CHAPTER 22: Abused LEWIS CADEN'S P.O.V "F*ck!" inis na usal ko saka sinipa ang pintuan ng condo unit ko dahil sa inis. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko dahil sa ginawa ni Leizer at gusto kong pagbayaran niya lahat ng ginawa niyang 'to sa akin. Nang tinangka kong pumunta sa mansyon kanina ay pinagbabawalan na ako ng guard na makapasok sa loob ng mansyon at mas nakakainis pa ay tinapon nila ang mga kagamitan ko sa labas ng mansyon kaya naman mas nag-igting ang galit ko sa lalaki na 'yun. At dahil si Lia naman ang dahilan kung bakit ako nabugbog ng magaling kong kapatid ay agad ko siyang tinawagan kanina na pumunta sa address ko ngayon dahil gusto ko siyang makausap at dahil hindi pa naman kami naghihiwalay ay gusto ko pa rin na manatili bilang nobyo niya. Naiinis lan