"Mukha talagang pera, ganyan ba talaga ang tinuro ng mga magulang mo sayo ha?! Pati anak ko nadamay pa sa pagiging mukhang pera ninyong buong pamilya. Ang lola niya kapag iyan ang humiling sa anak ko siguradong matutupad kaya huwag ka nang umaasa pa na magtatagal kayo ng anak ko dahil hindi namin kailangan sa pamilya ang katulad mong haliparot. Ayaw mo pa noon may 1 million ka na, hindi na mahihirapan ang mga magulang mong manghuthot sa anak ko." wika pa ng Ginang. Para tuloy nauubusan na siya ng pasensya dito dahil pati magulang niya eh sinasali na nito sa usapan. "Ma'am mawalang galang na ho, tayo lang po ang nandito kaya kung maaari po sana, wag mong idamay ang mga magulang ko dito. Wala silang alam sa mga pinagsasabi ninyo na yan at kung yan ang paniniwala ninyo tungkol sa akin. Oke

