Jazmine’s POV Nagdaan ang ilang linggo sa high school at hindi ko alam kung bakit nagbago ang pakikitungo sa akin ni Zeke. Masyado na siyang mahigpit sa akin na animo’y anong oras ay gusto niyang ako ang nakikita niya. Na animo’y hindi na niya nais na malayo ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Gusto kong mag-isip ng anumang bagay at bigyan iyon ng kahulugan pero ayaw kong gawin lalo pa at alam kong kaibigan lang naman ang turing niya sa akin. Sa tagal na naming pagsasama ay alam kog pamilya na angg turing niya sa akin. Sa haba ng panahon naming pagsasama ay alam kong normal lang para sa kanya ang ituring ako sa mga ganitong pamamaraan. Alam kong hindi nab ago para kay Zeke na alagaan ako. Protektehan at pagbawalan sa anumang bagay pero alam kong sa puntong ito ay hindi na normal ang