REBIRTH

1185 Words
Nang imulat ni Xu Lei Mei ang kaniyang mga mata ay wala siyang nakita. Kaagad naman siyang nakaramdam ng panlalamig at naramdaman niya na magalaw ang paligid. Anong meron? Kaagad naman napahawak si Xu Lei Mei sa kaniyang isipan nang magsibalikan naman ang lahat ng alaala niya. Napapikit siya nang madiin dahil sa pagpintig ng kaniyang ulo dahil sa sakit nito. Hahaha! Ako ay nagbabalik! Hinding hindi ko hahayaan na mangyaring muli ang nangyari noon! Nalalaa ni Xu Lei Mei ang lahat mula noong magkamalay siya hanggang sa mga nangyari sa kaniyang pamilya. Hindi rin niya nakalimutan ang pagpatay sa kaniya nina Xu Jia at Mu Lengfeng. Sa mga oras na iyon ay isa lamang ang nasa isipan ni Xu Lei Mei at iyon ay ang maghiganti sa mga Xu at at Mu na pumatay sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Napatingin naman si Xu Lei Mei sa maliit na bintana na nasa kaniyang kanan at nang maliwanagan naman ng buwan ang paligid ay doon niya naalala kung nasaan siya. Nasa pinaka mababa siyang parte ng Bai ship kung saan may iba siyang mga kasama. Ibinenta siya ng mga Xu upang magkaroon siya ng pakinabang sa mga ito dahilan kung bakit nasa ship siya ng mga Bai. Sa mga oras na iyon ay alam niya na kapag hindi siya nakatakas ay makikita niyang muli si Mu Lengfeng kung saan siya ang bumili sa kaniya upang makalaya sa pagiging alipin. Hindi ko hahayaan na maulit muli ang mga nangyari noon. Sisiguraduhin ko na makakatakas ako rito. Nakita naman niya na may isang babae na lumapit sa kaniya at nang makita nito na gising na siya ay napahinga naman ito ng maluwag. Kinataka naman ito ni Xu Lei Mei. "Mabuti naman at gising ka na," sambit nito. Tumango na lamang si Xu Lei Mei at nagpasalamat sa babae dahil ito ang taong tumulong sa kaniya upang mapababa ang kaniyang lagnat. "Anong pangalan mo?" tanong ng babae. "Lei Mei," "Lei Mei, ako nga pala si Sura." Ibinigay naman nito ang kaniyang kamay upang makipagkamay. Kinuha naman ito ni Xu Lei Mei at napangiti na lamang siya. "Salamat sa pagtulong mo." Umiling si Sura at saka sinabing, "Wala iyon, nakikita ko ang kapatid ko sa iyo kaya naman tinulungan kita. Hindi ko rin kaya na pabayaan ka." "Kapatid?" "Oo, may kapatid ako. Patay na siya." Ngumiti siya kay Xu Lei Mei nang malungkot. "Ikaw?" "Huh?" "Bakit ka nandito?" Yumuko si Xu Lei Mei at saka inalala ang ginawa sa kaniya ng mga Xu. Dahil lang sa takot nila na matuloy ang kasal niya sa mga Cheng ay ibinenta siya. Kapag bumalik siya sa mga Xu ay siguradong sisirain nila ang reputasyon ni Xu Lei Mei upang ang mga Cheng na mismo ang umayaw sa kaniya. Napayukom naman ng kamao si Xu Lei Mei. "Binenta ako," mahinang sambit ni Xu Lei Mei. "Binenta ako ng mga taong akala ko ay pamilya ko." Nagulat naman si Sura sa sinabi ni Xu Lei Mei at hindi niya akalain na ganoon ang sitwasyon nito. Bata pa lamang ay alam na ni Sura ang hirap ng buhay kaya naman ang ganitong sitwasyon ay bago sa kaniya. Sa balat pa lamang ni Xu Lei Mei ay may pakiramdam na ito na galing ito sa magandang pamilya. 'Hindi ko alam na may ganoong tao pala,' mahinang sambit ni Sura sa kaniyang isipan. "Bakit…" "Huh?" "Bakit nila ginawa iyon sa 'yo?" bulong ni Sura. "Dahil sa alam nila ang kaya kong gawin?" hindi siguradong tanong ni Xu Lei Mei. Noong una ay hindi talaga alam ni Xu Lei Mei kung bakit ito ginawa sa kaniya ng mga tinuring niyang pamilya pero noong mamatay siya ay alam na niya. Lahat ng mga iyon ay ginawa nila kay Xu Lei Mei upang mabigyan ng magandang buhay si Xu Jia, ang babaeng itinuring niyang kapatid. Natahimik naman sina Sura at Xu Lei Mei sa kanilang pag-uusap nang madinig nila na may papalapit sa kanilang kwarto. Marami sila sa loob ngunit hindi alam ni Xu Lei Mei kung ilan sila. Nang makita niya na isa lamang itong kawal ng mga Bai ay kaagad niyang isinantabi ang lahat. "Sura?" "Bakit?" "Gusto mo ba makatakas?" Hindi naman nagsalita si Sura at napaisip muna, "Hindi ko alam. Kapag nahuli ako, katapusan na ng buhay ko." Umiling naman si Xu Lei Mei. "Sura, gusto ko lang tulungan mo ako." "Nahihibang ka na ba?" bulong ni Sura. "Sura, itago mo lamang ako sa likuran mo at ako na ang bahala." "Anong gagawin mo?" tanong nito. "Basta." Hindi na lamang nagtanong pa si Sura at itinago na lamang niya si Xu Lei Mei sa kaniyang likuran. Napangiti naman si Xu Lei Mei dahil hindi niya akalain na may tao pa palang handang tumulong sa kaniya. Nasa Elementary Pharmacist pa lamang si Xu Lei Mei nang mapansin niya ito nang mabuhay siyang muli at sa mga oras na iyon ay ipinangako niya na gagawin niya ang lahat makapaghiganti lamang. "Kapag nagtanong sila kung anong meron sa 'kin Sura sabihin mo ay masama lamang ang pakiramdam ko," "Hindi ka ba natatakot?" "Hindi." Ipinikit ni Xu Lei Mei ang kaniyang mga mata at saka niya ginamit ang kaniyang mental strength. Isa lamang normal na kawal ang nasa loob ng kulungan nila kaya naman hindi na ito mahirap para makatakas. Kaagad naman na nawalan ng malay ang dalawang kawal na nasa loob ng kulungan nila. Kaagad naman na ginamit ito ng ilan sa mga gusto makatakas na tumakas. Nagsilabasan ang ilan sa kanila at ang ilan naman ay kahit na gustuhin nila ay hindi nila magawa. Tumayo si Xu Lei Mei ngunit bago pa ito humakbang ay kaagad naman siyang hinawakan ni Sura sa kaniyang pulsuhan. "Sigurado ka na ba?" "Sura, huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para mai-alis ka rito," sambit ni Xu Lei Mei at niyakap si Sura. "Kapag nakalabas ka rito maghintay ka sa Maqi Kingdom red inn. Ako na ang bahala hanapin ka," dagdag pa nito. Tumango na lamang si Sura at kaagad na lumabas si Xu Lei Mei. Nang hindi pa siya nakakalayo ay kaagad naman na may humabol sa kaniya at nagmadali siyang tumakbo. Hindi niya alam kung saan siya papunta at sigurado na ang palapag na kung nasaan siya ngayon ay palapag para sa may mga kakayahan at kapangyarihan. 'Bahala na!' Kaagad na pumasok si Xu Lei Mei sa isang silid at nakita niyang walang katao tao rito. Kaagad siyang sumiksik sa pinaka gilid at pinaka madilim na parte ng silid. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na ang may-ari ng silid at doon na nakilala ni Xu Lei Mei ang tatlong babae na tumulong sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit siya tinulungan ng mga ito pero nagpapasalamat siya sa mga ito. "Lime, bakit ka narito?" tanong ni Yaoyao. "Binenta," sagot naman ni Xu Lei Mei. Hindi alam ni Xu Lei Mei kung dapat ba niya talagang pagkatiwalaan ang tatlong kasama niya ngunit kaagad naman niya naisip na wala namang masama kung magtitiwala siya. Mas pinapaniwalaan niya ang nararamdaman niya na hindi masama ang mga kasama niya ngayon. 'Ngayon lang, magtitiwala ako.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD