Jazmine’s POV
Hindi ko kaagad tinanggap ang kamay ni Zeke na ngayon ay nakalahad pa rin sa aking harapan. Saka ko na iyon tinanggap nang lumipas ang ilang sigundo. Tiningnan ko ang mga mat anito at seryoso pa rin itong nakatingin sa akin. Hindi ako sanay sa mga titig niya sa akin.
Ilang taon na rin kaming magkakilala ni Zeke. Ilang taon na kahit pa noong hindi pa kami nag-aaral ay kasama ko na siya sa paglalaro sa hacienda. Mula noong nagsimulang magtrabaho si nanay sa hacienda ay nakilala ko na rin si Zeke doon at siya lang ang tanging kalaro ko na nagtagal at hindi ako iniwan kahit pa sa katayuan ko sa buhay. Hindi siya bumabase sa kung ano ka man at masaya akong nakilala ko siya.
Ang nanay ni Zeke ay isa sa mga trahante sa hacienda kaya doon na rin kami nagkakilala pa ng husto. Doon na kami nagkakasama nang matagal.
“Sabi ko sa’yong matuto kang lumaban, eh…” wika nito saka mabilis na kinuha ang bag ko at ibinigay iyon sa akin. Hindi pa rin niya inalis ang mga tingin niya sa akin at nanatili pa rin ito sa aking mga mata.
“Zeke…” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Siguro sa sobrang takot kaya ko nagawang yakapin siya. Niyakap ko siya sa higpit ng aking makakaya. Ilang beses na akong nabully sa paaralang ito pero ngayon ko lang naranasan ang ganoon karhaas. Ngayon lang ako natakot nang husto na kung hindi dumating si Zeke ay hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kung sakali. Malaki ang pasasalamat ko at dumating siya kung hindi ay tuluyan na siguro nila akong saktan.
“Paano kung wala ako? Sino ang magtatanggol sa’yo? Ha, Jazz?” wika nito pero hindi ko muna pinansin ang mga sinasabi niya gayong patuloy pa rin sa pagpatak ang mga likido sa aking mga mata. Sa takot.
“Bakit sila ganoon, Zeke? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila, ah? Bakit nila ako sinasaktan?” hagulgol na wika ko habang si Zeke naman ay marahang hinahaplos ang aking likuran na alam kong upang maibsan ang takot ko kahit papaano.
Hindi siya kaagad sumagot sa sinabi kong iyon sa halip ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya. Nasa dalawang mga mata ko ngayon ang kanyang atensyon habang ako ay ganoon rin. Patuloy pa rin sap ag-agos ang aking mga luha kaya hindi ko siya ganoon kalinaw na matingnan. Hindi rin nagtagal ay pinalis rin niya ang mga likido sa aking mga mata gamit ang kanyang hinalalaki.
“Kulang sila sa pansin, Jazz. Saka hindi na mauulit ‘yon. Ako an bahala,” malamig na wika nito na animo’y may plano siyang gawin sa likod ng binitawan niyang salita sa akin. Napatingin tuloy ko lalo sa kanyang mga mata.
“A-ano ang gagawin mo? Zeke, ayaw kong mapahamak ka,” wika ko.Kilala ko si Zeke. Alam kong wala siyang kinatatakutan at kailanman ay hindi siya mapipigilan kaya kinakabahan ako sa posible niyang gagawin kung sakali at ayaw kong makagawa siya ng masama dahil lang sa nangyaring iyon sa akin. Ayaw kong ako an magiging dahilan para maging masama siya.
Ngumiti ito sa aking harapan. Hindi ko alam kung bakit nappagaan ng mga ngiti niyang iyon ang pakiramdam ko. Noon pa man ay ramdam ko na iyon. Sa tuwing umiiyak ako ay siya ang nagpapagaan ng loob ko. Siguro dahil komportable lang ako sa kanya. Siguro komportable lang akong kasama siya kaya naging isa na rin siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
MATAPOS ang pangyayaring iyon ay hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa mga sigang iyon. Ni isang beses ko ay hindi ko na sila nahagilap pa. Hindi ko na sila napansin pang dumaan sa hallway kung saan nangyari ang pananakit nila sa akin. Hindi na rin ako iniwan ni Zeke. Tuwing breaktime ay siya na mismo ang sumundo sa akin para magkasabay na kaming tumungo sa canteen at tuwing tanghali naman ay magkasabay kaming kumain sa canteen.
Ilang taon na rin kaming nagkakilala si Zeke at sa haba ng taong iyon ay para ko na rin siyang kapatid. Bawat kaganapan sa buhay ko ay alam niya at ganoon rin siya sa akin. Kilala namin ang isa’t-isa. Mula sa mga hilig namin, kahinaan, kung saan kami takot at ang mga paborito naming gawin at makakain.
Labing-dalawang taon pa lang kami ngayon ni Zeke pero seryoso na kami sa mga bagay-bagay. Hindi tulad ng ibang kabataan ay pag-aaral ang inaatupag namin ni Zeke. Kailanman ay hindi kami naging parte ng mga masasamang gawain sa paaralan at kailanman ay wala sa isip naming na gawin ang mga iyon. Ang iahon sa mahirap ang aming pamilya ang tanging gusto naming makamit at pinapangako namin sa isa’t-isa na magkasbay naming tuparin ang mga iyon.
“Zeke! Tingnan mo!” masigla akong humakbang papunta kay Zeke bitbit ang isang makapal na papel kung saan nakasulat ang marka ko sa taong ito. Masaya ko iyongb pinapakita kay Zeke lalo pa at nangangako pa naman akong hindi magkaroon ng 70+ grades. Masaya na ako sa average na 89.
Masaya kong inilahad sa harapan ni Zeke ang aking marka. Nakangiti niya iyong tiningnan. Hindi ko alam kung anong meron sa ngiti niyang iyon na para bang may kumikiliti sa kanyang katawan.
“Ang taas hindi ba? Patingin naman ng s aiyo Zeke!” wika ko. Hinawakan ko pa ang balikat ni Zeke saka iyon niyog-yog para kumbinsihin siyang ibigay sa akin ang kanyang marka. Madalas kasi hindi niya iyon pinapakita sa akin at hindi ko alam kung anong meron at bakit hindi niya pinapakita sa akin ang kanyang marka habang sa akin ay alam naman niya.
“Huwag na, Jazz. Ang taas ng marka mo, ah?” ngiting wika nito sa akin. Ako naman ay patuloy pa rin sa pagkumbinsi sa kanya na ibigay sa akin ang kanyang marka pero parang wala naman siyang balak na ibigay sa akin kaya tumigil na lang ako sa pagkumbinsi sa kanya sa halip ay tumayo ako nang matahimik sa harapan niya at hindi na ako nagsalita pa sa harapan niya.
Tiningnan ko siya sa mata. Nang mapansin niya akong tahimik na ngayon sa kanyang harapan ay saka na niya ako binalingnan ng tingin. Pinigilan ko ang aking emosyon at nanatili na lang na seryosong nakatingin sa kanya na animo’y malaki ang pagtatampo sa kay Zeke.
Hindi siya nakatiis. Siguro napansin niyang tahimik na ako ngayon kaya naalerto siya. Umiling pa siya saka niya binuksan ang bag nito at may kinuha siya roon na alam ko na naman kung ano. Hindi pa nga niya ibinigay sa akin ay kusa ko na iyong kinuha mula sa kanyang mga kamay.
Napatahimik ako nang makita ang mga marka ni Zeke. Napawi tuloy ang ngiti ko habang inisa-isa ko iyong pinagmasdan.
“Bakit ang tataas ng marka mo Zeke? Paano ba magkaroon ng ganito?” wika ko habang hindi ko maiwasang ikompara ang mga marka ko sa mga marka niya.
Wala kang makikitang 80+ sa marka niya at lahat iyon ay 90+. Hindi ko man gusto pero hindi ko maiwasang ikumpara ang marka ko sa marka niya. Sa bagay ay matalino naman talaga itong si Zeke. Mula grade 1 hanggang ngayong grade 5 na kami ay lagi siyang nasa unahan sa ranking at ni isang beses ay wala pang nakakatalo sa kanya. Aktibo siya sa lahat, mga sports at mga pa-contest rito sa paaralan. Kaya nga malapit siya sa mga guro at is ana rin siguro iyon sa dahilan kung bakit isa siya sa kinatatakutan sa paaralang ito dahil iyon ay malakas ang koneksyon niya sa mga guro dahil sa katalinuhan na mayroon siya.
“Akin na nga!” mabilis niyang hinablot sa akin ang papel kung saan nakasulat ang kanyang mga marka. Nang maipasok iyong muli sa kanyang bag ay saka niya ako pinagmasdang muli sa mata. “Sabi ko sa’yong huwag mo nang tingnan. Matataas naman talaga ang marka mo, Jazz. Hindi naman malayo ang mga marka natin kaya okay lang,” wika nito sa akin. hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano ko mararating ang mga ganoong marka.
Pero hindi na ako umaasang magkaroon ako ng mga ganoon sa marka ko. Iba si Zeke, matalino siya habang ako ay masipag lang. Nasa kay Zeke na ang lahat, talion, tapang at kabaitan habang ako ay hindi ko alam kung anong klaseng talino ang mayroon ako. Ni kaya ng ani Zeke na magsalita ng ingles habang ako ay hindi man lang alam kung paano magsalita ng ingles kahit pa simple lang.
Sa edad n Zeke ay alam kong marami na siyang alam sa buhay. Sa edad na mayroon siya ay alam kong marani na siyang pwedeng gawin. Ni kaya nan ga niyang sagutin ang mga tanong at mga assignments nang hindi humihingi ng tulong sa iba. Kaya na niya ang sarili niya pagdating sa pag-aaral. Kaya na niyang harapin ang problema at lutasin iyon.
Magkaedad lang kami ni Zeke pero alam kong mas marami pa siyang kayang gawin kumpara sa akin na puso na lang nakadepende sa ina. May mga bagay siyang hindi nagagawa ni nakakatanda sa amin. Sa katalinuhan na taglay ni Zeke ay alam kong malayo ang mararating niya at alam kong masaya na akong makita siyang nagtagumpay sa buhay.
“Anong gusto mo? Ililibre kita,” ngiting wika ni Zeke.
Huminto kami ngayon sa isang kainan sa gilid ng kalsada. Iba’t-ibang klaseng isaw ang nandito at iba pang pagkain na minsan na rin niyang binili sa akin.
“Kaya mong bumili?” tanong ko. Hindi ko rin alam kung saan na naman siya nakakuha ng pera gayong alam kong hindi pa naman araw ng pasahod sa hacienda kaya alam kong hindi pa nakasahod ang mga magulang namin doon.
Ngumiti siya. Hindi niya kaagad ako sinagot sa halip ay mabilis niyang kinuha ang mga barya sa bulsa nito saka mabilis iyong ibinigay sa nagtitinda. “Dalawang tempura po saka isaw…” wika nito saka muling bumaling sa akin.
Nagulat ako sa binili niya. Nakangiti pa rin itong nakatingin sa akin habang ako ay seryoso pa rin nakatingin sa kanya. Hindi ako titigil hanggang sa hindi niya sasabihin sa akin kung saan nanggaling ang perang ginagamit niya pambili ng pagkain ito.
“Ano? Ayaw mo ba?” tanong nito sa akin. Hindi pa rin nawala sa ekspresyon ko ang pagkakaseryoso at kailanman ay wala akong balak na baguhin iyon hanggang sa sasabihin niya kung saan siya nakakuha ng pera.
Hindi nagtagal ay ibinigay rin ng tindero ang sinabi ni Zeke; dalawang pirasong tempura at isaw. Ibingay niya sa akin ang isa sa mga iyon. Sa halip na tanggapin ko ang mga pagkaing nakalahad ngayon sa aking harapan ay nakatitig lang ako doon saka muli akong bumaling kay Zeke, sa mga mat anito.
“Hindi ko kakainin ang mga ‘yan Zeke hangga’t hindi mo sasabihin sa akin kung saan galing ang pera mo…” iniwasan ko pa siya ng tingin na animo’y nagtatampo sa kanya. Hindi ko rin pinakita sa kanya ang totoo niyang nararamdaman at pinili kong maging seryoso para na rin maniwala siya sa akin.
“Incentive to, Jazz. Sa pagiging honor student ko… Ayaw mo? E, ‘di huwag,” akmang ilalayo n asana ni Zeke ang mga pagkain sa harapan ko pero mabilis ko rin iyong pinigilan dahilan para mapahinto siya.
“Teka! Ang labo mo kasi. Hindi mo man lang sinabi sa akin kanina,” mula kay Zeke ay bumaling ang mga tingin ko sa mga pagkain sa kanyang hawak ngayon. Hindi ko maiwasang mapalunok ng sariling laway lalo pa at medyo gutom na rin ako. “Akin na nga!” mabilis kong inagaw ang tempura saka isaw na nasa mga kamay ni Zeke.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa, ako na mismo ang naunang maglakad kay Zeke.
Ganito kami palagi, kung may bagay siyang hindi sinasabi sa akin ay kunwari dinadaan ko sa tampo hanggang sa sasabihin na rin niya sa akin ang totoo. Zeke is my good and closed childhood friend at parang mas higit pa yata sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Naging parte na rin siya ng aking pang-araw-araw na buhay. I am so blessed to have Azequil in my life.