Azequil’s POV ( T A O N G K A S A L U K U Y A N ) “After the operation, pwede na kayong umuwi. No overtime for today. Let our men rest,” wika ko sa assistant ko saka ako tumalikod at hindi na lumingon pa doon. Diretso ang lakad ko papunta sa sasakyan ko. Nang makapasok sa sasakyan ay kaagad ko rin itong pinaandar at hindi ko maiwasang mapatingin sa malayo sa harapan ng aking kotse. Kanina pa ako hindi makapag-isip ng mabuti. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang bumabagabag sa isipan ko. Ewan ko basta ang alam ko lang ay si Jazmine lang ang tanging laman ng aking isipan kanina pa at hindi ako makakapagpokus dahil doon. Napatingin ako sa aking cellphone at mula dito ay tanaw ko kung anong oras na ba. Alas singko y media na pala. Hindi ko na namalayan pa ang oras at malapit na palang