CHAPTER FOUR
Natigilan siya sa kaunting nakabukas na pinto ng opisina nang marinig niyang nagsasalita ang kanyang ina habang tila humihikbi. Umiiyak ba ito habang kausap ang mga magulang ni Logan? Ba't naman kaya?
When Logan and she became friends years ago, doon din nila napagtanto noon na magkaibigan din pala personally ang mga magulang nila. It's because of their business, maybe.
“Pero paniguradong hindi papayag si Ingrid dito!” patuloy na daing ng kanyang ina.
Mas lalo siyang nagtaka nang marinig ang kanyang pangalan. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng iba pero sadyang hindi niya mapigilan ang sarili sa mga sandaling ito lalo pa't kasali ang pangalan niya habang umiiyak ang mommy niya. She can sense it, may mali talaga rito.
“Pero nakapirma na ang asawa ninyo, Mrs. Diaz. Upang mabayaran ang tambak-tambak na utang ninyo sa aming bangko ay magpapakasal ang inyong panganay sa aming second born.” pahayag ng lalaking Montgomery.
Doon siya tuluyang nagulantang. Malaking utang sa bangko ng mga Montgomery at para mabayaran lahat ng iyon ipakakasal siya sa pangalawang anak ng mga ito, kay Logan Montgomery? NO!
“Ano pong ibig ninyong sabihin? I'm sorry but I will not gonna marry a Montgomery.” bigla ay pasok niya sa opisina at direktang sinabi sa mag-asawang Montgomery.
“Ingrid!” nanlaki sa gulat ang mga mata ng mommy niya.
“We're glad that you're finally here, Ingrid, para malaman mo na rin ang lahat. Ang totoo niyan matagal na talagang papalugi ang negosyo ninyo dahil ipinangsusugal ng daddy mo ang kita sa resort para sa kanyang bisyo, ilang beses na rin siyang natalo sa Casino kaya patong-patong ang kanyang mga utang sa Bangko Montgomery upang maisalba ang resort, makapagbayad sa mga utang sa mga kalaro sa pasugalan, at upang may maipangsugal ulit. Malaki ang kanyang pagkakautang sa bangko namin at ikinalulungkot naming sabihin na kahit malaking halaga na ang naihiram niya ay hindi pa rin sapat upang makapagbayad siya sa iba pang mga pinagkakautangan at maisalba ang tanging negosyo ng pamilya ninyo.” kwento ni Mr. Montgomery.
Napailing siya. “Hindi 'yan totoo.”
Gumagawa lang yata ito ng kwento! She knows her father very well! He's responsible enough para lang malulong sa bisyo sa Casino at hayaang magkandalugi ang tanging negosyong pinagkakakitaan ng pamilya nila!
“Kung ayaw mong maniwala, tanungin mo ang iyong ina tungkol dito.”
Bumaling siya sa mommy niya. “Mom, tell me, hindi totoo ang pinagsasabi nila 'di ba? Hindi 'to magagawa sa atin ni daddy!”
Humikbi ang kanyang ina. “Sorry, 'nak, hindi ko agad nagawang ipagtapat sayo.”
Tuluyang nalaglag ang kanyang balikat. Ibig sabihin ay totoo nga? Totoo nga'ng lulong sa bisyo sa Casino ang daddy niya at halos papalugi na ang kanilang resort!
“Here's another proof na hindi kami nagsisinungaling, hija.” marahang ani Mrs. Montgomery at inabot sa kanya ang isang papel.
Binasa niyang mabuti iyon at tuluyang siyang nanghina nang makita ang milyones na halaga ng mga utang ng daddy niya hindi lamang sa iisang lending bank kundi sa iba pang mga maiimpluwensyang tao. Kahit pa yata kunin lahat ng ari-arian nilang mga Diaz ay kulang na kulang pa para mabayaran lahat ng utang ng ama na nakalista sa papel na ito.
“Sana ay naiintindihan mo na ngayon, hija. Three months ago bago nawala ang daddy mo ay pumirma na siya ng kontrata na upang maisalba ang kaisa-isang negosyo ninyo at mabayaran pati ibang mga utang nito ay magpapakasal ka kay Logan. Ngayon ay kumpirmasyon at pirma mo na rin lamang sa kontrata ang kulang upang tuluyang maisagawa ang plano.” ani Mr. Montgomery sa mas nangungumbising tono.
Natulala siya. Hindi siya makapaniwala. Simula bata pa lamang ay lagi nang inihahabilin sa kanya ng ama na kapag umabot lamang siya ng edad na bente-singko ay saka lamang siya nitong papayagang magkanobyo at mag-asawa, not in high school, not in college, kaya nga kahit ilang taon na rin silang magkasintahan ni Allan ay hindi niya nagawang ipakilala ang huli sa pamilya dahil natatakot siyang ma-disappoint niya ang expectations ang kanyang ama, kahit kailan ay hindi pa naman nito nagawang i-disappoint silang pamilya nito dahil sa inakala niyang mga accomplishments at magaling na pamamahala nito sa kanilang negosyo. She never thought that the last person she expects to disappoint them will also be the first person who will drag them down like this!
'Ni hindi niya inisip kailanman na aabot siya sa sitwasyong tulad nito dahil akala niya'y hinding-hindi sila pababayaan ng kanyang ama.
“Alam naming hindi ito magiging madali para sayo, Ingrid hija, that's why we'll give you enough time to think for our family's offer.” mabait na sinabi ng babaeng Montgomery.
Yumuko siya at ikinuyom ang mga kamao sabay pikit ng mariin. “Nakapagdesisyon na ako, hinding-hindi ako magpapakasal sa isang Montgomery.” siguradong pahayag niya.
Yes, she's a hundred percent sure na hindi siya magpapakasal kay Logan. Si Allan na tanging lalaking laman ng kanyang puso ang siyang lalaking pakakasalan niya at wala nang iba pa!
“Hija, nabibigla ka lang siguro kaya nasasabi mo iyan. Look, think about it seriously, hindi basta-basta ang ino-offer naming tulong sayo.” nag-aalalang sabat ni Mr. Montgomery.
‘Tulong? Tulong na may hinihinging hindi birong kapalit? Tulong your face!’ Ismid niya sa kanyang isipan.
Umiling ulit siya sa mag-asawa. “No, I'm sorry pero hindi po talaga ako magpapakasal sa anak ninyo.”
“But, hija-“
She cut off the woman. “I said no! I will not gonna marry your son! No! No! NO! NEVER! Aahhh! NO!”
“Ingrid! Ingrid, wake up now, honey...”
Pawis na pawis siyang awtomatikong napabangon sa kama dahil sa nagbabalik tanaw na nakaraan sa kanyang panaginip.
Naramdaman niya ang paghagod sa kanyang likod ni Logan na ngayon ay alalang-alalang nakatitig sa kanyang mukha habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
“Binabangungot ka.” wika nito.
Kaagad na marahas niyang iwinakli ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanya. “Don't you dare touch me!” paasik niya.
Kasalanan nito at ng pamilya nito kung bakit siya binabangungot ng masalimot na nakaraan kaya walang ibang dapat sisihin dito kundi itong lalaking ito mismo!
“As much as I remember, hindi kailanman ako nagbigay ng permiso sayo na pwedeng kang pumasok dito sa kwarto ko.” malamig pa niyang sinabi.
“Narinig kitang sumisigaw kanina kaya nag-alala ako at pinuntahan kita agad dito. I'm sorry kung hindi mo nagustuhan ang basta ko na lamang na pagpasok. I just want to make sure that you're okay.”
“Mas magiging maayos ako kung lalabas ka na rito ngayon din mismo.”
“But I'm worried about you that's why I want to stay so please-“
“I said just get the f*****g out of here, Logan! Anong mahirap intindihin do'n? Mahirap ba talagang intindihin na mas mapapanatag nga ako kung hindi kita kasama at nakikita!” she highered her voice this time.
Talaga namang nakakainit ng ulo! College graduate naman ito ngunit parang ang bobo nito na hindi makaintindi sa isahang salita lamang!
Napahilot siya sa kanyang sintido ng wala sa oras dahil pakiramdam niya'y sasakit pa bigla ang kanyang ulo dahil dito. Stupid, Montgomery!