3rd Person POV
MULING iginala ni Sam ang kaniyang paningin sa buong paligid. Nasa cliff diving area siya kung saan unang nagkita sila ni Renzo. Dala ang tinahi niyang bulaklaking polo na gawa niya buong magdamag.
“Hindi yata siya nadaan dito,” usal niya sa kaniyang sarili.
Humikab siya na halos kita na ang ngala-ngala sa sobrang antok. Hindi niya akalaing natapos niya gawin ang dala niyang polo. Binuklat niya iyon at inusisa ng mabuti.
“Tama naman siguro ang sukat na ginawa ko?” At biglang nabalik-tanaw niya ang nangyari kagabi no’ng halos yakapin na niya si Renzo. Matapos pantasyahan niya ang binata sa isip ay hindi niya namalayan na hinahagkan niya na pala ang polo.
Napahugot ng hininga si Sam. Wala siyang nasumpungang Renzo sa cliff diving kaya nagpasya siyang lisanin iyon.
Nang aktong aalis na siya ay naagaw ang atensyon niya dahil sa mga nagtitiliang mga babae. Napalingon si Sam dahil sa ingay. Mula sa entrance ng cliff diving area ay pumasok ang isang lalaking tantiya niya ay dalawampu’t limang taong gulang. Naka-polo shirt na puti na ang dibdib ay bukas halos lahat ng butones. Nakarolyo ang manggas ng polo hanggang siko ng lalaki. Suot din ang dekolor na salamin at ito’y napapalibutan ng mga babaeng naka-bikini.
“Hi girls,” ngiting bati nito sa mga seksing babae.
Kumunot ang noo ni Sam dahil pamiliar ang boses na iyon. Hindi nga siya nagkamali nang tinanggal ng lalaki ang kaniyang dekolor na salamin.
“Renzo?” wika ni Sam sa kaniyang sarili.
Nagtama ang paningin nila sa isa’t isa at pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nang titigan siya nito.
Lumapit ang binata sa kaniya ngunit napaaktras si Sam dahil pinagmamasdan sila ng mga babae.
“Are you here dahil hinihintay mo ako?” tanong ni Renzo sa kaniya.
Napayakap si Sam sa hawak niyang polo nang maramdaman niya ang pagkimi ng kaniyang mukha.
“H-hindi! Napadaan lang ako.” Akmang aalis siya sa harapan ng binata ngunit napahinto siya nang humarang ito sa kaniya.
“I know you want to meet me.”
Ilang sandali lang ay dumating si Yaya Sally at pinaalis niya ang mga babae upang bigyan ng pribadong lugar ang dalawa.
Hindi nagsalita si Sam tungkol sa sinabi ni Renzo. Paanong nalaman ng binata na gusto siyang makita nito? Anak ba ito ni Madam Auring?
“Bakit mo ako iniiwasan?”
“Hindi kita iniiwasan.”
“Huwag mo na akong lokohin, Sam. Alam ko kinikilos mo.”
Pormal na humarap ang dalaga kay Renzo.
“Edi ikaw na ang manghuhula,” sagot ni Sam at walang kibong nilisan ito.
Hindi pa nakakalayo si Sam ay mabilis na hinabol ni Renzo iyon at hinawakan ang pulso.
“Please answer me!”
Pilit na iniikot ni Sam ang kaniyang braso upang kumawala sa pagkahawak ng lalaki sa kaniya. At muling humarap ito kay Renzo.
“What?”
“Please answer my question last night.”
Natigilan si Sam nang marinig iyon mula kay Renzo dahil halos makalimutan niya ang tanong na iyon kagabi.
Imbis na sumagot ang dalaga ay napaluha siya. Hindi alam kung paano niya sasabihin ang totoo niyang nararamdaman para kay Renzo. Maski sa kaniyang sarili ay hindi niya mawari ang damdamin na iyon. Tatakot din si Sam na baka maging one sided lang siya.
“Sinubukan kong pigilan…pero hindi ko kaya,” naiiyak na wika nito kay Renzo.
“Ano ang ibig mong sabihin Sam?”
Napayuko si Sam habang kinakagat ang ibabang labi. Bakit ba kasi kailangan pang sabihin ito kay Renzo?
“Look at me, please.”
Ito na yata ang pinakamahirap na confession na gagawin ni Sam sa tanang buhay niya.
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga at muling tiningala ang kaniyang ulo.
“Parang mahal na kasi kita…Renzo,” seryosong pag-amin ni Sam.
Unti-unting gumuhit ng ngiti ang mukha ng lalaki matapos marinig ang sagot ng dalaga. Marahang tumawa ito bago nagsalita.
“Akala ko kasi ayaw mo sa’kin no’ng iniiwasan mo mo ako kagabi. Ha! Maybe I’m just overthinking,” maligayang salaysay ni Renzo sa kaniya.
“It’s so hard to put into words na gusto kita Sam. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya kapag kasama kita…. that’s why I asked you that night to confirm if it’s mutual. But since it is…”
Nagsidagsaan ang mga tao, dala ang isang bungkos na pulang rosas na nakabalot sa mamahaling papel at nilaso ang mga tangkay nito. Nagdala rin sila ng isang byolin at pinalibutan ang dalaga.
“…I have prepared something for you.”
Biglang lumuhod si Renzo sa harapan ni Sam kasabay ang pagtugtog ng violin. Halong emosyon ang naramdaman niya sa ginawa nito. Hindi niya akalain na gagawin ni Renzo iyon sa kaniya na imbis siya ang mag-su-surpresa.
Inabot ng lalaki ang pulang rosas kay Renzo at tinapat ito sa kaniya.
“Sam, will you be my girlfriend?”seriyosong tanong nito.
Hindi na nagdalawang isip ang dalaga kaya tinanggap niya ang bulaklak.
“Yes!” masayang sagot nito.
***
NAGTAGAL ng halos isang taon ang long distance relationship nila ni Renzo. Hindi naging problema ang relasyon nila dahil legal ito both sides ng parents nila.
Paminsan-minsan dumadalaw ang binata sa Leyte kasama ang pamilya upang magbakasyon. Family friend din kasi ni Sam ang pamilya ni Renzo kaya hindi nahirapan ang dalaga makisama pagdating sa pamilya ng nobyo niya.
Ngunit nagbago ang ihip ng panahon no’ng malaman ni Sam ang tunay na pagkatao ni Renzo. Hindi niya lubos maisip na ang lalaking nakilala niya ay ibang-iba sa totoong buhay.
Matamlay na bumaba si Sam mula sa eroplano dala ang bagahe niya. Kahit na nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa namumuong mga luha ay patuloy pa rin itong naglakad.
“Can you please walk faster miss?” galit na himig ng babaeng nasa likuran niya.
Kaagad na pinahid ng kaniyang palad ang mga luha sa mukha at binilisan ang paglakad hanggang sa arrival area.
“Taxi! Taxi!” sigaw nito habang kinakawayan ang maliit na dilaw na sasakyan.
Pagdating ng taxi ay karakang pumasok ito sa loob.
“Diin po kamo banda ma’am?” tanong ng drayber sa waray na ang tagalog ay, “Saan po kayo banda ma’am?”
“Harani po ha San Juanico. Tutduan ko nala ikaw niyan,” sagot ni Sam sa waray na ang tagalog ay, “Malapit po sa San Juanico. Ituro ko na lang mamaya,”
Halos kalahating oras ang biniyahe ni Sam pauwi ng Clift Royal Beach Resort. Matapos siyang bumaba ng sasakyan ay nagtungo siya sa cliff diving area. Nilatag niya muna ang kaniyang bagahe sa tabi at umupo sa bato. Mula sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa dagat.
Sa kabila ng hirap at pagod niyang katawan ay nagunita niya ang masasayang alala na sa lugar na iyon ay do’n niya sinagot si Renzo. Binigay din niya ang pinaghirapang polo at maligaya ang pagsasama nila noon.
Tumangis ang dalaga at napahagulgol sa sakit.
“I don’t deserve this! Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit si Renzo pa?!” malakas na bulalas niya sa kaniyang sarili habang tinititigan ang bilog na buwan.
Tumayo siya at nagtungo sa dulo ng kahoy na kung saan ka puwede mag-dive. Sa pagod niyang kaisipan ay sumagi sa kaniyang isip ang magpakamatay na lang.
Ilang pulgada na lang ang layo sa kaniyang paa ay mahuhulog na siya ngunit napahinto si Sam nang biglang may sumigaw dahilan ng paglingon niya.
“Huwag Miss Samantha!” malakas na hiyaw ng kaniyang katulong na si Yaya Sally.
Hindi niya maintindihan kung bakit natagpuan siya ng katulong sa mga oras na iyon.
“Yaya Sally?”
“Miss Samantha! Parang awa mo na…huwag kang magpakamatay,” maluha-luhang sambit nito sa dalaga.
“Pa-paano mo nalaman na nandito ako?”
“Nakita ka ni manong guard kanina pagpasok mo. At kaagad na kinausap ako kaya nagmadali akong puntahan ka rito.”
Lumapit si Yaya Sally kay Sam at inunat ang kaniyang braso upang abutin ang kamay ng dalaga. Nang mahawakan ng katulong iyon ay bigla niyang hinagkan ito dahilan ng muling pagbuhos ng mga luha ni Sam.
“Hi…hindi niya ako minahal…Yaya Sally. Pinamukha niya akong…tanga,” salaysay ni Sam kasabay ng paghikbi nito.
Matapos ang mga oras na iyon ay inusal ni Sam sa kaniyang sarili na hindi na siya muling iiyak. At hindi na niya muling babanggitin ang pangalan ng lalaking sinaktan at pinaasa siya. Tatanggapin niya ang biyaya ng Dios at sisiguraduhing magiging mabuti siyang ina.