Azequil’s POV
She’s helpless and I am brave. She’s not that smart and I am genius. Minsan nga hindi ko maiwasang isipin kung bakit malapit ang loob naming ni Jazmine sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung bakit kami nagkakasundo gayong malayong-malayo ang personalidad namin sa isa’t-isa. Siguro dahil sa masaya lang kaming kasama namin ang isa’t-isa. Siguro dahil masaya lang kaming pagsaluhan ang mga oras nang kami lang dalawa.
“Zeke, ano ba ang ibig sabihin nito?” si Jazmine. Hindi kaagad ako bumaling sa kanya gayong seryoso pa akong nakatingin sa libro at tinapos ko muna ito sa pagbabasa bago bumaling kay Jazmine.
Seryoso lang itong nakatinin sa akin. Mula sa mga tingin nito ay halatang nahihirapan talaga siyang pag-aralan ang kung ano man ang binabasa niya sa puntong ito.
“Ano ba ‘yan?” tanong ko kasabay ang pagbaling ko sa hawak na notebook ni Jazmine at nang makita ko ang nakasulat roon ay alam ko na kaagad kung ano ito. Mathematics.
“Math…” mahinang sambit nito. May halong pagpapacute sa boses ni Jazmine habang sinasambit ang mga katatagang iyon. Na alam kong hindi niya talaga kakayanin kung wala ako.
“Madali lang naman ‘yan, Jazz. Hindi ka ba nakikinig sa discussion ng guro tungkol diyan?” tanong ko nito. Wala lang, gusto ko lang siyang inisin sa pamamagitan nito. Gusto ko lang siyang asarin muna bago ibigay ang gusto nito.
“Hindi ko nga kaya… Tssssk, huwag na nga lang kung ayaw mio!” mabilis na bumaling muli si Jazmine sa kung saan siya nakatuon kanina; nasakanda sa malaking puno habang bumalik na lang sa pagbabasa =sa notebook na hawak nito.
“Akin na… Ang dali-dalil lang naman nito!” wika ko saka muling kinuha ang notebook miula sa kanyang mga kamay gayong alam kong nahihiya lang naman siyang pilitin ako at pianairal pa talaga ang inis at galit.
Kaagad kong tiningnan ang notebook ni Jazmine. Doon ay kitang-kita ko kung magkano madalas ang mark niya sa mga assignments niya doon. Hindi ko maiwasang isipin na talagang mahina nga talaga siya sa mathematics. Sa numbers at problem solving.
Mula sa notebook ni Jazmine ay muli akong bumaling sa kanya. Doon ay seryoso ko siyang tiningnan na ngayon ay ibang notebook na naman ang binabasa. Sa tahimik at walang pagdadalawang isip ay kinuhako ang notebook na naging laman ng atensyon niya sa puntong ito saka iyon itinabi sa kung saan medyo malayo sa kanya.
Nanaliit ang mga mata ni Jazmine sa ginawa kong iyonn. Matulis niya pa akong tiningnan na para bang akakinin at patutunawin sa mga titig niya sa akin ngayon.
“Ano ba Zeke! Kitan may ginagawa ang tao, oh!” inis na samnit nito.
“Jazz, hindi pwedeng ako na lang palagi ang sasagot sa mga tanong na ibibigay iyong test paper. Paano kung wala ako? Sino ang tutulonh sa’yo para sagutin ka, ah?” kalmado lang ang boses mo na pinakawalan kko.
“Mahina talaga ako sa math, Zeke,” siubukan kong hilahin si Jazmine pero nagpumilit pa rin itong sagutin ang mga test papes nito kahit pa wala namang kasiguruhan. Siya na mismo ang nagsabing mahina siya.
“Ikaw na mismo ang nagsabing hindi ka ganoon kaglaling sa math kaya nga nandito ako para alalayan ka. Nanaito ako ako para handang magbigay ng advice kung sakali.
“Ewan ko sa’yo… Sabing ang hina ko sa math, eh!” wika nito, nangingilid pa rin sa mga labi nito ang inis ast galit dahil sa sinabi kong iyon. Hindi pa rin nawala ang pagiging seryoso ng aking mga tingin sa mukha.
“Hindi pwede, Jazz. Paano kung wala ako sa tabi, paano mo iyon sasagutin?” tanong ko. Mula sa pagtiingin ko sa hawak kong notebook na galing pa kay Jazmine ay bumaling ulit ako sa kanya. “Tuturuan kita, Jazz,” wika ko saka ko inilahad muli ang notebook sa damohan at nagsimula nang titigan si Jazmine. Hindi na ako naghintay pa na bigyan niya ako ng permiso na gawin iyon; kaagad ko na rin kinuha ang ballpen ko saka ko kinuha ang kamay niya at inilagay ko mismo doon. I then look at her eyes saka siya seryosong tingnan.
“Focus your attention on the paper, Jazz. Not in me,” mahinang tugon ko. Seryoso ang boses ko. “The topic is called Geometry. It is a branch of mathematics that studies the sizes, shapes, positions, angles and dimensions of things…” wika ko pa. Huminto ako para tingnan kong nakikinig ba sa akin si Jazmine at nakahinga naman ako nang maluwang nang makitang sa akin nakatuon ang atensyon nito. Buti na lang dahil kung hindi ay tiyak na hindi ako magdadalawang isip na pagalitan na naman ito. “Flat shapes like squares, circles, and triangles are a part of flat geometry and are called 2D shapes. These shapes have only 2 dimensions, the length and the width.” Pagpapakilala ko pa kay Jazmine sa paksang kinalilituhan niya. Ngayon ay bumaling ako sa mga tanong na nakasulat sa papel at doon ay nakasaad na ang formula at tanging gagawin na lang ay ang i-substitute ang mga iyon.
Tsssk, sobrang dali lang naman nitong tanong at ewan ko kung bakit nahihirapan si Jazmine na sagutinn ito.
“Alright,” tumingin ako kay Jazmine. Kitang-kita ko sa mga mata nito na nahihirapan talaga itong gawin ang assignments niya kaya isinantabi ko na muna ang iniisip ko at nagpokus na lang muna sa kay Jazmine. “Depende sa shape ang formula niyan, Jazz at kung ano ang hinahanap; kung Parameter ba o Area. Kung triangle ay ganito,” isinulat ko ang bawat formula sa scratch paper na mayroon siya.
Inisa-isa kong pinapaliwag kay Jazmine ang bawat parte ng formula. Siguro naman ay makukuha na niya ang ibig kong sabihin lalo pa at malinaw naman ang pagkakaoturo ko sa kanya sa mga iyon.
“Ito? Paano ‘to?” tanong niyang muli sa akin. Nakaharap na ako ngayon sa aking libro pero kaagad ring napabaling muli sa kay Jazz nang tanungin niya naman ako.
Hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko nang tingnan kong muli ang mga sagot niya.
“Mali naman ‘yan, Jazz! Akala ko ba naintindihan mo na?” kinuha kong muli ang notebook siya saka ko iyon binasa nang malinaw.
“Ginawa ko naman ang mga sinabi mo, ah?” wika nito na animo’y kasalanan ko pa kung bakit siya nagkakamali.
“Tsssk, ewan ko sa’yo. Akin na nga!” kinuha ko ang ballpen na hawak niya.
“Teka! Akala ko ba tuturuan moa ko?” wika nito habang sinusubukang agawin muli ang ballpen at notebook nito na nasa akin na ngayon pero ako na mismo ang umiwas doon.
“Aabutin tayo ng gabi rito, Jazz kung ikaw ang gagawa. Puro naman mali ang ginagawa mo, eh!” wika ko saka walang kahirap-hirap na sinagutan ang assignment niya.
Sabado ngayon at walang pasok. Nasanay na rin kami na sa puno na ito nakasilong habang dala-dala ang aming mga assignments at iba pang kailangang gawin para sap ag-aaral. Ito na rin ang nagsisilbing libangan namin ni Jazz sa hacienda habang hinihintay ang mga magulang namin na matapos na umuwi.
Minsan ay hindi ko maiwasang mapagod sa kakaturo kay Jazmine pero may mga bagay talaga na hindi niya kayang gawin habang ako ay walang kahirap-hirap ko lang na ginagawa. Mahina siya sa math at naintindihan ko iyon. I am trying to teach her pero sa tuwing napapagod na ako sa kakaturo habang siya ay hindi naman naintindihan ang tinuturo ko kaya ako na lang mismo ang sumagot sa mga assignment niya para na rin hindi na mas lalong hahaba ang oras namin. At para na rin mapadaling matapos ang ginagawa namin.
Ilang beses na akong nanalo sa mga patimpalak sa paaralan. Mula sa literary contest, sports, academic quizzes ay nasaluhan ko na ni isang beses ay hindi ko sila nagawang biguin. Maraming pribadong paaralan ang nag-offer sa akin para doon mag-aral nang libre pero tinanggihan ko iyon. Ayaw kong magkahiwalay kami ni Jazmine. Di na baleng sa paaralan na ito ako mag-aaral at tanggihan ang mas magandang oportunidad magkasama lang kami ni Jazmine. Siya lang ang tanging nanatili sa tabi ko. Paano na siya kung wala ako. Ano ang gagawin ko kung wala siya? Naging parte na siya ng buhay ko at kailanman ay hindi ko ipagpapalit ang kasiyahan habang kasama ko ang kababata kong si Jazmine.
“Ikaw ba, Zeke? Ano ba ang pangarap mong maging paglaki mo? Ako gusto kong maging nurse o hindi kaya accountant. Ikaw ba?” si Jazmine.Sabado na naman ngayon at nasa ilalim na naman kami ng malaking puno na ito at tulad ng palagi naming ginagawa ay hinay-hinay naming ginagawa ang aming mga assignments.
“Hmmm,” umiling ako. Isa lang naman ang gusto kong maging at iyon ay ang alam kong magpapabago ng buhay ko. Ang buhay na nakinagisnan na rin naming at gusto kong baguhin iyon at sa ganoon ay maramdaman naman nina nanay kung ano ang pakiramdam ng masaya at masaganang buhay. Iyong hindi na nila kailangang magtrabaho para buhayin kami. Iyong nasa bahay na lang sila at aalagaan na lang ang kanilang sarili.
“Engineer, Jazz. Gusto kong maging engineer,” wika ko. Nasa malayong parte ako ng malawak na lupain na ito nakatingin. Para na rin makapag-isip ako nang maayos.
“Bakit naman Engineer?” tanong nito sa akin. Hindi ko maiwasang bumuntong hininga at hindi kaagad sinagot ang tanong na iyon ni Jazmine.
“Gusto kong bigyan ng maganda bahay sina mama at mga kapatid ko, Jazz. Hindi iyong mananatili lang kami sa bahay na iyon. Maraming butas, pinalilibutan ng maraming bahay, mabaho at masikip. Gusto kong biyan ng matiwasay na buhay ang nanay at ang ang kapatid ko,” wika ko. Mula sa malayong parte nitong lupain ay bumaling muli ako kay Jazz. “Ikaw ba, bakit gusto ming maging nurse o accountant?” tanong ko pabalik kay Jazmine. Gusto ko rin malaman kung ano ang balak niya a kung bakit iyon ang napili niyangg maging sa paglaki niya.
“Wala lang. Matanda na kasi si nanay kaya kung sakaling maging nurse ako ay ako na ang mag-aalaga sa kanya sa hospital. Kung hindi naman pwede ay accountant na lang kasi gusto kong magkaroon naman kami ng maraming pera. Iyong makakabili ng masasarap na ulam…” wika nito na siyang nagpapakunot ng aking noo.
“Pwede ba iyon sa pagiging accountant? Ang kumuha ng pera?” tanong ko. Hindi pa rin nawala sa mukha ko an nakakunot na oo.
“Siguro? Hindi ba nasa banko ang accountant? Saka malaki ang sahod no’n, Zeke…” wika nito.
Hindi ko maiwasang mapangito. Labing dalawang taon na kami ni Jazmine pero hindi kami tulad ng maraming kabataan na puro laro lang ang inaatupag. Iba kami, nakapokus kami sa aming mga pangarap. Wala kaming ibang hinangap pa kung hindi ang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya at kailanman ay hindi na maghihirap pa. Na mabigyan ng magandang buhay ang mga kapatid ko at ang hindi maranasan ang mga paghihirap ng mga magulang namin ngayon sa mga susunod na henerasyon sa aming pamilya.
“Tutuparin natin ang mga iyon Zeke ah?” wika ni Jazmine. Ngumiti akong nakatingin sa kanya ngayon. She’s smiling too.
“Promise. Sabay nating tutuparin ang mga pangarap nating iyon. Jazz. Sabay nating iaahon ang pamilya natin,” ngiting wika ko kasabay ang pagbaling ko sa kanyang kamay na bigla na lang niyang inilahad sa akin.
She then revealed her little finger saka iyon inabot sa akin. “Promise?” ngiting tanong nito sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti pa nang malawak sa ginawa niyang iyon.
I showed my little finger saka ko ito inagat at pinagdugtong sa daliri niyang alam kong para mas lalo pang maging solido ang pangako naming iyon.
“Yeheeey!” masayang wika ni Jazmine.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kaming ganito ni Jazmine pero isa lang naman ang tanging alam ko at iyon ay ng hindi ko hahayaang paglalayuin kami ng panahon. Mananatili kaming magkasama hanggang sa makamit namin ang mga pangarap naming.
Tutuparin ko ang mga pangarap ko kasama ang kababata kong si Jazmine…