"Bakit po Mama? Tama lang naman po yung tinanong ko sa inyo ah. Bakit po kayo naiinis sa akin at bakit ninyo naman talaga ako tatanungin kung anong ginagawa ko dito. Syempre bahay namin ito ni Conran. Asawa po ako 'di ba? So may karapatan ako sa bahay, kaya dapat hindi kayo nagtatanong ng ganyan sa akin. Ako pa nga po ang dapat magtanong. Bakit nandito ang ex ng asawa ko? Kung sa inyo ko po kaya gawin yan? Lumagay kayo sa kalagayan ko na ang ex ng Papa ni Conran ay in-invite ng pamilya niya tapos nandoon ka. Tapos ganito yung trato sayo, sige nga po ano po kayang mararamdaman ninyo?" seryosong hawakan niya sa ina ni Conran. Pinigilan niya ang maluha para hindi isipin ng mga ito na mahina siya. Tila nakuha naman niya ang nais niyang reaksyon ng Mama ni Conran. Lumikot ang mga mata nito at

