CHAPTER 23: Bruises LEIZER CHROLLO'S P.O.V Kinaumagahan ay agad din akong bumalik sa mansyon dahil nagpaalam sa akin si Rebecca na pupunta siya sa manager niya kaya naman ng makarating ako sa mansyon ng ala-sais ng umaga ay wala pa siya sa mansyon kaya naman dumiretso ako sa kwarto ko para maligo at magbihis ng pambahay at dahil nag-overnight ako sa pagtatrabaho sa opisina ay nagpasiya akong dito na muna sa bahay manatili. Natulog lang ako sa kwarto ko at nang magising ako ay saktong tanghalian na kaya naman umunat muna ako bago ako nagpasiyang bumaba sa sala at nang maglakad ako papunta sa kusina ay narinig ko na nag-uusap si Melissa at Ruth. "Ayos lang kaya si Angelia?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Melissa. "Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanya eh, nag-aalala din ako M