"Ayan Marikit! Nang dahil sayo nahirapan pa si Lola! Kung bakit naman kasi napaka-kapal ng mukha! Talagang pumunta ka pa dito kahit na pinagbabawalan na!" mataray na wika ni Emma habang nakatingin sa kanya na pairap. Kalalabas lang nito mula sa silid na dati niyang inuukopa, na ngayon ay tinutuluyan naman ng lola ni Conran. Parang masyadong bilib na bilib sa sarili ang kanyang tita, para bang feeling nito ay miyembro talaga ito ng pamilya nina Conran. Ang mama naman ni Conran na noon ay katatapos lamang panoorin ang video na pinapanood niya dito at tiningnan din nila ang account ni Emma sa f@cebook. At doon kitang kita nito kung anong klaseng babae si Emma. Nandon din kasi naka-post ang mga night life nito kasama ang mga barkada at yung mga ka-fling nito na walang habas kung makipagha

