CHAPTER 21: Mad LEIZER CHROLLO'S P.O.V "Nagustuhan mo ba yung date natin babe?" nakangiting tanong ko kay Rebecca dahil nagleave ako sa opisina ng 2 days kaya naman nakalabas kami ng dalawang araw at nagpunta kami ng province para tumingin ng mga tanim dahil iyon ang gustong-gusto mapuntahan ni Rebecca kaya naman pumunta kami sa isang probinsya at dun din kami nagstay ng dalawang araw. "Oo naman babe salamat kasi tinupad mo yung pangako mo sa 'kin." nakangiting turan ni Rebecca sa akin kaya naman napangiti ako at naramdaman kong niyakap niya ako habang nagmamaneho ako. Pabalik na kasi kami sa syudad kaya naman ng maisip kong huminto muna kami sa isang restaurant para makakain na kami dahil puro prutas lang naman ang pinabaon sa amin ng dalawang matanda na nagtour sa amin sa farm na pin