Azequil’s POV
Magkasabay naming natapos ni Jazz ang elementary at tulad ng nasa plano namin ay magkasabay rin kaming nag-enroll sa malapit sa high school sa aming lugar. Maraming pribadong paaralan ang nag-offer sa akin. Iyong iba pa nga ay mamahalin at social at high class at lahat sila ay nag-offer sa aking ng libre at wala ni piso ang babayaran pero hindi ako nawiling tanggapin ko iyon ast kailanman ay hindi ako magkakainteres sa mga iyon.
We promised each other to stay in our side. Pinangako namin sa isa’t-isa na kailanman ay walang lalayo sa amin at kilanman ay wala akong balak na biguin ang mga plano naming iyon. Wala akong balak na layuan si Jazz.
“Tapos ka na ba?” tanong ko kay Jazz. Akmang hahakabang na sana ako papalayo sa kanya pero kaagad niya akong pinigilan.
“Wait Zeke. Huwag mo akong iwan dito. Hindi pa ako tapos,” hinawakan ni Jazz ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa paghakbang at aalis na sana.
Kakatapos ko lang na magpaenroll ast hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit natagalan ang isang ito sa pagfill-up ng form.
“Bilisan mo nga, Jazz. Kahit kailan ka talaga. Magbago ka na. Hindi pwede ang mga ganyang kilos sa high school,” wika ko. At para na rin malaman niya kung paano at ano ang kalakaran sa high school na siyang ibang-iba sa elementary.
Ilang oras rin ang ginugol bago kami matapos na magpaenroll sa paaralan. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at kaagad na rin bumalik sa hacienda at para na rin kumain.
“Rinig ko marami raw sections ang high school, Zeke.” Wika nito.
Napabaling ako kay Jazz nang sabihin niya iyon sa akin. I look at her eyes at sinubukang basahin ang kung ano man ang nasa isipan niya pero hindi ko magawa. Sana nga lang tama ako ngf iniisip. Sana tama ako ng hinalang iniisip niya sa puntong ito.
“Bakit?” malalapad ang ngiti ang bumabalot sa aking mga labi habang sinasambit ko ang mga katatagang iyon.
“Paano kung hindi tayo magkakasama sa iisang section? Paano kung hindi tayo classmate? Zeke…’’ hindi ko na siya hinintay pang makatapos sa sinasabi niya at mabilils rin akong nagsalita.
“Ganoon naman talaga ‘yon, Jazz. Ang importante ay magkakasama tayo sa iisang paaralan. Magkasama tayong kumain sa canteen at tanghalian at magkasabay na umuwi,” wika ko. Napatigil ako nang tumigil rin si Jazz sa paghakbang. Hindi ko alam kung bakit siya tumigil sa paghakbang. Hindi ko alam lalo na ngayong nakatingin na siya sa akin at kailanman ay wala akong ideya kung bakit niya iyon ginagawa sa harapan ko.
Sa isang iglap ay nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang mabilis niyang pagyakap sa akin. Sa sobrang gulat ko ay hindi na nga ako makagalaw sa kinatatyuan ko ngayon at tanging nagawa ko lang ay ang hayaan siyang yakapin ako.
“Salamat Zeke. Salamat at kailanman ay hindi ka umalis. Na kailanman ay hindi mo binigo ang mga pangako natin sa isa’t-isa. Salamat at nandito ka pa rin sa tabi ko,” wika nito. Hindi ko alam kung bakit siya naging emosyonal siya. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito siya.
Sa haba ng panahon naming pagkakilala ay ngayon lang naman siya nagkakaganito.
Hindi ako kailanman gumalaw sa halip ay inilagay ko na lang ang mga palad ko sa likuran niya saka siya niyakap pabalik. I can now feel her presence in my body. Ang init na hatid nito na alam kong may kakaibang hatid sa akin.
Ito ang unang beses na ginawa niya sa akin. Labing-apat na taon pa lang kami kaya wala pa kaming puwang sa mga ganitong bagay pero habang nakayakap siya sa akin ay hind ko maiwasang maramdaman ang kakaibang bagay na bigla na lang namumuo sa akin katawan.
O baka ako lang ito at wala lanng sa kay Jazz. Hindi ko alam.
I just let the moment ran through. Wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang yumalap sa kanya pabalik at ang hayaang maramdaman ang pakiramdam na alam kong bago ko lang naramdaman. Pakiramdam na alam kong hindi karaniwang nararamdaman sa isang magkaibigan lang.
Lumipas ang ilang linggo at tuluyan na ring sumara ang summer vacation namin. Oras na naman ng pasukan at tulad ng inaasahan ko ay nakahanda na ang lahat. Tulad ng karaniwang estudyante ay bago ang notebook. Papel, bag, ballpen at iba pang kagamitan sa paaralan. Sa puntong ito ay masaya na kami kahit ito na para bang mas lalo lang kaming ginaganahan sa pag-aaral. Na dahil sa ganito ay para bang mas lalo pang naging excitement ang pagpasok sa bagong taon ng pag-aaral at bagong paaralan na papasukan.
Unang araw pa lang ay magkasabay na kami ni Jazzmine sa pagpasok sa paaralan. Hindi naman ganoon kalayo ang paaralang ito mula sa hacienda kung saan kami nananatili kaya hindi na kailangang sumakay pa kami ng motor man o tricycle.
Hindi na ako nagulat pa nang dumating kami ni Jazmine sa paaralan at nang tingnan namin kung saang room ba kami mapupunta at kung saang section ba.
Sa section 1 ko nakita ang pangalan ko. Hawak-hawak ni Jazmine ang kamay ko ngayon; nasanay na rin ako sag anito at para sa amin ay wala lang ang mga ‘to. Kailanman ay hindi ko ito binibigyan ng malisya at kailanman ay hindi ko gagawin iyon. Lalo pa at kababata ko si Jazmine at hindi ako gagawa ng ikakasira sa relasyon naming nabuo mula pa noong kabataan namin.
“Zeke, iyon ang pangalan ko, oh!” sigaw ni Jazmine na kaagad namang nakuha ang atensyon ko. Mabilis ko ring ibinaling ang atensyon ko doon.
Nasa section 4 si Jazmine. Hindi ko alam kung bakit lumibot ang buong paningin ko sa section na iyon at hindi lang ang pangalan ni Jazmine ang tinatapunan ko ng atensyon.
27 male, 5 female. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang tainga ko sa namataan kong impomasyon.
How could them make a class thas has more boys than girls?
Napatahimik ako. Siguro napansin ni Jazmine ang biglaang katahimikan ko kaya tumingala ito at tumigin sa akin na para bang alam na niya kaagad na may kung anong nabubuo sa isipan ko ngayon na siyang nagpapabago sa aking emosyon.
“Bakit?” tanong nito sa akin.
“Wala. Tsssk,” wika ko nang hindi man lang sinagot ang tanong niyang iyon.
Hindi ko lang alam kung bakit at ano ang ikinabubuo ng galit kong ito ngayon. Naiinis lang ako sa tuwing nakikita ko ang class-mamber nila. Anong kaseng hatian bai to? Bakit mas lamang ang mga lalaki sa section nina Jazz?
Saka excited pa talaga siya, ah? Sa nakikita ko sa reaksyon ni Jazmine nang makita niya ang pangalan niya roon ay para bang excited oa talaga siyang pumasok sa ganoong klaseng room; more boys than girls.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ewan.
“Zeke, ano ba ang problema? Galit ka ba dahil hindi tayo magkasama sa iisag room? Hindi naman kasi pareho ang result ng exam natin. Mas mataas ang score mo kaysa ka akin kaya sa section 1 ka napunta,” wiika nito habang mabilis na humakbang para habulin ako pero hindi ko siya hinintay pa at hinayaan ko na lang siyang habulin ako.
Ito ang unang beses na maramdaman ko ang ganitong pakiramdam. Gusto kong pigilan at sugpuin habang maaga pa pero hindi ko maiwasan. Gusto kong uiwas pero hindi ko magawa.
Hindi ko maintinq21dihan ang sarili ko sa puntong ito. Sa tagal na naming pagsasama si Jazmine ay ngayon ko lang naman naramdaman ang ganitong pakiramdam. We’ve been childhood for almost 8 years at ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Pakiramdam na pati ako ay hindi ko man lang magawang ipaliwanag.
I look at her eyes. Alam kong nagtataka siya sa mga oras na ito kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit at ano ang mga dahilan kung bakit ako umaastang ganito.
Wala naman akong planong balak na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Wala at kailanman ay hindi ko gagawin iyon.
Tiningnan ko ang mga mata niya. Doon ay pinag-aralan ko ng mabuti ang bawat hugis nito.
Sa walong taon naming pagsasama sa iisang lupain, sa walong taon naming pagsasama ay hindi ko alam kung bakit bigla na llang nagbago ang mga tingin ko para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang paningin ko kay Jazmine. Pagtingin na alam kong ibang-iba na kumpara noong kabataan. Pagtingin na alam kong higit pa sa magakakaibigan.
Hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kay Jazmine. Wala na akong pakialam pa kung makaramdam man siya ng ilang dahil sa ginawa kong ito sa kanya. Siguro hinid naman niya iisipin na kakaiba ang pinapakita ko sa kanya. Alam kong kaibigan lang ang turing ni Jazmine sa akin kaya hindi ako gagawa ng bagay na alam kong magpapabago ng tabko ng relasyon namin.
“Anong klaseng mga tingin ba iyan, Zeke?” tanong nito sa akin. Hindi kaagad ako sumagot at nanatili pa rin nakatingin sa kanyang mga mata; pinilit ang sarili na makuha ko ang sagot sa mga tanong sa aking isipan.
Bakit siya? Bakit ganito? At bakit ngayon lang?
“Hindi ka makikihalibilo sa mga lalaki mong kaklase, Jazz. Iiwas ka sa kanila,” kalmadong wika ko. kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo ni Jazmine dahil sa sinabi kong iyon. Siguro naguguluhan siya sa mga sinabi kong iyo.
Lalo pa at nakakapagtataka ang mga kilos ko ngayon. Alam kong ngayon ko lang ito ginawa buong buhay ko kaya alam ko rin na ngayon lang niya ito napansin sa akin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit.
“Ba-bakit naman?” tanong nito. Mas lalo lang akong nainis nang bitawan niya ang mga katatagang iyon. Hindi ko rin alam kong bakit.
“Just do it, Jazz,” wika ko. Sinubukan kong umuling pero hindi ko magawa lalo pa at hinid ko maiwasang tingnan ang mga mata niya. Ngayon ko lang rin napagtantong maganda ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit sa haba ng panahon naming pagsasama ay ngayon ko lang iyon namataan.
“Bakit ba anong meron?” tanong nitong muli sa akin. Umigting na ang aking panga at hudyat na nito ang sobrang galit at inis.
“Dammit, Jazz. Just promise me to do it. Hindi tayo papasok hanggang hindi mo sinasabi sa akin iyon,” wika ko. Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Kanina pa ito nakapalupot sa aking mga kamay.
Hinndi niya kaagad binitawan ang mga katatagang gusto kong marinig mula sa kanya. Mas lalo langg tuloy nanuyo an aking lalamunan.
Mahirap bang sabihin iyon? Mahirap bang gawin iyon?
“Okay, hindi na…” wika nito makalipas ang ilang sigundo pananahimik. Hindi na ako nagsalita pa at nagssimula na akong maglakad papunta sa corridor sa grade seven buiding.
May anim na section ang grade seven. Nasa section 1 ako habang nasa section 4 naman si Jazmine. Medyo malayo ang room niya dahil may dalawang room pa ang namamagitan bago ko marating ang room ni Jazmine.
Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang iyon naramdaman kanina. Hindi ko alam lalo pa at unang beses ko lang iyong naramdaman buong buhay ko. Sa walong taon naming pagkakakilala ni Jazmine ay ngayon ko lang naman naramdaman ang bagay na ito.
Hindi ko alam kung bakit siya pa. Sa dinami-daming babae ay hindi ko alam kung bakit si Jazmine pa. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang. Sa ilang taon naming pagkakilala ay hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na ito.
Hindi ko man maipaliwanag pero isa lang naman ang alam kong sigurado ako at iyon ay ang bagay na hindi ko magawang iwasan…
Ang magkagusto sa babaeng matagal ko nang kakilala. Sa babaeng parang pamilya ko na rin kung ituring.
ANG MAGKAGUSTO KAY JAZMINE…