bc

Hate and Love

book_age16+
107
FOLLOW
1K
READ
possessive
playboy
goodgirl
billionairess
heir/heiress
drama
bxg
heavy
first love
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Simula ng iwanan at takbuhan siya ng lalaking pinagkatiwalaan niya ng lahat-lahat sa kanya at

sa murang edad sinubok na siya ng pagkakataon naging ina sa batang edad na 16.

Lahat kinaya niya para sa dalawang anghel na binigay sa kanya.Nagbagong buhay sila kasama ang ina at namuhay malayo sa taong kinamuhian niya.

Pero paano na lang kung sa pagbabalik niya magsasanga ulit ang landas nila.

Is she willing to forget and forgive,or the hate will be transform into love again.

Juan Klevin Montero and Ivanna Leigh Reyes story

2nd Generations..

chap-preview
Free preview
“HAL PAST 1”
Masaya siyang malaman na magtatapos na siya ng high school at may ipagmamalaki sa ina niyang halos nagpapakahirap sa paglalaba para lang may ipantustos sa pag aaral niya makatapos lamang siya ng sekondarya. Kaya lahat ginawa din niya para maabot ang karangalan na pinangarap niya ang makakuha ng valedictorian sa klase nila.At isa na rin duon ang taong nagbigay ng importansiya sa kanya at naging inspirasyon na rin niya. Halos inabot din ng tatlong buwan ang naging panliligaw nito sa kanya at sinagot niya kahit na ang layo ng agwat nila sa buhay.Juan Klevin Montero gwapo,mayaman at sikat sa buong campus nila kaya kahit hindi siya makapaniwala na mabigyan ng atensyon nito ay pikit mata niyang tinanggap ito sa buhay niya. Araw-araw iba ibang salita ang naririnig niya sa kapwa estudyante niya.Sino nga naman siya isang hamak na eskolar lamang at labandera ang nanay samantalang lahat ng estudyante rito ay puro mayayaman ang nag aaral kaya sa apat na taon niyang nag aaral dito ay dalawa lamang ang naging kaibigan niya si Bridgette Lim na anak ng isang senador at ang kasintahan nitong si Gerald Lopez na mayaman din ang angkan. Tanging mga ito lamang ang kasa kasama niya sa araw-araw simula ng pumasok siya dito apat na taon na. At ngaun may boyfriend na rin siya na kahit anong masasakit na salita ang ibato at iparinig sa kanya ay binaliwala niya ang lahat alam niya sa sarili niyang hindi siya ganun. Simula ng naging sila ni Klev ay araw araw na silang nakikita na magkasama hinahatid siya nito sa lugar niya na hindi naman niya hinahayaan na makapasok mismo sa loob ng lugar nila ayaw niyang pag usapan siya ng mga kapitbahay niyang wala ng ginawa kundi pag usapan ang buhay ng iba. Hanggat maari nasa labasan lamang ito kung ihatid siya na naintindihan naman ng nobyo. Suntok sa buwan ang mahalin ang isang Montero.Sabi nga nila na sa kanya na ang lahat maganda matangkad,maputi at matalino yan lamang ang maipagmalaki niya bukod duon wala na.Kaya pikit mata siyang naglalakad at taas nuo sa kapwa estudyanteng nangungutya sa kanya. All she know is shes proud of herself and shes happy wala siyang inaapakan na kapwa she doesnt mind people talking about her back. Last christmas day is her memorable day she give herself to the one she loves so much wala siyang pinagsisihan sa sarili niya ng ipagkaloob dito ang sarili.Klev is everything for her alam niyang masaya rin ito sa nanagyari sa kanila. Kaya maaga siyang pumasok ngaun para puntahan ang nobyo at may importanti siyang sasabihin dito halos isang buwan na rin kasi itong naging busy sa praktis nito at malapit na ang finals ng basketball tournament ng interschool kaya wala itong time para ihatid siya kaya pupuntahan na lang niya ito sa gym kung saan ito naglalagi palagi pero dadaanan na lang din niya muna ito sa locker room ng mga ito baka nanduon. Nagmamadali siyang naglalakad ng may humarang na naman sa dadaanan niya. "Hey bitch" Tatalikuran na sana niya ito ng hinaklit nito ang braso niya. "Dont you dare turn your back at me" gigil nitong sabi.Thats Stella Madrid isa sa mga anak ng may ari ng eskwelahang ito kaya malakas ang loob at kilala sa buong campus. Hinarap niya ito na nakangiwi ng masaktan siya sa hawak nito sa braso kaya hinila niya ito bigla. "What do you want? naiinis niyang saad. "Oh well i just wanted you to know that starting today leave my boyfriend away"taas nuo nitong saad sa harapan niya. "If i know i have my own boyfriend and i dont care about your boyfriend so please get out my way" matapang niyang saad dito at hinawi ito sa harapan niya. "If you dont know whose my boyfriend is well i let you know,girls tell her who my boyfriend is" sabay utos nito sa mga kasamahang babae na masama ang tingin sa kanya. "Juan Klevin is her boyfriend" Sabay-sabay pa nagsalita ang mga ito na ikinatulos niya sa narinig. "Now that you know leave him away ngaun pa na nakuha na niya ang gusto nitong makuha sayo"humahalakhak pa nitong sabi na lumalayo sa kanya ksama ang mga alipores nito. Samantala siya parang pinako sa kinatatayuan niya kung saan siya hinarang kanina.Ayaw niyang maniwala dito dahil alam niyang mahal siya ni Klev,napahawak siya sa sariling tyan ng bigla itong kumirot. Nang mahimasmasan ay tumuloy siya sa lugar na pupuntahan gusto niya itong makausap ng sarilinan at sabihin dito ang importanteng bagay. Naabutan niya ang mga ito sa locker room na nagtatawanan. "Wow bro,talagang seneryoso mo talaga ha,now that you got her what you will do now?tanong pa nung kasama nitong lalaki na nang ngangalang Stanley. "Yeah bro,nagkabalikan na rin naman kayo ni Stella so ibig sabihin itsapwera na si Ivannah sayo pagkatapos mong makuha ito ikaw na bro kaya saludo ako sayo" ani pang isa na kasamahan nito. "Ofcourse bro,Ivannah is nothing to me i just did for our deal now that i won i got my prize and i got her too" mayabang nitong sabi na binuntutan ng malakas na tawa. Hindi na niya natuloy pa ang lumapit sa mga ito nahilam na ng luha ang mga mata niya hindi niya mapigilan ang mga ito na nag uunahan ng tumulo. Masakit marinig na pinagpusthan lamang pala siya ng lalaking binigyan niya ng lahat. Ano pang dahilan para sabihin niya ang gusto niyang sabihin dito wala na,tumalikod siyang lumuluha sa mga ito nang mabangga niya ang babaeng nag umpisa ng lahat ng sakit sa kanya. "Oh,it hurts di ba?pangungutya pa nito sa kanya."Now that you kNow already then stay away with my boyfriend"banta pa nito. Tatakbo na sana siya ng marinig niya ang boses ng lalakiNg nagbigay sa kanya ng sobrang sakit. "Leigh" tanging sambit lang nito. "Hon i already told her about us" singit ni Stella. "Yeah,sinabi na niya sa akin ang tungkol sa inyo,ang masakit lang ang gawin niyo akong premyo sa pustahan niyo" hinarap na niya ito na hilam sa luha ang mukha niya."i heard everything im nothing to you kaya pala niligawan mo ako para lang makuha ang premyo mo at ang katawan ko yun lang pala ang makapagpasaya sayo,mga manloloko kayo kaya magsama-sama kayong lahat"sinampal niya ito bago siya tumalikod na hindi nakahuma sa ginawa niya "kulang pa yan sa ginawa mo sa akin" tumakbo siya at iniwan ang mga ito derederetso siyang lumabas sa eskwelahan nila. Masamang masama ang loob niya ang lalaking pinagkatiwalaan niya lolokohin lang pala siya nito kaya pala halos isang buwan na pagkatapos ng may nangyari sa kanila nag iba na ito madalas na lang sila magkita at marami na itong pagkakataon na parang iniiwasan na siya ngunit binaliwala niya ito. Ngaun alam na niya at narinig pa mismo niya sa sarili nitong bunganga. Nakasakay na siya ng jeep na tuliro ang utak niya pinagtitinginan siya ng mga kasabayan niyang mga pasahero pero wala siyang pakialam sa mga ito. Bumaba siya ng jeep ng may makita siyang isang parke naupo siya sa isang puno at umiyak ng todo lahat binuhos niya ang sama ng loob ayaw niyang umuwi sa kanila na ganito ang itsura niya ng may isang puting panyo na nakaharang sa mukha niya. Kinuha niya ito nang hindi tinitingnan kung sino man ang nagbigay sa kanya. "Thank you"tangi lang niyang nasabi dito,ngunit umupo pa ito sa tabi niya. "Im Chris Anderson"pagpapakilala nito sa sarili,"i saw you crying too much thats why im here," Kinuha niya ang nakalahad na palad nito sa kanya "Ivannah Leigh "pagpapakilala niya ngunit natigilan siya sa kaharap na lalaki. Mukha itong foreiner sa itsura kaya bigla niyang nabawi agad ang palad na ikinatawa ng kaharap. "Wow nice name,would you mind if i ask?Is something wrong?usisa na nito na nakatingin sa kanya. "Nothing im just upset so bad"tanggi niya at tumulo na Naman ang mga luha niyang hindi napigilan sa sunod sunod na pagpatak. "I know there is you will not cry a river like that if you dont, you can tell me i dont mind and im willing to listen if you would let me" he insisted. Nag aalangan pa siyang sabihin dito ngunitnagawa din niyang sabihin nahirapan pa siyang ekwento dito dahil hindi ito nakakaintindi ng tagalog.Kahit ganun pa man lumuwag ang dibdib niya ng matapos niyang sabihin ang lahat dito. "His an asshole i will punch his face if i saw him"nakakuyom nitong saad. "I slap him already but i know its not enough"sagot niya dito. "Good girl,compose yourself and dont let that bastard saw you crying again be strong" pampalakas loob pa nitong sabi. "Thank you Chris" sincere niyang pagpapasalamat dito kahit ngaun lang niya ito nakita but feeling niya matagal na niya itong kilala. "Your always welcome my bunny"anitong natigilan siya sa huling sinabi nto. Iisa lang ang tumatawag sa kanya ng ganun at ang kuya tan-tan lang niya na matagal na niyang hindi nakita simula ng lumipat ang mga ito at tumira sa america. Kaya hinarap niya ito at tinitigan ng mabuti kung ito nga ba ang kuya tan-tan niya. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin?bigla nitong sabi na lalong kinagulat niya marunong din pala itong magtagalog pero pinahirapan pa siya kanina mag english. "Pinahirapan mo pa ako marunong ka naman palang magtagalog"sinuntok niya ito sa tyan na ikinagulat din nito. "Wooh, that hurts little rabbit" nakangisi nitong sabi. Dun lang niya nakumpirma na ito nga ang nag iisa niyang pinsan ang kuya tan-tan niya. Kaya umiyak na Naman siya sa nalaman. "Hey why are you crying again?nag alalang saad nito. Ngunit niyakap niya ito ng mahigpit."Kuya"tanging nasambit niya dito at puro iyak na alang siya. "Stop now little bunny,makakasama sayo yan,you have little rabbits inside your womb so stop now and lets go home"alo na nito at inakay na siya paalis sa kinauupuan niya kanina. "Thank you kuya".

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook