CHAPTER 5

2755 Words
CHAPTER FIVE             FIRST day of class palang sa kolehiyo ngunit pagkapasok ni Logan sa kanilang classroom sa kursong Accountancy halos lahat ng mga upuan sa silid aralang iyon ay okupado na. Marami yatang matatalinong estudyante sa kanyang henerasyon kaya marami ring enrollees sa Major na ito ngayon.                         Wala pa siyang 'ni isang kakilala man lang dito, hindi tulad ng iba na mukhang matagal nang magkakasama at magkakaibigan saka panay na ang kwentuhan sa mga upuan ngayon.                         Galing siyang U.S at doon nag-aral ng apat na taon sa highschool kaya baguhan talaga siya rito. Well, konting adjustment lang naman siguro ang kailangan at masasanay na rin ulit siya sa baho at polusyon ng Pilipinas. Mas gusto kasi niyang dito sa isang University sa Manila makakuha ng bachelor's degree at hindi sa bayang hindi naman niya sinilangan.                         Nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang vacant seat sa tabi ng isang babae sa may bandang bintana ay hindi na siya nag-alinlangan pang lumapit doon. Mahirap na't maunahan pa siya ng iba at wala siyang maupuan.                         “Can I sit here?” untag niya sa babaeng busy sa paglalaro ng arcade game sa Android phone nito.                         Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nginitian siya. “Sure.”                         Halos malaglag ang kanyang panga sa ganda ng ngiti ng babae.                         ‘Damn Asian girl, ang ganda!’ Naimura pa niya sa likod ng isipan.                         Maputi at makinis ang balat nito lalo na ang mukha nito. May mahahabang pilik mata, matangos na ilong, pantay-pantay at mapuputing ngipin saka dimples.                         “Ah, wala bang may nakaupo? I mean, walang magagalit?” nag-aalinlangan niyang tanong ulit.                         Malay ba niya't baka hinihintay pala nito ang boyfriend nito na paparating palang tapos magalit pa iyon kapag nakitang nakikitabi siya sa magandang girlfriend.                         Bahagyang natawa ito. “May magagalit? May nakikita ka bang nakaupo diyan?”                         Umiling siya.                         “Yon naman pala eh! Syempre, walang nakaupo diyan kasi bakante nga 'di ba? Ikaw talaga!” tatawa-tawa itong muling bumalik sa paglalaro.                         Hindi niya maiwasang mapatitig sa maganda talagang mukha nito. Ibig sabihin ay wala itong boyfriend? Impossible naman yata, sa ganda ba naman nito!                         ‘Not that impossible, dude. Remember, this isn't U.S, and it's a conservative country. Being single isn't a big deal!’ Saway ng kanyang isipan.                         Muling nag-angat ng tingin sa kanya ang babae at pinagtawanan siya. “Oh? Tatayo ka nalang diyan hanggang maghapon?”                         “Sabi ko nga, mauupo na ako!” natatarantang sagot niya at mabilis pa sa kidlat na umupo sa bakanteng upuan.                         Hindi siya makatingin dito na alam niyang pinagmamasdan pa rin siya habang may ngiti sa labi hanggang ngayon dahil kinakabahan siya at ang bilis ng pintig ng kanyang dibdib. Damn that he feels this weird feeling right now but he really does!                         Humugot siya ng malalim na hininga bago ito sinalubong ng tingin. Napatitig siya sa maamo, matiwasay, at masiyahin nitong mukha. No doubt, this Asian girl is a million times prettier than those of western girls he already encountered.                         Mayamaya ay bigla ulit itong humagalpak sa tawa kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang madala na rin sa tawa nito.                         “Alam mo, nakakatuwa ka. Kakikita palang natin pero pakiramdam ko makakagaanan agad kita ng loob. Bago ka rin siguro rito sa Maynila 'no?” magiliw na salita nito.                         Magiliw rin na tumango siya. “Oo. Ikaw?”                         “Bago rin, sa Visayas pa kasi ako nanggaling, sa isang girls' school. Ngayon lang ako kinuha ni daddy para mag-aral dito sa Maynila.” kuwento nito.                         “Ako, galing ako ng U.S, do'n ako nag-aral ng highschool at do'n na rin nagtapos pero sinikap ko talagang umuwi rito sa Maynila para dito ako magkolehiyo. Mas gusto ko kasing makatapos ng college sa mismong bayang sinilangan ko at hindi doon sa kung saan.” kuwento rin niya.                         Bahagyang natawa na naman ito. “Naks, lalim ng hugot mo ah! By the way, Ingrid nga pala. Ingrid Diaz.” pakilala nito sabay lahad ng isang kamay sa kanya.                         Kaagad niyang tinanggap ang kamay nito habang may napakagandang ngiti sa kanyang labi. “Logan Montgomery.”                         Ang cool sigurong maging kaibigan ang tulad ni Ingrid!                         Doon nagsimula ang lahat. Ang magandang pagkakaibigan nilang dalawa at ang lihim niyang pagtingin sa dalaga habang tumatagal.                         Mas lalo pa siyang napalapit dito nang isang araw ay sinama niya ito sa kanilang mansyon para sa isang tatapusing project sa isang subject nila. Kilala na pala ng kanyang mga magulang ang mga magulang nito at magkakaibigan din ang mga iyon. Nang minsan namang siya ang dinala ni Ingrid sa bahay nito para naman sa isang teamwork assignment kasama ng groupmates nila ay naging maganda rin ang pagtanggap sa kanya ng mommy't daddy nito.                         “Logz, ba't hindi ka pa nagkaka-girlfriend hanggang ngayon?” nakapangalumbabang untag ni Ingrid sa kanya bigla habang gumagawa sila ng assignment sa library isang umaga.                         Second year college na sila nang panahong iyon.                         Nag-angat siya ng tingin sa dalaga. “Ba't mo natanong?”                         Pinaglaruan nito ang hawak na ballpen. “Wala lang. Naisip ko lang bigla. I mean, gwapo ka naman, mabait tapos matalino pa pero bakit hanggang ngayon zero pa rin love life mo?”                         Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy sa pagsusulat. “Ayoko lang kasi hinihintay ko pang mapansin ako ng babaeng gusto ko.”                         “Wow! So, talaga nga'ng may nagugustuhan ka na? Sino, Logz? Share-share naman diyan! Taga-dito ba sa school? Anong year, anong course? Crush mo na dati pa?” sunod-sunod na masiglang tanong nito.                         “Oo, matagal ko nang crush. Matagal ko na nga'ng mahal dati pa at oo, taga-dito rin s'ya sa University natin.”                         “Kung gano'n, anong pangalan niya?” parang aliw na aliw na talaga ito sa pagku-Q and A portion sa kanya.                         Hindi siya sumagot.                         “Uy, Logz, sabihin mo sa akin. Anong name niya?”                         Sa muli ay hindi siya sumagot.                         “Logan!” kinalabit na talaga siya nito. “Ano nga'ng pangalan nung girl na gusto mo? Trust me on this, sa atin lang 'to at hinding-hindi ko ipagsasabi sa iba o ikakalat. Sabihin mo lang sa akin name niya at nang mai-stalk natin sa f*******:. Malay mo, do'n mo pa malalaman likes and dislikes niya tapos mapopormahan mo na rin sa wakas. Support kita para sa love life mo, promise!”                         Nag-angat siya ng tingin dito at nakitang ngumanga pa ito habang hinihintay siyang sa wakas ay magsalita ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya nito nang inilingan lamang niya at muli siyang bumalik sa pagsagot ng assignment nila.                         '”Logan naman eh! Ang daya mo, ayaw mo man lang mag-share! Parang wala tayong pinagsamahan at parang hindi tayo mag-best friends!” maktol nito. “Siguro kaya ayaw mong sabihin dahil ayaw mo talagang mabuko ka niya 'no kasi takot kang malaman niya. Tss, torpe ka pala!”                         “Hindi ako torpe.” depensa niya.                         “Sus, hindi raw! Tse!”                         Nag-angat siyang muli ng tingin at seryosong tinitigan ang mukha nito. “Ikaw nga diyan, 'ni hindi ka pa nga rin nagkaka-boyfriend!”                         Nginusuhan siya nito. “Hindi pa ngayon kasi alam mo naman 'di ba? Bawal pa ako hanggang hindi pa umaabot ng twenty-five yung age ko sabi ni daddy.”                         He nodded. Nasabi na nga 'yan ng daddy nito noon habang nasa hapagkainan sila sa bahay ng mga ito nang minsang makapunta roon para sa teamwork assignment.                         Well in fact, marami ang nagpapa-cute at pomoporma kay Ingrid sa University galing sa iba't-ibang departments pero hindi nga lang pinapansin ng dalaga dahil sa palaging bilin ng ama nito at nagpapasalamat talaga siya kay Mr. Diaz dahil doon.                         “Pero paano, Grid, kung makita mo ngayon din mismo yung alam mo na, yung Mr. right mo. Ano gagawin mo?” curious niyang tanong bigla. Pa'no nga ba?                         “Syempre hindi ko na palalampasin pa yung pagkakataon. I'll be with him whatever it takes.”                         “Kahit suwayin pa ang bilin ng mga magulang mo? Kahit suwayin mo pa ang daddy mo?''                         “Hindi naman sa susuwayin ko sila. Kahit magmamahal ako ng palihim at magkaka-boyfriend ngayong college, hindi ko naman pababayaan yung pag-aaral ko. Mag-aaral at magsisipag pa rin akong maigi hanggang sa makapagtapos ako.”                         Tumango siya. Kahit papaano'y naiintindihan naman niya ang punto nito. Hindi kailanman ito sumuway sa mga magulang, nagtapos sa elementarya at high school na devoted sa pag-aaral at hindi kailanman nagkaroon ng distraction. Naiintindihan niyang curious din ito sa mga bagay na hindi pa nito nararanasan kaya gusto rin nitong mapagdaanan ang pakiramdam na magkaroon ng nobyo.                         “I understand. By the way, ano nga palang gusto mo sa isang lalaki? I mean, anong batayan mo ng isang Mr. Right o the one mo?” pasimple niyang tanong.                         “Syempre gusto ko yung dadaanin ako sa traditional romantic way ng panliligaw. Chocolates and flowers everyday, then love letters. Yung alam kong nag-e-effort at seryoso talaga yung guy sa akin. Tipong gano'n.”                         Tumango-tango siya. Palihim pa siyang napangiti. Mukhang alam na niya ang mga unang hakbang na gagawin niya.                         Iyon na nga, simula nang malaman niya kung ano ang mga gusto ng dalaga ay nag-umpisa na siya sa araw-araw na palihim na paglalagay ng mga tsokolate, bulaklak, at love letters sa locker nito. Palaging nakalagay sa huling bahagi ng letters ang mga katagang                          From: Secret Admirer with Love                         Kahit naghahanap pa siya ng tiyempo kung paanong makakapagtapat ng pag-ibig niya sa dalaga ay masaya na rin siyang nakikitang masaya, natutuwa, at mukhang kilig na kilig ito bawat araw na nakakatanggap ito ng mga ganoong bagay.                         “Feeling ko talaga, Logz, yung taong nagpapadala nito sa akin ay yung the one ko na!” ani Ingrid isang araw nang nasa canteen sila at busy ito sa pag-aamoy-amoy ng mga pink roses.                         “Talaga? Pa'no mo nasabi?” pasimple niyang turan ngunit sa kaloob-looban ay nagdidiwang ang kanyang puso.                         “Haler! Can't you see? Eto na yung signs oh! Yung gusto ko sa isang ideal man ko ay nagkakatotoo na talaga!”                         Napangiti siya. ‘Konting hintay nalang, Grid, at makakapag-ipon na rin ako ng sapat na lakas ng loob para magkatapat sayo.’                         Ngunit ang inaakala niyang nagkakatotoo na'ng fairytale sa pagitan nila ng dalaga ay matutuldukan din pala.                         “Logan! Logan!”                         Naglalakad siya sa corridor isang hapon nang marinig na tinatawag siya ni Ingrid. Nang lingunin niya ay tumatakbo ito papalapit sa kanya dala ng mga libro nito at mga bulaklak na iniwanan na naman niya sa locker nito kanina para sa araw na 'to. Kay ganda ng ngiti nito at mukhang excited. Napakunot-noo pa siya nang mapansing hindi yata ito nag-iisa dahil may kasama itong isang lalaki sa likod nito.                         “Logz, may sasabihin ako. Swear, hindi ka maniniwala rito!” excited na sinabi ni Ingrid.                         Kinabahan siya bigla sa hindi mawaring kadahilanan.                         “Nakita ko na s'ya, finally!” tuwang-tuwa na pahayag nito.                         “Sino?” tensyonado niyang tanong.                         “Si Mr. Secret Admirer with Love na araw-araw na nag-iiwan ng mga chocolates, loveletters, and flowers sa locker ko. Eto nga siya't kasama ko ngayon oh, si Allan.” saad nito at kaagad na tinuro ang kasama.                         Tuluyang bumagsak ang kanyang balikat. Tiningnan niya ang lalaki at napaka-cool ng itsura nito. Pa'no nito nagagawang akuin ang isang bagay na ibang tao naman ang gumagawa?                         “Uhm... Lan, s'ya nga pala si Logan, best friend at classmate ko.” pakilala naman sa kanya ni Ingrid sa kasama nito.                         Allan extended his hand. “Pare.”                         Nakipagkamay siya rito.                         “Ang gwapo at ang cool niya 'no? Sa tingin ko talaga, s'ya na, Logz. Siya na ang aking Mr. Right, ang aking the one!” pilya pang bulong sa kanya ni Ingrid. It's breaking his heart, for Pete's sake!                         Simula no'n, naging madalang na lamang silang nagkakasama ng dalaga, kapag nasa classroom na lamang. Lagi pa'y hindi na siya nito nabibigyang pansin dahil kahit magkasama sila ay panay ang pakikipagtext o tawagan nito kay Allan. Kapag naman vacant time o lunch break, kasama na nito ang huli at siya'y napapabayaan na lamang ni Ingrid.                         Hindi nagtagal ay nalaman niyang tuluyang itong niligawan ni Allan at ang mas masakit pa'y kaagad namang sinagot ng kaibigan niya ang lalaki na wala man lamang pag-aalinlangan.                         Minsan pa'y narinig niyang nagtatalo ang dalawa sa isang bakanteng classroom.                         “Alam mo namang magkaibigan na talaga kami ni Logan simula pa man noon, Allan!” ani Ingrid sa nobyo.                         “Naiintindihan ko naman 'yon pero ang hinihiling ko lang ay konting distansya naman sa kanya, Ingrid! May nobyo ka na kaya hindi magandang tingnan na sumasama-sama ka pa sa ibang lalaki. Well, sige, sabihin na nating kaibigan mo s'ya pero, Ingrid, naman, iba na ang ngayon sa noon. Hindi mo naman maiiwas sa akin ang magselos do'n dahil mas una mo nga siyang nakilala at naging kaibigan kaysa sa akin!”                         Nang mga sumunod na araw ay namalayan na nga lamang talaga niyang parang dumidistansya na si Ingrid sa kanya.                         “Tara, sa library tayo gumawa ng assignment sa PolSci, Grid.” pagyayaya niya rito nang vacant time nila.                         “Ah, ikaw nalang, Logz. Sunod nalang ako.”                         “Iniiwasan mo ba ako, Ingrid?” prangka nang tanong niya.                         Tila nagulat ito sa biglang tinuran niya. Tiningnan siya saglit ngunit kaagad din ulit na umiwas. “I'm sorry, Logz. Hindi ko naman intensyong-“                         “See? 'Ni hindi mo man lang mai-deny na iniiwasan mo nga ako.” puno ng pagkadismaya at pagkabigo ang kanyang boses. “Sige, para 'wag na ulit kayo mag-away ng boyfriend mo, ako na mismo didistansya sayo simula sa araw na 'to.”                         Tuluyan siyang lumabas ng classroom nila at iniwan ito. Ang sakit lang dahil yung mga efforts niya para rito kamakailan lang ay ibang lalaki ang nakinabang! Pero bahala na, kung saan na lamang sasaya si Ingrid, hindi na s'ya tututol at hahadlang pa. He loves her so much to the point that he doesn't mind himself anymore. Ingrid’s happiness is all that matters to him more than his.                         Napahingang-malalim si Logan sa mahabang pagbabalik tanaw ng nakaraan habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagkakatulog ng kanyang asawa.                         Those sweet and bitter memories in the past. Naisatinig niya sa isipan habang mapait na napangiti.                         Itinaas niya ng bahagya ang kumot ng asawa at hinalikan ito sa noo bago siya tuluyang lumabas ng kwarto nito. Sana nga lang ay tama ang kanyang ina na hindi magtatagal ay mahuhuli rin ulit niya ang loob ni Ingrid at mahalin na rin siya nito gaya ng sobrang pagmamahal na iniaalay niya para rito.                         Sana nga talaga... Hindi tuloy niya maiwasang magbaliw tanaw mula sa nakaraan, kung saan at kailan ang isa sa mga araw na masayang pinagsamahan nila noong maayos pa ang pagkakaibigan nila ni Ingrid way back college days. "ASAN na sina Mel at Lei?" tanong ng dalaga sa kanya nang maabutang wala na ang dalawa pa nilang mga kasama pagkatapos nilang sumayaw at makabalik sa table. "Baka sumayaw din?" hindi siguradong sagot nito. Knowing Lei? Wala talagang palalampasing babae ang isang iyon basta nagpakita ng interes kaya may ideya na si Logan kung bakit nawala bigla yung dalawa... ayaw lang niyang i-voice out pa dahil ayaw na niyang mag-alala pa si Ingrid sa best friend nito. Okay naman si Lei kung tutuusin eh, hindi naman mamimilit 'yon ng babae kung ayaw. Tumango si Ingrid. Napansin ni Logan na inaantok na ang dalaga at mukhang nahihilo na, napatukod pa sa rest ng couch dahil parang babagsak na sa kalasingan. Dinaluhan na kaagad niya ito. "You okay?" Saka niya inalalayan ito sa balikat nito. "Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo kapag nasobrahan ka sa kalasingan." Hindi na ito nakasagot pa nang tuluyang kinain na ng antok at bumagsak na sa mga bisig niya. He immediately assisted her palabas ng bar para isakay sa kanyang kotse at nang maihatid na rin ito pauwi sa bahay ng mga ito dahil nga lasing na lasing na. Kahit iika-ika sa daan, inalalayan pa rin niya ito. Nakasukbit ang braso nito sa kanyang balikat. Pagkarating sa parking lot kung saan naroon ang kotse ni Logan, binuksan kaagad niya ang passenger’s seat at inilapag ito roon sa pahigang posisyon. Inayos niya pang maigi yung puwesto ng mga binti nito na magkasya roon para naman kahit papaano’y komportable ang tulog ng lasing na dalaga. Pinagpag rin ni Logan ang mga maliliit na unan para ilagay sa likod ng ulo nito. Bigla siyang natigilan nang mapagmasdan niyang bigla ang mukha nitong tulog na tulog, maamo at ubod ng ganda. Wala halos siyang anumang maipipintas sa dalaga. He couldn’t help himself but stare at her pretty face while she's peacefully sleeping. He looked at her face with adoration down to her neck and to her perfectly curvy body. She's now wearing a plain white spaghetti strap jumpshorts. Lantad na lantad sa paningin ni Logan ang mapuputi at walang kagalos-galos nitong mahahabang legs lalo na ang leeg nitong sobrang nakakaakit. He suddenly felt the urge inside of him, his aggressive hormones getting insane and his manly instinct to almost lose its control, to touch her. Nandidilim ang paningin niya at pakiramdam niya’y kinakain ng pagnanasa ang buong sistema niya, ang buong p*********i niya. He’s so damn seduced by a drunk sexy sleeping woman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD