Chapter 06

1356 Words
NANG makalayo sa bahay ng ama ni Sianna ay saka lang niya nagawang ihinto sa gilid ng kalsada ang kaniyang dina-drive na kotse. Nakagat niya nang mariin ang kaniyang ibabang-labi. Hindi matanggap ng kaniyang kalooban ang ginawang pagkampi ng kaniyang Papa Juancho kay Rose at sa kinakasama nito ngayon. Gayong siya ang lihitimo nitong kadugo at pamilya. Kailangan na talaga yata niyang tanggapin na mag-isa na lamang siya sa mundo. Walang magulang na matatakbuhan o masasandalan. Mariin niyang pinahid ang mga luhang naglandas sa magkabila niyang pisngi. “Hindi mo sila dapat iyakan, Sianna,” kausap pa niya sa kaniyang sarili habang nanginginig ang boses. “Hindi mo deserve na umiyak dahil wala silang kuwenta.” Nang maisip ang pagdadalang tao ni Rose, lalo lang namuo ang puot sa kaniyang puso para sa kaniyang dating nobyo. Hindi lang niya matanggap na naisahan siya nina Rose at Wil. Wala siyang kamalay-malay sa nagaganap na kahayupan sa mga ito. Mabuti na lang talaga, hindi pa siya naikakasal kay Wil. Paano kung kasal na sila at saka pa lang niya nalaman ang kahayupan ng mga ito? O ‘di kaya naman ay kung kailan nagdadalang tao na siya para sa anak nila? Mukhang hindi pa rin talaga inadya ng Panginoon na danasin niya iyon kay Wil. Namura pa niya sa kaniyang isipan si Wil. Huminga siya nang malalim at inayos na niya ang kaniyang sarili. Pinangako niya na hinding-hindi na siya iiyak para sa mga walang kuwentang tao sa buhay niya. Muli siyang nag-drive at ipinasya ng umuwi sa kaniyang condo. At pagdating nga sa kaniyang condo ay naabutan pa niya sa labas ng pinto si Wil. Hindi ito makapasok sa loob niyon dahil binago niya ang passcode ng pinto. Blangko ang tingin na ipinukol niya rito. Ni hindi siya nagsalita. “Sianna, mag-usap tayo,” pakiusap ni Wil nang lapitan siya. “‘Wag na ‘wag mo akong hahawakan,” mariin at malamig niyang wika rito nang umakma itong hahawak sa kamay niya. “Ang lakas naman ng loob mo na magpakita sa akin dito.” “Please. Mag-usap tayo.” “Mag-usap?” gagad ni Sianna kay Wil. “Wala tayong dapat na pag-usapan. Isa pa, tapos na ang lahat sa ating dalawa at malinaw na malinaw ‘yon. Umalis ka na dahil ayaw kong makita pa ‘yang pagmumukha mo. Baka dito pa magdilim ang paningin ko sa iyo at mas lalong hindi kita matantiya.” “Sianna, patawarin mo ako. Ano’ng gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo? I swear, hinding-hindi na mauulit ‘yon at—” Ang buong galit niya ng mga sandaling iyon ay idinaan niya sa isang buong lakas na sampal sa mukha ni Wil. “Putang-ina, Wil!” halos manginig sa galit niyang bulyaw rito. “Ano’ng tingin mo sa akin? Bata na kapag binigyan mo ng candy ay okay na ang lahat? Ganoon ba? Uto-uto? At ano ang tingin mo sa kagaguhang ginawa mo sa likod ko? Kapata-patawad? No,” mariin niyang wika. “Walang kapatawaran ang ginawa mo. Kahit mamatay ka ngayon sa harapan ko, kulang pa ‘yon para patawarin kita. Tabi,” ani Sianna na binunggo pa si Wil para lang makadaan sa tabi nito. “Sianna…” Nang mabuksan ang pinto ng kaniyang condo unit ay muli niyang tinapunan ng masamang tingin si Wil. “Pakasaya ka ngayon kay Rose. Tutal naman, bagay kayong dalawang magsama. Bagay na bagay,” uyam pa niya rito bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang condo unit. Halos tumaas-baba pa ang kaniyang dibdib dahil sa kaniyang paghinga. Saka lang nanlambot ang kaniyang pakiramdam kaya napasandal pa siya sa may pinto. Nag-doorbell si Wil na may kasama pang pagkatok pero hindi na niya para pansinin pa. Tapos na siya rito at iyon ang alam niya. Isang hinga pa nang malalim bago dumiretso sa kaniyang silid at nahiga sa kaniyang kama. Ang kapal lang talaga ng mukha ni Wil para magpakita pa sa kaniya. “Patawad,” mapakla pa niyang wika. Lahat ba ng tao ay sorry lang ang katapat sa isang pagkakamali? At ano ang tingin sa kaniya ni Wil? Sorry lang ang katapat sa ginawa nitong kahayupan sa kaniya? Na kaya niyong burahin ang lamat na ibinigay nito sa kaniyang puso oras na gawin nito ang gusto niya? Totoo ang sinabi niya rito na kahit magpakamatay ito sa harapan niya, hindi pa rin niya ito mapapatawad. Niloko siya nito. At sa dinami-rami pa ng babae sa mundo, kay Rose pa talaga ito pumatol? Iyon ang mas nagpatindi ng galit niya rito. At ang balak niyang pag-re-resign sa kaniyang trabaho ay mukhang hindi na rin matutuloy. Lalo na at balik na naman siya sa una, mag-isa lang sa buhay. NAKATITIG PA RIN SI ELIEZER sa limang libong piso na nasa ibabaw ng office table niya sa kaniyang Study Room, sa kaniyang bahay. Hindi pa rin siya makapaniwala na bibigyan siya ng limang libong piso ng isang babaeng nagpainit ng kaniyang gabi. Mukha ba talaga siyang bayarang lalaki? “Sir,” untag ni Carlos kay Eliezer nang pumasok ito sa loob ng kaniyang Study Room. Personal Assistant niya ito. “Carlos,” aniya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa perang nasa lamesa niya. “Magkaano ang rate ngayon ng mga call boy?” “Ho?” gulat pang bulalas ni Carlos sa kaniyang sinabi. Tiningnan niya si Carlos. “May idea ka?” Umiling ito. “Wala ho. Ipagtatanong ko ho kung gusto ninyong malaman.” “Never mind,” aniya na nagbawi na ng tingin. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang babaeng nagpainit ng kaniyang gabi. Kakaiba ito sa lahat. Ni hindi ito nagdemand ng kahit na ano sa kaniya. Sa halip? Siya pa ang binigyan ng perang nagkakahalaga ng limang libong piso. Napapailing na naman siya. “Sino nga pala ‘yong babaeng nasa loob ng suite ko kagabi?” “Babae?” ulit pa ni Carlos. “May babae sa kama ko. Hindi ka ba nagpadala ng babae sa suite ko?” Kumunot ang noo ni Carlos. “Sa pagkakatanda ko, Sir, umiiwas na kayo sa mga babae dahil minsan ka ng muntik mapikot? Kaya hindi ho ako nangangahas na magpapunta ng babae sa hotel na tutuluyan mo.” Sandali pa siyang natigilan sa sinabing iyon ni Carlos. Kung ganoon, sino ang babaeng iyon? Paano ba niyang makakalimutan ang nangyari kagabi? That girl was a virgin. Isinandal ni Eliezer ang likuran sa backrest ng kaniyang swivel chair. Buong akala niya ay mayroong pasurpresa sa kaniya si Carlos lalo na at kauuwi lang niya galing sa isang buwang pananatili sa Australia dahil sa business niya na doon nakabase. Pero mukhang mali ang kaniyang akala. Mukha ba siyang sabik na sabik sa babae kagabi? Hindi rin naman dahil nakakainom siya. Hindi rin naman siya lasing dahil alam niya ang mga pinaggagagawa niya at kung paano niyang kasabikan ang katawang nakahain sa kaniyang harapan kagabi. At ang magandang mukhang iyon ng babaeng nakasiping niya, hindi madaling kalimutan. Tumikhim si Carlos kapag kuwan. “Sir,” muli ay agaw nito sa kaniyang pansin. “Yes?” “Babalik na ho ba kayo sa Lunes sa Falcon Group?” “Hmm.” “Wala ho kayong balak na magpahinga muna kahit isang linggo?” “Nagawa ko na ‘yan sa Australia, Carlos.” Ang gusto lang niyang malaman ngayon ay kung sino ang babaeng iyon sa kaniyang ukupadong suite sa hotel na kaniyang tinuluyan kagabi. For what, Eliezer? anang isang bahagi ng kaniyang isipan. Bakit nga ba? Para ibalik ang limang libong piso na ibinigay nito sa kaniya? Oh, crap! Hindi lilimang libo lamang ang halaga niya. Para na namang nananadya sa kaniyang alaala ang mainit na sandali niya sa piling ng babaeng iyon. That woman was drunk, at iyon ang malinaw sa kaniya kagabi. Pero nagagawa niyong tumugon sa mga ginagawa niya sa katawan nito. Maging ang halik niyon na… Fuck! Bigla siyang tumayo buhat sa kaniyang pagkakaupo na ikinakislot ni Carlos sa kinatatayuan nito. Kailangan niyang magbabad sa malamig na tubig. Ni walang salita nang iwan niya si Carlos sa loob ng Study Room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD