BETRAYAL

1595 Words
"Wow! Alchemist Mei! Hindi ko akalain na makakagawa ka ng ganitong klaseng pill!" bulalas ng kaniyang mag-aaral. Ngumiti si Xu Lei Mei at saka tumingin sa kaniyang mga ginawang pills, "Hindi ko sana ito gagawin," sambit ni Xu Lei Mie. Kaagad naman na napakunot ang noo ng kaniyang mag-aaral na si Wang Rui. "Alchemist Mei, sigurado ka na po ba talaga na ibibigay mo ito sa iyong pamilya? Hindi ba at ayaw ka nila?" nag-aalalang tanong ni Wang Rui. Si Wang Rui ay isang bata na kinupkop ni Xu Lei Mei sa daan. Nang turuan niya ito ng alchemist ay nakita niya na mayroon itong talento. Isang mabait at masiyahing bata si Wang Rui ngunit palagi rin itong maingat at kalkulado. "Wala tayong magagawa rito, Rui," malungkot na sambit ni Xu Lei Mei at saka siya tumingin sa labas ng bintana. "Tapos ka na ba riyan? Maaari ka nang magpahinga kung oo," kaagad na dagdag naman nito. "Malapit na po Master Mei," kaagad na sagot naman ni Wang Rui. "Pero Master Mei, pwede po bang huwag ka na lamang umuwi sa bahay ng mga Mu?" Kumunot naman ang noo ni Xu Lei Mei ngunit kaagad din naman na ngumiti nang makita niya ang pag-aalala sa mukha ni Wang Rui. "Rui, wala akong ibang uuwian kundi ang mga Mu. Kahit na ayaw nila sa akin, kahit na anong gawin ko para matanggap nila ako, kahit na palagi akong naaapi roon, wala pa rin akong magagawa." "Pero Master Mei, mas mataas ang kalidad ng pagkatao mo kaysa sa kanila," "Alam ko iyan, Rui. Pero ano ang magagawa ko? Kung hindi ako uuwi sa kanila paano ako mabubuhay?" Napakaga na lamang ng labi si Wang Rui. Masama ang pakiramdam ni Wang Rui at ramdam niya na walang magandang mangyayari kay Xu Lei Mei kung siya ay babalik sa mansyon ng mga Mu. Alam ni Wang Rui ang mga pinagdadaanan ng kaniyang guro, alam niya ang hirap ng kalbaryo na dinanas nito sa kaniyang buhay sa kamay ng mga taong mapang-alipusta. "Master…" "Huwag kang mag-alala. Nabuhay na ako ng ganito katagal, ako pa ba? Isa pa, hindi nila ako basta basta mapapatay. Bakit? Kailangan pa nila ako. Maliban na lamang kung makahanap sila ng mas magaling sa akin, hindi ba? Alam kong huli na nang malaman kong isa akong alchemist at huli na rin ako na nagsimula pero tingnan mo kung nasaan ako ngayon." Hindi na lamang nakapagsalita pa si Wang Rui dahil alam niya na wala nang makakapagpabago pa sa isip nito. Samantala, si Xu Lei Mei naman ay nakahanda na sa mangyayari sa kaniya sa pag-uwi niya sa bahay ng mga Mu. Alam niya na nag-aalala lamang sa kaniya si Wang Rui at alam rin naman niya na walang magandang mangyayari sa kaniya roon ngunit wala siyang magagawa. Kumpara sa mga Mu, ang estado niya sa lipuan ay walang wala. Kaya siya ng mga ito patumbahin sa isang salita lamang. Huli na siya na makasali sa Alchemist Association at huli na rin para manghingi ng tulong sa kanila. Isa pa, walang maniniwala sa kaniya sa Alchemist Association kung manghihingi siya ng tulong dahil mas kinikilingan nila ang mga Xu. Ah, mukhang may mangyayari talagang hindi maganda. Napahawak si Xu Lei Mei sa kaniyang dibdib at saka siya naglakad papunta sa pinaka malapit na lamesa. Kinuha niya ang isang papel doon at saka niya ito binigay kay Wang Rui. "Rui, kung may mangyayari man sa akin gusto ko na dalahin mo ito sa Royal Capital." Inabot ni Xu Lei Mei ang isang sobre kay Wang Rui. "Walang kapangyarihan ang mga Xu at Mu roon kaya naman matutulungan ka nila. Ibigay mo iyan sa opisna ng gobyerno." "Master ano po ito?" "Malalaman mo kung magpupunta ka roon. Sa ngayon gusto ko ay mag-asikaso ka na. Aalis ka na ngayon," sambit ni Xu Lei Mei at kumuha siya ng isang dimension pouch. "Eto, gamitin mo iyan upang mas mapadali ang pag-alis mo." "Paano ka naman, Master?" Naiiyak na sambit ni Wang Rui. Ngumiti lamang si Xu Lei Mei at saka niya tinapik ang balikat ng kaniyang mag-aaral. "Huwag mo akong alalahanin. Ang sarili mo ang alalahanin mo. Pumunta ka kaagad sa Royal Capital, naiintindihan mo ba?" Inabot naman ni Xu Lei Mei ang isang supot. "Eto, gamitin mo ito. Mabuhay ka ng maayos ha?" "Master, bakit parang nagpapaaalam ka na?" "Hindi ko alam," malungkot na sambit ni Xu Lei Mei. "Pakiramdam ko talaga ay may mangyayari. Hindi ko ito maaring iwasan at kapag naman iniwasan ko ito ay madadamay ka. Rui, ikaw lamang ang natitira kong pamilya, kaya huwag mo sanang ipahamak ang sarili mo. Naiintindihan mo ba?" Tumulo naman ang luha ni Wang Rui at unti unting bumalik sa kaniyang isipan ang lahat ng masasayang ala-ala nila ng kaniyang Master. Hindi niya maiwasan ang hindi masaktan para sa kaniyang Master at kung bibigyan siya ng pagkakataon na iligtas ito ay gagawin niya. "Huwag mo nang tangkain pa," kaagad na pagpuputol ni Xu Lei Mei sa iniisip ng kaniyang mag-aaral. "Alam ko na gusto mo akong iligtas ngunit hindi mo na kailangan pang gawin iyan." "Bakit naman?! Hindi mo naman kasalanan na mas magaling ka sa kanila ah!" Umiling si Xu Lei Mei at malungkot na ngumiti, "Sige na. Umalis ka na ngayon din, Rui. Ayoko na madamay ka sa gulo ko." Labag man sa kalooban ni Wang Rui ay sinunod niya si Xu Lei Mei. Pinadala sa kaniya ni Xu Lei Mei ang mga orihinal niyang mga papeles. Alam ni Xu Lei Mei na balang araw ay may mangyayaring hindi maganda sa kaniya kaya naman mayroong dalawang kopya ang mga pills na inaral ni Xu Lei Mei. Ang isang kopya ay orihinal kung saan ito ay nakay Wang Rui at ang isa naman ay ang pills kung saan ay binawasan nila ng mga sangkap at iniba ang proseso. Alam ito ni Wang Rui at handa siyang itago ang sekretong ito para sa kaniyang Master. Pinanood ni Xu Lei Mei si Wang Rui na naglalakad papalayo mula sa bintana ng ikalawang palapag. Nang hindi na niya makita ang kaniyang mag-aarl ay kaagad siyang bumuntong hininga at tumingin sa paligid. Ang lugar kung saan niya binuhos ang lahat ng kaniyang oras. Napangiti ng malungkot si Xu Lei Mei at saka siya nagsimulang maghanda at umalis na pabalik sa mansyon ng mga Mu. Nang makarating siya roon ay kaagad na masayang pagdiriwang ang bumungad sa kaniya. Hindi alam ni Xu Lei Mei kung ano ang meron ngunit nang makita niya ang dalawang tao na nasa harapan at nakasuot ng kulay pulang pangkasal ay roon naintindihan na niya ang lahat. "Xu Lei Mei! Sa wakas at narito ka na!" sambit ng lalaking kaniyang pinakasalan. Malawak ang ngiti nito sa kaniyang labi at halatang masayang masaya sa nangyayari ngayon. "Mu Lengfeng," walang emosyon na sambit ni Xu Lei Mei. "Xu Lei Mei, gusto kong ipakilala sa 'yo ang aking asawa, si Xu Jia." Nakangiti nitong sambit. Napayukom na lamang ng kamao si Xu Lei Mei dahil hindi niya akalain na ang tao pang papalit sa kaniyang pwesto ay ang taong pinagkatiwalaan niya. Minahal niya si Mu Lengfeng ngunit wala siyang dahilan para manatili sa tabi nito. Ilang taon tiniis ni Xu Lei Mei ang paghihirap sa piling ni Mu Lengfeng at dalawang taon na simula noong natauhan siya. "Oh? Kaya mo ba ako pinauwi para masaksihan ko ito?" walang emosyon na tanong ni Xu Lei Mei. "Lei Mei, alam ko naman na mabait ka at sa sobrang bait mo ay pinahiram mo na sa akin ang asawa mo-" "Hindi ko siya pinahiram sa iyo, Jia. Ninakaw mo siya." Natahimik ang paligid dahil sa sinabi ni Xu Lei Mei. Alam ng lahat na hindi maganda ang pagtatapos ng relasyon ni Xu Lei Mei at ni Mu Lengfeng at alam din nila na may nangyaring hindi maganda kaya nakapag-asawa muli si Mu Lengfeng. Ang ilan sa mga ito ay hindi naniniwala na si Xu Lei Mei ang may kasalanan. "Paano ko siya inagaw na sa akin naman talaga siya sa umpisa pa lamang." Ngumiti ng nakakaloko si Xu Jia at saka nagsalitang muli, "Hindi ba't ikaw naman talaga ang may gusto kay Lengfeng? Pinutol mo nga ang ugnayan mo sa dapat mong mapapangasawa para kay Lengfeng na talagang para sa akin." "Ngayon ako pa talaga ang may kasalanan nito. At talagang inimbitahan pa ninyo ako para masaksihan ko ito. Xu Jia, wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao, ano?" Ramdam na ramdam ni Xu Lei Mei ang sakit sa kaniyang puso. Oo, matagal nang wala sila ni Mu Lengfeng ngunit hindi pa rin naman mapagkakaila na mahal pa rin ni Xu Lei Mei ang lalaking iyon. Matatanggap niya kung mag-aasawang muli si Mu Lengfeng ngunit ang hindi niya matanggap ay si Xu Jia natinuring niyang kapatid ang mapapangasawa nito. Nagkamali si Xu Lei Mei sa pagkakakilala kay Xu Jia. Dahil sa sinabi ni Xu Jia ay nag-iba ang tingin ng lahat kay Xu Lei Mei. "Mu Lengfeng, ang sabi mo sa 'kin hindi siya ang gusto mo, bakit ganito?" naiiyak na sambit ni Xu Lei Mei. Humagalpak naman sa pagtawa si Mu Lengfeng. "Naniwala ka naman? Ano ako tanga para ipagpalit kosi Jia'er para sa isang gaya mo?!" Umiiling na sambit ni Mu Lengfeng. Doon ay tumulo na lamang ang luha ni Xu Lei Mei at saka siya nagsimula nang maglakad papalayo sa dalawa at papalabas ng Mu mansyon. Sa umpisa pa lamang ay alam na ni Xu Lei Mei na wala siyang lugar sa Mu mansyon, bakit pa nga ba niya ito pinilit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD