CHAPTER 2

2026 Words
Sapo ko ang aking ulo pagmulat ko ng aking mga mata. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at napansin ko na parang wala akong ano mang saplot sa katawan. Nakatakip lang ako ng kumot at doon ay bigla akong nagising. Sinulyapan ko naman ang lalaking katabi ko, nakadapa ito at wala ring suot na pang-itaas at hanggang bewang ang nakatakip sa kaniyang kumot. Napalunok akong bigla at mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking kumot. Wala akong maalala kung ano ang nangyari kagabi. Ang tanging naaalala ko lang ay iyong nagpunta ako sa bar at may lalaking tumulong sa akin pagkatapos akong bastusin sa dance floor and the rest ay wala na akong maalala pa “Oh my god! Sino ang lalaking ito? Anong nangyari? Bakit wala akong maalala?” wika ko sa aking sarili habang nakatingin sa lalaking katabi ko at nakatalikod sa akin. Sinuri ko ang kaniyang katawan at napalunok na naman ako ng mapansin ang mabato niyang katawan. Halatang batak na batak sa gym dahil sa lapad ng kaniyang likod. Napapitlag akong bigla ng bahagya siyang gumalaw. Dahan-dahan akong bumaba sa kama at hinagilap isa-isa ang aking mga damit. Nakita ko namang nagkalat ang bra at panty ko sa sahig at mabilis itong isinuot. Hinahanap ko naman ang dala kong bag at susi ng kotse ko pero hindi ko ito makita. “Shit naman paano ako uuwi nito wala akong pamasahe?” bulong ko sa aking sarili. Napansin ko naman ang kaniyang pantalon na nakasampay sa upuan at mabilis ko itong kinuha. Panaka-naka ko naman siyang sinusulyapan baka bigla siyang magising at isipin niya pang ninanakawan ko siya. Binuklat ko ang wallet niya para kumuha lang ng pamasahe pauwi. Pero nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa akin ang mga lilibuhin niyang pera. Isa lang ang ibig sabihin nito. Mayaman ang lalaking nakatabi ko kagabi. Kumuha ako ng isang libong piso at kaagad na ibinalik ang pitaka niya sa kaniyang pantalon. Marahan akong naglakad palabas ng kuwarto at dahan-dahan ko ring isinara ang pinto para hindi siya magising. Nang makalabas na ako ay patakbo ko namang tinungo ang elevator. Mag-isa lang akong sakay ng elevator at napasandal na lang akong bigla at mariing pumikit. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ako napunta sa lugar na ito. Naibigay ko kaya sa kan’ya? Si Aries nga na matagal ko ng boyfriend ay hindi ko naibigay ang sarili ko, pero sa lalaking hindi ko kilala ay walang kahirap-hirap niya itong nakuha? Napatapik ako sa aking noo ng muli ko na naman maisip ‘yon. Nang bumukas na ang elevator ay mabilis akong lumabas at nang makalabas na ako ng hotel ay tumawag ako kaagad ng taxi. Dadaanan ko na lamang ang kotse ko sa bar kung saan ako nanggaling kagabi at tiyak naroon pa ‘yon. Kaagad naman akong nakarating sa bahay at nang makapasok na ako sa salas ay nakita ko si mama na tila umiiyak. Nagulat pa ako nang mapansin ko si Aries na tila may tinatawagan. Napadakong bigla ang tingin nila sa akin ng marinig nila ang aking mga yabag. Kaagad na lumapit si Aries sa akin. “Oh fuck hon! Where have you been? Kanina ka pa namin tinatawagan,” kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Aries. Naalala kong bigla ang kababuyang ginagawa nila ng pinsan kong si Ellie sa bahay niya. Napansin ko naman si Ellie na pababa ng hagdan at nakangisi sa akin. Inirapan ko ito at binalingan ang aking ina na papalapit sa akin. “Anak saan ka ba nanggaling? Alam mo bang alalang-alala kami sa’yo?” garalgal na wika ng aking ina. Niyakap ko na lang siya at napaiyak na rin ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay mama ang nakita ko sa pagitan ni Aries at Ellie. Masyadong masakit dahil hindi ko inaasahan na magagawa sa akin iyon ni Aries. Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at hinarap si mama. “I’m sorry mama kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo. May pinuntahan lang ako kagabi.” “Saan ka nagpunta?” saad ni Aries na kunot-noong nakatingin sa akin. Sinulyapan ko muna si Ellie na prenteng nakaupo sa couch at pinag-krus pa ang kaniyang mga braso. Binalingan kong muli si Aries at ngumiti sa kaniya. Kailangan kong magpanggap na walang alam. Gusto kong gumanti sa panloloko na ginawa niya sa akin at lalong-lalo na kay Ellie. Niyakap ko siya at maya-maya ay hinawakan ang kaniyang pisngi. “I’m sorry honey, may tumawag kasi sa akin kagabi na nasa bar ka raw at lasing na lasing. Nagpunta ako doon kaso wala ka na may naghatid na raw sa’yo. Sino ang naghatid sa’yo?" Pansin ko na natigilan siya at biglang napataas ang aking kilay. Alam kong masisinungaling siya sa akin. “A-ano h-honey h-hinatid kasi ako ni Gregory, hindi ko na nasabi sa’yo hon kasi ayokong maabala ka pa. S-sino pala iyong tumawag sa’yo?” nauutal niyang wka sa akin. “I don’t know who he is pero ang sabi niya lasing na lasing ka raw kaya naman dali-dali akong pumunta ng bar ang kaso hindi na kita naabutan do’n. Too bad, saktong nasira naman ang kotse ko kaya iniwan ko muna sa bar. Hindi ako nakauwi at sa hotel na lang ako tumuloy dahil natatakot naman akong bumiyahe ng ganoong oras,” paliwang ko sa kaniya. “I’m sorry honey pinag-alala pa kita.” “Anak tumawag ka kaagad kapag gano’n para hindi naman kami nag-aalala,” mahinang saad sa akin ni mama. “Yes po ma.” “Sigurado kang ikaw lang ang pumunta ng hotel?” sabay kaming napatingin kay Ellie. Tumayo pa ito at lumapit sa amin. “Ellie please!” saway ni Aries sa kaniya. “Sa maamo mong mukha alam ko may baho ka ring itinatago Avi,” nakangisi nitong sabi sa akin. “Ellie huwag mo akong itulad sa’yo dahil ni minsan hindi ako naging ikaw. Hindi ko ugaling tikman ang pagmamay-ari ng iba,” pansin ko naman na natigilan siya at ganoon din si Aries. “O bakit parang natigilan yata kayo?” “Mag-ayos ka na honey baka ma-late ka pa sa unang klase mo eh,” tumango lamang ako sa kaniya at muling sinulyapan si Ellie na masama na ang tingin sa akin. Lumapit muna ako kay Aries at hinalikan siya sa mga labi. Sinadya ko talaga ‘yon para mas lalong inisin si Ellie dahil alam ko noong una pa lang ay malaki na ang pagkakagusto niya sa boyfriend ko. Hindi ko muna sasabihin sa kanila na alam ko na ang nangyari sa kanila. Gusto kong magdusa sila dahil sa ginawa nilang panloloko sa akin. Hinatid muna ako ni Aries sa Standford University bago siya pumasok sa kaniyang trabaho. May-ari sila ng isang malaking kumpanya dito sa Maynila at isa siya sa nagmamanage nito. Mabilis akong bumaba ng kaniyang sasakyan at hindi na siya nilingon pa. Alam kong nagtataka siya sa aking tinuran pero wala akong pakialam. Hindi ko siya kayang makasama ng matagal sa tuwing maiisip ko ang kababuyang ginagawa nila. Masyadong masakit ang malaman na niloloko ka ng taong mahal mo. Pero hindi ako magpapaka-tanga. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pagkapasok ko sa loob ng campus ay sinalubong na kaagad ako ng kaibigan kong si River. May pusong babae pero hindi halata sa kaniyang hitsura dahil lalaki pa rin itong kumilos. Ako lamang ang nakakaalam ng totoo niyang pagkatao maging ang pamilya niya ay hindi alam ang tungkol sa kaniya dahil nag-iisa lamang siyang lalaki sa pamilya. Siya rin ang madalas na pagselosan ni Aries sa tuwing makikita niya na magkasama kami. “Hoy bruha ka! Saan ka galing kagabi?! Tawag nang tawag ang mama mo at ang boyfriend mo hindi ka raw umuwi,” bungad sa akin ni River. Alam kong tatawagan nila si River kaya hindi siya ang idinahilan kong kasama ko kagabi at iisipin nila na nagsisinungaling ako. Naupo muna kami sa bench at malayo ang aking tingin. Muling nagbabadya na namang pumatak ang aking mga luha at napansin naman ito ni River. “Avi anong nangyari? May problema ka ba? Alam mo namang nandito lang ako palagi para masabihan mo ng mga problema mo,” hinawakan pa niya ang isang kamay ko at mariing pinisil. Sinulyapan ko naman siya at doon ay hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol. Habang umiiyak ako ay kinuwento ko naman sa kaniya ang nangyari maging ang nangyari sa akin na may nakasama akong lalaki sa isang hotel. “Anong gagawin ko River? Mahal na mahal ko si Aries pero niloko niya ‘ko,” wika ko kay River. “Avi pareho lang kayong nanloko. Kumabaga quits na kayo.” “Para ka namang tanga niyan River eh!” “Totoo naman Avi eh! Ano ang tawag mo sa nakipag-siping sa lalaking hindi mo kilala? E ‘di ba taksil? And the worst is, posible pa na may nangyari pa sa inyo bruha ka talaga!” mahinang sermon sa akin ni River. Napabuntong hininga na lamang ako dahil may point din naman siya. “Pero pakiramdam ko wala nman nangyari sa amin River.” “At paano ka nakakasiguro?” “E kasi wala namang masakit sa akin at nakakalakad pa ako ng matino.” “Ay wow! Nakaka-pilay pala ‘yon girl?” sinamaan ko naman siya ng tingin pagkasabi niyang iyon. “Ano ngayon ang balak mo?” “River ikaw lang ang makakatulong sa akin.” “Ano bang klaseng tulong ‘yan?” tinitigan ko naman siya ng makahulugan at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata na wari ko’y alam ang aking ibig sabihin. “Hoy Avi alam ko kung ano iyang nasa isip mo. Ayoko! Ayoko! Ayoko!” mariing tanggi niya at tumalikod pa siya sa akin. “Sige na naman River, ikaw lang talaga ang naisip ko eh.” “Gusto mo bang mabugbog ako ng boyfriend mo ng wala sa oras? Alam mo namang selos na selos sa akin ‘yang boyfriend mo eh!” “Kaya nga ikaw ang naisip ko eh.” “Bakit kasi hindi mo na lang hiwalayan iyang boyfriend mo?” “Gusto kong makaganti River, alam mo namang hindi ako basta-basta sumusuko.” “After that anong gagawin mo?” takang tanong niya sa akin. “Wawasakin ko rin ang puso niya tulad ng pagwasak niya sa akin,” pagkasabi kong iyon ay tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha. Akala ko noon ay siya na ang perpektong lalaking nakilala ko. Pero nagkamali ako ng pagkakakilala sa kaniya. Dahil sa isang tukso ay bumigay na siya ng tuluyan. Siya ang lalaking pinapangarap ko simula noong bata pa lang ako. At siya ang unang sumira sa pagtitiwala ko. "Gaganti ka tapos ano ang ending ikaw rin naman pala ang masasaktan. Avi isa kang malaking engot!" Sermon sa akin ni River na ikinatahimik ko. Niyakap na lamang niya ako para kahit papano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Nang matapos na ang klase namin ay kaagad na lumapit sa akin ang guard bago pa ako makalabas ng gate ng university. “Ma’am kayo po si Savianna Miramonte ‘di ba?” ani ng guard sa akin. “Ako nga po. Bakit po?” “Ibigay ko raw po sa inyo ang susi ng kotse niyo,” sabay abot niya sa akin ng susi ng kotse ko. Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman kung saan ako nag-aaral at kung ano ang pangalan ko. “Sino po ang naghatid nito manong?” “Lalaki po eh, R.M lang po ang binigay niyang pangalan sa akin. Ang sabi niya lang po naiwan niyo raw po ang kotse niyo sa bar,” nagkatinginan naman kami ni River at pakiwari ko’y may gusto siyang itanong sa akin. “Naku Avi ha, hindi kaya siya ‘yong naka-ano mo?” sinamaan ko naman siya ng tingin. Sino kaya siya? Siya nga kaya iyong lalaking nagdala sa akin sa hotel kagabi? Pero paano niya nalaman kung saan ako nag-aaral? Pati ang pangalan ko alam din niya? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD