EKSAKTO kadarating sa bahay ay nadatnan siya ni Arnie sa sala. Dala ng halo-halong iniisip ay hindi niya napansin na nakapasok na ito at ngayon ay nasa harapan na niya. Tulala siyang nakatitig sa sahig habang sapo ng kanyang dalawang palad ang kanyang buong mukha. Sa isip ay umuukilkil ang mga naganap kani-kanina lamang. Nagpapasalamat na rin siya at mukhang hindi naman nalaman ng biyenan ang kanyang pag-alis. "Sweetheart? Jesus! Bakit gising ka pa?" Bahagya pa siyang nagulat nang magsalita ang asawa. Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito na halatang nagulat dahil dinamba niya ito ng mahigpit na yakap pagkatapos. "Babe, mabuti na lang talaga at safe ka! Sobrang nag-alala ako sa 'yo." Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at doon ay pinalaya niya ang damdamin. Umiyak siya sa dib