naging libangan niya noon ang manahi ng mga bistida. Ngunit isang araw ay bigla siyang na-ospital dahil natamaan ng karayom ang daliri niya ng dalawang beses. Kaya simula noon ay hindi na siya pinayagan ng kaniyang mga magulang gawin ang hilig niya. Nilapitan niya ang sewing machine at kaniyang pinahid ang bed plate gamit ang kaniyang palad. Naagaw ang atensyon niya nag biglang may nahulog na papel sa sahig. Kaniya itong kinuha at napangiti siya nang makit ang wedding dress na dinisenyo niya no’ng high school. Sa di malirip na dahilan ay bigla niyang naisip na gawan ng disenyo si Renzo bago siya matulog. Nagmadali siyang maghanap ng tela na aangkop do’n sa design na naisip niya. Sa di kalaunan ay nakita niya ang mabulaklak na tela at muli niyang naalala na dati pa niya balak na gawan ng beach uniform ang mga staff ng resort nila ngunit hindi nangyari iyon dahil pinagbawalan na siya. “Samantalahin mo na ang pagkakataong wala sila mom and dad,” anito sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD