[Find her] Third Person: Hindi kakikitaan ng liwanag sa loob ng mansion ng Dark Mafia. Tanging mga dugo't sira sirang mga gamit ang masasaksihan sa loob mismo nito. Wala namang magawa ang kanyang tauhan kundi ang panoorin lamang kung paano nito wasakin at basagin ang ilang mga kasangkapan. Tila nagsawa ang binata kaya't naupo ito sa kanyang mamahaling swivel chair at kinuha ang mamahaling plasenta ng tao, Na nakasalin sa mamahaling baso. Dugo ang kanyang iniinom na mas nagpapalakas sakanyang katawan. Hindi niya matanggap ang pagtakas ni Lady Talira. Gumuguhit parin sakanyang isipan ang takot na takot na mukha ng dalaga. Takot na para bang sinasabing hindi siya kayang tanggapin nito. Niligtas lamang niya ang buhay nito ng tamaan ng bala at tumagos sa puso. Patay na ang katawan ni Tali