DEATH

1122 Words
Nagmamadaling tumatakbo si Xu Lei Mei papalayo sa mga taong humahabol sa kaniya. Alam niya na ang mga taong iyon ay pakay ang kaniyang buhay. Sa mga oras na iyon ay nagsisisi si Xu Lei Mei na nagpunta siya sa kasal ni Mu Lengfeng at dahil doon ay nalaman na ng mga Xu kung nasaan siya. Siguradong papahirapan nila ako kapag nahuli nila ako. Hindi ako pwede bumalik doon, ayoko na! Mas lalo pang binilisan ni Xu Lei Mei ang kaniyang pagtakbo at nang makarating siya sa harapan ng gubat ay hindi na siya nag-alinlangan pa na pumasok doon. Alam niyang mas delikado ngunit may tiyansa pa rin naman siya na makatakas kung papasok siya roon. Hindi niya magamit ang kaniyang heaven blue fire dahil sa panghihina niya. Masyado rin naman niya itong nagamit noong nagawa siya ng pills bago pumunta sa kasal ni Xu Jia at Mu Lengfeng. Kung minamalas ka naman talaga, oo. Kaagad na napatigil si Xu Lei Mei sa pagtakbo dahil napaligiran na siya. "Anong kailangan ninyo?" madiin na sambit ni Xu Lei Mei. Tumawa ang isang lalaki at sa tingin ni Xu Lei Mei ay iyon ang pinuno ng grupo. Kaagad na pinaulanan ni Xu Lei Mei ng heaven blue fire ang lalaking pinuno at kaagad naman ito nilamon ng apoy. Dahil sa gulat ay hindi naman kaagad nakagalaw ang iba ngunit kaagad naman na sumugod ang isa sa kanila at saka nagalusan si Xu Lei Mei sa kaniyang balikat. Iwinagayway ni Xu Lei Mei ang kaniyang kamay at saka naman nagkaroon ng heaven blue fire sa kamay ng lalaking sumugat sa kaniya. Ang isa ay sumisigaw sa sakit dahil sa ang kaniyang buong katawan ay nababalot ng heaven blue fire samantalang ang isa naman ay pinutol ang kanyang kamay upang maiwasan ang pagkalat nito. Ang heaven blue fire ng mga alchemist ay kakaiba. Hindi ito mawawala kung hindi mismo ang may-ari ang aalis nito. Sinusunod nito ang gusto ng may-ari at walang kahit na ano man ang makakapag-apula nito. Ang mga Alchemist ay mayroong isang usapan na hindi na kailangan pang sabihin sa kahit na sino sa kanila. Kapag ang isang tao ay napaso o binigyan ng heaven blue fire ng isang alchemsit at hindi ito pinagaling ng mismong alchemist na nagbigay nito ay hindi maaring makialam ang kahit na sino sa kanila. Kaaway man nila ang alchemist o kakampi. Ito ay parusa sa isang tao na minamaliit ang mga Alchemist. "Huwag ka nang pumalag pa dahil mamamatay ka rin naman," sambit ng isa pang lalaki. Dalawa sa lima ay hindi na makakalaban pa at tatlo na lamang ang kailangan na kalabanin ni Xu Lei Mei ngunit kaagad din naman nagbago ang kaniyang itsura nang maramdaman niya na isang qi user ang makakalaban niya. Sht! Sht! Sht! Anong laban ko sa isang qi user?! Napaluhod si Xu Lei Mei dahil sa qi pressure na binigay sa kaniya at kasunod noon ay ang pagsuka niya ng dugo. Alam na ni Xu Lei Mei na hindi na siya makakatakas pa kahit na gustuhin man niya. "Sabi ko naman kasi sa iyo huwag ka nang magtangka pa," sambit ng lalaking qi user. Kitang kita ni Xu Lei Mei sa mga mata ng lalaki na minamaliit siya nito, na kayang kaya siyang patayin nito ano mang oras nito gustuhin. Kaagad din naman napadapa si Xu Lei Mei at nawala na ang balanse niya sa kaniyang kamay at paa dahil sa qi pressure na binigay sa kaniya at hirap na rin siya na iangat ang kaniyang ulo. "Sino… ka ba?…" hirap na tanong ni Xu Lei Mei habang pilit na tinitingnan ang mukha ng lalaki. Lumuhod ang lalaki sa harapan ni Xu Lei Mei at saka nito inangat ang ulo nito habang hawak hawak ang buhok. Napapikit na lamang si Xu Lei Mei ng kaniyang mata dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi lamang sa emosyon siya nasasaktan kundi pati pisikal. May aydeya na siya kung sino ang nagpadala sa mga lalaking ito at ayaw lamang niya itong tanggapin sa kaniyang sarili. Para kay Xu Lei Mei hindi ito kayang gawin ni Mu Lengfeng dahil kahit na hindi maganda ang kanilang pagtatapos ay may pinagsamahan pa rin naman sila. Iyon ang akala niya. "Napag-utusan lamang ako ni Young Master Mu. Kung sana hindi ka na lamang pumunta pa sa kasal nila e 'di sana hindi ito mangyayari sa iyo. Kung hindi mo na lamang siya sana pinaksalan e 'di sana hindi mamamatay ngayon." Mu Lengfeng! Pinakawalan na kita at kasama mo na ngayon ang totoong babaeng mahal mo pero gusto mo pa rin ako mawala sa landas mo? Kilala mo ako pero hindi mo ako papayagan na mabuhay man lang?! Kumawala ang luha sa mga mata ni Xu Lei Mei dahil sa sakita na nararamdaman niya. Sa mga oras na iyon ay nawalan na siya ng pag-asa pa. Bago pa man mag-alinlangan ang lalaki na patayin si Xu Lei Mei ay kaagad nitong itinurok ang kaniyang kamay na may qi sa kaliwang dibdib ni Xu Lei Mei at tinamaan nito ang kaniyang puso. Kaagad naman na sumuka ng dugo si Xu Lei Mei at unti unting nanghihina ang kaniyang pandama. Kung hindi dahil sa kaniyang heaven blue fire ay talagang mamamatay na siya sa kamay ng qi user na iyon. Ang heaven blue fire ay kaagad na pumulupot sa kamay ng qi user at kahit na pinilit niya na alisin agad ang kamay niya sa puso ni Xu Lei Mei ay huli na dahil sa mayroon na ito sa kaniyang kamay. Napalatak naman ng iba't ibang mura ang lalaki dahil hindi niya akalain na poprotektahan si Xu Lei Mei ng kaniyang heaven blue fire. Bago pa man mawalan ng buhay si Xu Lei Mei ay nakita niya ang isang lalaki na pilit pinapatay ang natirang mga tao. Pinilit ni Xu Lei Mei na manatiling buhay, pinilit niya para naman makita niya kahit papaano ang mukha ng taong gusto siyang mabuhay. Nang lumapit ang lalaking iyon ay kaagad naman na tumulo ang luha ni Xu Lei Mei. Ang taong hindi niya inaasahang nariyan sa kaniyang tabi sa kaniyang huling hininga ay siyang nasa kaniyang tabi. "Thank you…" mahinang sambit ni Xu Lei Mei at inawakan ang pisngi ng lalaki. "Cheng… Di…Wei." Kaagad naman na bumagsak ang kamay ni Xu Lei Mei nang matapos niyang banggitin ang pangalan ng lalaking lumuluha at hawak ang kaniyang kamay. _Kung bibigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, Cheng Diwei, huwag kang mag-alala. Ikaw ang papakasalan ko sa mga panahon na iyon. Hindi rin ako papayag na hindi sila maparusahan sa ginawa nila sa akin at sa pamilya ko. Lahat ng paghihirap ko at ng pamilya ko, hindi ako papayag na mamatay na lamang ng ganito. _  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD