Jazmine’s POV “Kaibigan… Sa kaibigan rin naman tayo nagsisimula, Jazz!” sigaw nito sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naproproseso sa isipan ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung ano ang mga kahulugan sa likod ng mga binitwan niyang mga salita. Ni kunti ay hindi ako makakuha ng ideya para doon. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Gusto kong mag-isip ng ibang dahilan. Dahilan na base sa mga inaasta niya nitong nakaraang linggo at buwan pero hindi naman pwede ‘yon. Ayaw kong mag-isip ng masama o iba sa taong matagal ko nang kakilala. Sa taong parang pamilya na rin ang turing ko at higit pa sa magkakaibigan ang turingan. Hindi pwede ang iniisip ko. Hindi naman siguro mararamdaman iyon ni Zeke. Pero hindi ko talaga ala