Jazmine’s POV Alas otso nan ng gabi nang makauwi ako ng bahay. Hindi sana papayag si Zeke na uuwi ako pero ako na mismo itong pumigil sa kanya. Pinilit kong umuwi lalo pa at alam kong may taong naghihintay sa pag-uwi ni Zeke. Papasok na sana ako sa bahay nang makita ko ang hindi pamilya na sasakyan sa bakuran. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo lalo pa at wala namang taong naglalakas loob na pumasok sa bahay ko pwera na lang kung… Mabilis akong napatingin sa aking cellphone. Wala namang text mula sa kanya kaya bihirang siya ito. Sa pagkakaalam ko ay malapit na ang uwi niya pero hindi hindi niya sinabing sa araw na ito siya darating. Mabilis ko na lang na ibinalik ang cellphone sa aking bulsa saka ko ipingapatuloy na lang ang aking paghakbang papasok sa bahay. Napahinto ako nang mam