“Sobrang nakakahiya Miguel ang ginawa mo, ano na lang sasabihin nina Manong Elmer at Aling Elma. Ay ewan ko sayo Miguel hindi ko na alam kung ang gagawin ko sayo, isip mo na lang palaging manakit. Hindi mo man lang inisip na nakakahiya sa mga taong makakakita sa'yo. Hindi ka pa nga nila dito tanggap ng lubusan, nakiusap lang ako sa kanila tapos gumawa ka na ng kalokohan!” inis na wika pa rin ni Mayumi sa kanya. Nakaramdam tuloy siya ng pagtatampo dito, pinagtanggol lang naman niya ang sarili niya. Syempre, sabihin man na totoo yung sinabi ng lalaking iyon, pero dati pa yun eh. Hindi naman na niya gagawin pa ulit iyon. Okay lang ba talaga dito na mapahiya siya. Iyong tipong kahit na i-down siya ng husto ng lalaking iyon ay okey lang. Bakit parang mas mahalaga pa dito ang sasabihin ng ib

