Jazmine’s POV Nagdaan pa ang isang buwan naming pagsasama ni Zeke. Pinilit kong hindi maramdaman ang ilang sa tuwing magkasama kami pero hindi ko maiwasang maramdaman iyon. Alam kong iba na. Ibang-iba na sa dati. Hindi tulad ng dati na lahat ng ginagawa namin ay walang malisya. Hindi tulad dati na malaya naming nagagawa ang mga bagay bagay sa aming dalawa pero ngayon hindi na eh. Parang limitado na ang galaw namin. Kunting galaw lang ni Zeke sa akin ay hindi ko maiwasang isipin ang pinagtapat niya sa akin. Wala naman sigurong masama kung susubukan. Pero isa siguro sa dahilan kung bakit naiilang ako ay iyon ay kilalang-kilala ko na kasi si Zeke pero sa isang iglap ay magbabago ang lahat dahil lang sa pinagtapat niya sa akin. Hindi ko nga maiwasang malungkot sa tuwing iniisip ko ang mga n