Napailing na si Mayumi dahil naiinis siya kay Miguel pero napaisip din siya sa mga sinabi nito, mukhang nagkakamali na naman ito ng sapantaha. Wala siyang kahit na anong nararamdaman para kay Aaron, sa kanya lang kasi hindi dapat gano'n. Tsaka talaga yatang iniisip nito na magagawa niyang magkagusto sa iba. Hindi man niya masabi-sabi dito na parehas pa rin ang kanyang nararamdaman noon at hanggang ngayon. At hindi rin niya maipadama dito pero alam niya sa kanyang sarili na nag-iisa pa rin ito sa kanyang puso. Kaya lang napaisip siya na parang nasobrahan din naman talaga siya ng sinabi kanina. Nagawa pa niya itong ipagtabuyan dahil sa galit niya, pero ngayon napagtanto niya na mukhang nasaktan nga niya ito ng sobra. Sabagay napansin na rin niya kanina sa mga mata nito iyon, pero

