TULIRO at wala siya sa sarili nang mga oras na iyon. Iniisip niya kung sasabihin ba sa biyenan ang nangyari sa anak nito pero mas inisip niya ang kundisyong medikal ng matandang Vasquez. Batid niyang karapatan nitong malaman ang nangyari pero siguro'y mas mabuting makita muna niya ang lagay ng asawa. Dahan-dahan niyang inilipat sa nursery room si Tracey kung saan natutulog din ang yaya nito. Umiiyak siya habang binibilinan ito sa mga dapat gawin habang wala siya. Sa ibaba ay eksakto naman na nagkukwentuhan pa ang isang gwardiya at si Manong Kael na driver ng Mama ni Arnie. Sinabi niya rito ang nangyari at mabilis pa sa alas kwatro ay lumalabas ng nang bakuran ang kotseng lulan siya. Pagdating sa ospital ay akma siyang magtatanong sa information kung nasaan si Arnie nang bigla siyang mat