Talira: Napabalikwas ako ng tayo ng maalimpungatan ako. Natutuyo ang aking lalamunan na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pawis na pawis ako ng mga oras na yon. Napatingin ako sa orasan alas dose na pala. Tumunog ang malaking antique na orasan ng mansion. Nanlalamig ang aking balat. Malamig na hindi ko maintindihan kung bakit. Nanakit muli ang aking leeg. Bigla na lamang bumaliktad ang aking sikmura kaya't napatakbo ako ng banyo. Tulog naman ang iba kong kasamahan kaya't walang makakakita. Pagpasok ay kaagad akong nagtungo sa bowl at sumuka. Naglabas ito ng dugo. Halos ikamatay ko ang sakit ng aking tiyan. Namimilipit pa akong nagtungo sa sink at nagmumog. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Kitang kita na ang pamumutla ko at pagiiba ng aking mga mata. Kinuha ko agad ang