bc

MY POOR PRINCESS ISLA MONTEALEGRE SERIES 1 (RATED SPG)

book_age18+
8.7K
FOLLOW
57.9K
READ
billionaire
boss
drama
sweet
first love
school
wild
like
intro-logo
Blurb

Savianna Miramonte is a beautiful girl with a good heart. She already has everything, wealth, beauty and intelligence. Her boyfriend Aries cheated on her. She saw it right in his house having s*x with her cousin Ellie. She was so hurt that she just found herself in a bar.

She was so drunk that she was not used to drinking. She did not know what happened next and she found herself in a hotel with a man she did not know.

She didn't say it in anticipation because she also wanted to hurt him. To get revenge on Aries and also hurt him, she made his friend River jealous. But she was disappointed because Ellie continued to seduce him. She could no longer cope with the pain she was feeling so she decided to stay away and did not realize that she was in the town of Montealegre in Quezon. And here she would also meet a man who she thought was just a porter in the market. But he was a Montealegre and it did not tell her who he really was.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 Kinakabahan ako habang papunta ako sa bahay ni Aries. Hindi na ako nagpahatid sa driver ko at ako na mismo ang nagmaneho ng aking kotse. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at mabilis din ang aking patakbo. Panay buntong hininga ko habang tinatahak ang daan papunta sa bahay niya. Tumawag sa akin si Ellie na ihahatid niya raw si Aries sa bahay nito dahil sobra na raw ang pagkalasing at hindi na kayang magmaneho. Kinabahan naman akong bigla dahil kilala ko si Ellie kahit pinsan ko siya ay wala akong tiwala sa kaniya. Masyado siyang liberated at walang pinipiling lalaki basta magustuhan niya ay sinusunggaban nitong kaagad. Pero may tiwala ako kay Aries alam kong hindi niya papatulan si Ellie dahil minsan na siya nitong inakit at nabigo lamang siya. Hindi ko na inayos ang pagkakaparada ng aking sasakyan ay kaagad na akong pumasok sa loob ng bahay niya. Napahinto naman ako at nakita ko ang sasakyan niya na nakaparada sa kaniyang garahe. Ibig sabihin lang nito ay nakauwi na siya at si Ellie ang naghatid sa kan’ya. Hindi na ako nag-abala pang kumatok dahil meron naman akong spare key ng bahay niya. Anytime ay nakakapasok ako kahit wala siya. Nang mabuksan ko na ang pintuan ay mabilis akong umakyat at tinungo kaagad ang kaniyang kuwarto.  Huminga muna ako ng malalim bago ito buksan. Dahan-dahan ko namang pinihit ang seradura at nakita kong walang tao sa kaniyang kuwarto at hindi rin magulo ang kama niya. Akmang lalabas na ako nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig. Kaya naman lumapit ako sa pintuan ng kaniyang banyo at pinakinggan ito. Ngunit wala akong naririnig na boses kun’di tunog lamang ng tubig at iniisip ko na naliligo si Aries at nakaalis na rin si Ellie pagkahatid sa kan’ya. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa pintuan ng banyo ng may marinig naman akong boses ng isang babae. Nanatili akong nakatayo at pinakikiramdaman lamang ito. “Aaah! Oooh shit Aries ang sarap! Sagad mo please!” narinig kong ungol ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali boses ni Ellie ang naririnig ko. Bigla akong napakuyom ng palad at pumihit ako paharap muli sa banyo. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at binuksan ito. Tumambad ang hubad na katawan ni Aries at ang pinsang kong si Ellie. Nakatalikod si Ellie at si Aries naman ay mabilis na umuulos sa kan’ya. Para akong nanlambot at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Tumalikod na lang ako at mabilis na lumabas ng kaniyang kuwarto. Pagkalabas ko ay napahawak na lang ako sa pader dahil parang babagsak ako ano mang oras. Napatutop ako sa aking bibig at mahinang umiiyak para hindi nila marinig. Hindi ko na rin nakayanan ay napasalampak na lang akong bigla sa sahig at panay agos ng aking mga luha. Aries bakit? Anong nagawa kong mali at nagawa mo akong lokohin? Dahil ba sa hindi ko maibigay ang sarili ko sa’yo? Bulong ko sa aking isipan. Pinilit kong makatayo at para na rin makaalis na sa lugar na iyon. Ayokong makita nila ako, at ayaw na ayaw ko na ring makita pa ang pagmumukha nilang dalawa. Nang makalabas na ako sa bahay ni Aries ay kaagad kong pinaandar ang aking sasakyan at mabilis ko itong pinaharurot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, panay pa rin ang agos ng aking mga luha na hindi ko naman mapigilan. Si Aries ang first love ko. Simula noong mga bata pa lang kami ay siya na ang gusto ko makasama habang buhay. At noong tumuntong kami ng high school ay hindi ko inaasahan na liligawan niya ako. Nagtapat siya sa akin na matagal na rin siyang may gusto sa akin noong mga bata pa lang kami. Sobrang saya ko dahil hindi lang pala ako ang nagmamahal. Kaya noong sinagot ko siya makalipas ang limang buwan ay abot-abot ang kaligayahan niya. Kaagad niyang ibinalita sa mga magulang niya na kasintahan na niya ako. Hindi naman sila tumutol at bagkus ay botong-boto pa sila at maging ang pamilya ko ay ganoon din. Magkasosyo ang mga magulang namin sa negosyo kaya naman hindi hadlang sa kanila kung magkaroon man kami ng relasyon. Tumagal ng tatlong taon ang aming relasyon, kahit na nagkakaroon kami ng tampuhan ay kaagad naman namin itong nasosolusyonan. Hindi tumatagal ng kinabukasan ang aming away dahil ayaw niya rin na nag-aaway kami. Kahit na ako ang may kasalanan ay siya pa rin ang humihingi ng tawad. Marami rin ang mga babaeng umaaligid sa kaniya at isa na roon si Ellie. Kahit na anong akit nito sa kan’ya ay hindi niya ito pinapansin. Kaya kampante ako dahil alam kong mahal na mahal ako ni Aries at hindi niya ako lolokohin kailanman. Isang beses niya akong niyaya sa isang bagay na hindi ko pa kayang ibigay sa kan’ya. Gusto kong ibigay sa kan’ya ang aking sarili kapag naikasal na kami, at alam kong siya na ‘yon. Naiintindihan naman niya ako at handa raw siyang maghintay. Ngunit hindi ko inaasahan ang isang bagay na sisira sa aking pagtitiwala at sa pinsan ko pa talaga. Parang biglang gumuho naman ang mundo ko nang makita sila sa loob ng banyo na may ginagawang kababalaghan. Inihinto ko ang aking sasakyan sa isang kilalang bar. Lumabas ako at wala sa sarili ko na pumasok ako sa loob. Hindi ako mahilig pumunta sa ganoong klaseng lugar at lalong-lalo na hindi rin ako sanay na uminom. Tanging si Aries lang ang pumupunta sa bar kasama ang mga barkada niya. Ngunit lagi niya naman itong ipinapaalam sa akin kapag magpupunta siya sa ganoong lugar. Pero ngayon, hindi man lang siya nagsabi at kasama pa pala niya ang aking pinsan. Umupo ako sa pinaka-dulo at wala masyadong tao. Umorder ako ng inumin at habang hinihintay ang aking inorder ay hindi ko na naman maiwasang isipin ang nakita ko kanina. Muli na namang tumulo ang aking luha at mabilis ko itong pinahid. Nang dumating na ang aking inorder ay kaagad ko itong tinungga. Muntik pa akong masuka dahil sa mapait nitong lasa, napaubo ako at pinagpatuloy muli ang pagtungga sa alak. Sinunod-sunod ko naman ang pag-inom para kahit papaano ay makalimutan ko na si Aries. Pero sa bawat lagok ko ng alak ay naaalala ko ang kababuyang ginagawa nila ng pinsan kong si Ellie. Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa dance floor habang hawak-hawak ang isang bote ng beer. Gumiling ako at itinaas ko pa ang bote ng beer. Medyo nakakaramdam na ako ng hilo at ang init na rin ng aking pakiramdam. Mabilis akong malasing dahil hindi naman ako sanay uminom. Habang sumasayaw ako ay naramdaman ko naman ang isang  sa palad sa aking tiyan. Sumunod naman siya sa aking galaw at maya-maya pa ay dumako ang kan’yang palad sa aking hita. Nagulat ako at hinarap siyang bigla. Itinulak ko siya palayo sa akin at aalis na sana ako nang hawakan niya ang aking braso kaya napangiwi ako dahil sa sakit. “Ano ba! Bitawan mo nga ako!” nagpupumiglas kong wika sa isang estranghero. Ngunit hindi siya natinag at humigpit pa ang kan’yang pagkakahawak sa aking braso. “Pakipot ka pa, alam kong gusto mo rin naman!” nakangising sagot ng lalaki. Dahil sa medyo nahihilo na rin ako ay nakita ko na lamang siyang bumagsak sa sahig at nagkakagulo na ang mga tao na nasa dance floor. Pagkatapos niyang suntukin ang lalaking bumastos sa akin ay hinila na niya ako palabas ng bar. “Boss ito na po ang susi ng kotse niyo,” narinig kong sabi sa kan’ya ng isa sa mga bouncer ng bar. “Salamat, kayo na muna ang bahala riyan,” sinulyapan ko siya at nakatingin din siya sa akin. Kahit na nahihilo na ako dahil sa kalasingan ay masasabi kong guwapo siya. Muntikan na akong matumba at mabuti na lamang ay maagap niya akong nahawakan sa aking braso. “Sumakay ka na at ihahatid na kita,” wika niya sa akin. Umiling lang ako at tinitigan siya. Hindi ko alam kung totoong mukha ang nakikita ko o dahil lang sa kalasingan ko. Ni minsan ay hindi ako humanga sa ibang lalaki dahil ang nakikita kong guwapo sa aking paningin ay si Aries lang. Ngunit iba ang dating ng isang ito. Makisig ang pangangatawan at ang mga mata ay animo’y nang-aakit kapag tinitigan ka. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at ngumiti sa kan’ya. “Alam mo ang guwapo mo. Mas guwapo ka pa kaysa sa manloloko kong boyfriend,” namumungay ang mga mata kong tinitigan siya. Tinanggal ko ang dalawang kamay ko sa pisngi niya at tinalikuran siya. Pero sa pagtalikod ko ay muntikan na naman akong matumba at nahawakan niya ako sa aking kamay. “Let’s go ihahatid na kita, bakit ka ba kasi naglasing tapos mag-isa ka lang?” hindi na ako sumagot at inalalayan na niya akong makasakay ng kaniyang sasakyan. Habang tinatahak namin ang daan ay nakapikit lang ako at hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya. Unti-unti ng sumasakit ang aking ulo kahit na kokonti lang ang aking nainom. Dahil sa aking kalasingan ay naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa malambot na kama at ramdam ko rin na may nagtatanggal ng aking sapatos. Pilit ko namang iminumulat ang aking mga mata para makita kung sino iyon. Nang matanggal na niya ang aking sapatos ay umupo siya sa gilid ng kama at hinawi ang aking buhok na nakatakip sa aking mukha. “You’re beautiful. Hindi mo deserve ang ganoong klaseng lalaki. Hindi na muna kita inuwi bago magtaka ang mga magulang mo,” malinaw sa aking pandinig ang kaniyang sinabi. Tatayo na sana siya ng bigla kong hilahin ang kan’yang braso kaya napasubsob siyang bigla sa akin. Tinitigan ko siyang maigi at ang sarap pagmasdan ng kaniyang mga mata. Kahit medyo madilim sa kuwarto ay alam kong maganda ang kaniyang mga mata. Ngumiti naman ako ng tipid sa kan’ya at mas ikinagulat ko ng bigla na lamang niya akong halikan. Wala ako sa sariling napakapit sa kan’yang leeg at gumanti na rin sa kan’ya ng halik. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nalulunod sa kan’yang mga halik. Hindi ko naman kilala ang lalaking ito pero heto ako ngayon at sumama na lang bigla sa kan’ya. Bumaba ang kan’yang mga halik sa aking leeg kaya napapakagat labi na lang ako dahil sa kiliti na aking nararamdaman. Sunod niyang hinubad ang dress na suot ko at tinanggal ang hook ng aking bra. Sinipsip niya ang isa kong dibdib kaya malakas akong napaungol. “Aaaah! Oh my god!” malakas na hiyaw ko. Umpisa pa lang ito pero parang lalo yata akong nalalasing sa ginagawa niya sa aking katawan. Sunod naman niyang hinubad ang aking panty at pagkatapos ay pinagparte naman niya ito. Doon ay muli na naman akong napaungol ng malakas. “Aaaah! Ooh yes!” napasabunot na lang ako sa kan’yang buhok at napapaliyad dahil hindi ko na mapigilan ang sensasyong ginagawa niya sa aking pagkababae. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa at kung bakit sa isang estranghero ko pa ibibigay ang aking sarili. Oo galit ako, pero hindi rin tama ang ginagawa ko at parang gumaganti ako dahil sa ginawa sa akin ni Aries. Mariin ang pagtanggi ko noon kay Aries pero sa isang iglap lang ay napapayag ako ng lalaking ito na hindi ko naman kilala. Ipinasok pa nito ang dila niya sa loob ng aking butas kaya mahigpit din ang pagkakasabunot ko sa kan’ya at hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo. Nang magsawa ay nag-angat na siya at pumatong sa akin. Hinaplos muna nito ang aking mukha at hinalikan ang aking noo at pagkuwa’y ang aking mga labi. Masasabi kong iba ang mga halik niya kumpara kay Aries. Hindi ko maipaliwanag pero nagugustuhan ko kung paano niya ako halikan. Mapupusok ang iginagawad niyang mga halik sa akin. At habang hinahalikan niya ako ay naglalakbay naman ang isa niyang palad sa iba’t-ibang parte ng aking katawan. Dumako ang isang palad niya sa aking malusog na dibdib at mariin niya itong pinisil. Hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari dahil sa unti-unti na ring pumipikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o sadyang totoo ang nangyayari sa akin ngayon. At bago pa ako tuluyang makatulog ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi. “This is not the right time. Sleep tight my baby, I love you.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook